Henry’s POV Mahigit isang taon din akong nagtago, dahil simula ng mamatay ang kaibigan kong si Drakos ay nagsimula ng malagay sa panganib ang buhay ko. Pagkatapos kong magbigay ng salaysay ng araw na iyon ay inambush ang aking sasakyan at hindi ako tinigilan ng mga taong gustong pumatay sa akin. Napilitan tuloy ang pamilya ko na umalis ng bansa habang ako naman ay nag palipat-lipat ng tirahan. Alam ko na si Brixton ang nasa likod ng lahat ng ito at gusto niyang madiin si Zoe sa pagkamatay ni Drakos dahil nalaman ko na lang ang balita na pinaghahanap ng mga tauhan ng matandang Aragon si Zoe. Nais ko sanang kausapin ang Ama ni Drakos ngunit sa tuwing nagtatangka akong lumabas ay laging may nakaambang panganib. Nagsimula na akong lumantad ng nabalitaan ko ang pagkamatay ni Brixton kaya

