Demetriou’s POV Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama na kapwa walang saplot habang nakatanaw sa magandang tanawin mula sa labas ng glass wall. Nakapatong sa dibdib ko ang ulo ni Zoe habang nakayakap sa aking katawan ang mga braso nito na sinusuklay naman ng aking kamay ang mahabang buhok nito. Pipîng dalangin ko ay sana habang buhay na lang kaming ganito ngunit batid ko na ang lahat ay may hangganan. Hindi matutumbasan ang kasiyahang naranasan ko sa piling nito sa loob ng mahigit isang linggo na pamamalagi namin dito sa isla. Ngunit ang lahat ng kasiyahan na ‘yon ay saglit na mauudlot dahil sa laki ng obligasyon na nakaatang sa akin ay kailangan ko ng bumalik sa dating mundo na ginagalawan ko. “Sweetheart may kailangan kang malaman,” ang malumanay kong sabi sa seryosong boses. Nag-an

