“N-nakikiusap ako, k-kailangan ko ang gamot...” nagsusumamo na wika Zoe habang nakaluhod sa harapan ng matandang Aragon. Yakap nito ang sariling katawan na walang tigil sa panginginig, nangangatal ang mga labi nito at matindi ang pamumutla ng mukha, halos maligo na sa pawis ang buong katawan ng dalaga. “Paano kita pagbibigyan Zoe gayong sa pagkakataong ito ay binigo mo ako!?” Galit na sabi ni Ceasar habang matamang nakatingin sa dalaga. Nakaupo ito na tila isang hari sa harapan ni Zoe habang naka-de-kwatro ang paa nito, sa kanang kamay ay nakaipit sa mga daliri ang isang umuusok na malaking tabako. Sa magkabilaang gilid ng matandang Aragon ay nakatayo ang dalawang personal bodyguards nito na puno ng tatto ang mga braso at namumutok sa suot na Itim na T-shirt ang mga naglalakihang musc

