Mr. Huen’s POV “Dad sa palagay ko alam na ng matandang Aragon ang pagkatao ko, sigurado ako na siya ang nagpadala sa babaeng iyon para patayin ako.” Galit na sabi ng aking anak na si John, habang hawak nito ang balikat na may sugat. “Kung ganun ay kailangan nating mag-ingat, mautak ang matandang ‘yon dahil ilang beses na niyang pinabagsak ang mga negosyo ko at ngayon at nalaman kaagad niya ang tungkol sayo.” Sabi ko habang nakaupo sa aking swivel chair. Alas diyes na ng gabi at kasalukuyan kaming nag-uusap ng anak ko dito sa loob ng aking opisina. Nakauwi na ang lahat ng mga empleyado ko kaya walang nakakaalam ng pagpunta ni John sa aking opisina. Labis akong nag-alala ng ibalita sa akin ng aking tauhan ang pagtatangka sa buhay nito. Si John ang nag-iisa kong anak na lalaki ngunit i

