Zoe’s POV Sa isang linggo ng pananatili ko sa isla ni Drakos ay naging masaya ang bawat oras na kapiling namin ang isa’t-isa. Pakiramdam ko ay nagbalik ang dating ako, dagli ko ring nakalimutan ang lahat ng masasakit na nangyari sa aking buhay, at napagtanto ko na sa binata na lang umiikot ang mundo ko. Siya ang dahilan kung bakit naging makabuluhan ang bawat araw ko at kung bakit masaya ako ngayon. Siya na lang ang meron ako, kapag nawala siya sa akin hindi ko na alam kung paano na ako. Medyo magaling na ang sugat ko at bumalik na rin ang lakas ko kaya malaya na akong nakakakilos. Kasalukuyan akong nandito sa balkonahe at nagpapahangin habang natutuwang pinagmamasdan ko ang dagat, napakaaliwalas ng buong paligid, lalo na ang mala-asul nitong tubig. Napangiti ako sa aking naisip kay

