Zoe’s POV Hindi kumukurap ang aking mga mata habang nakatitig sa magandang mukha ng babae na kulang na lang ay takasan na ito ng kaluluwa dahil sa matinding takot habang nakatitig sa aking mukha na bahagya pang nakaawang ang bibig nito. Sexy ang babae dahil sa sobrang hapit ng suot nitong black mini dress na umabot hanggang kalahati ng hita nito, matangkad din ito ngunit di hamak na mas matangkad ako sa kan’ya. Dahan-dahan kong tinulak ang dahon ng pintuan gamit ang dulo ng aking baril, sa bawat pag-abante ng aking mga paa papasok sa loob ng kwarto ay siya namang hakbang paatras ng babae ng hindi tinatanggal ang tingin nito sa mukha ko. Halata sa katawan ng babae ang matinding takot nito sa akin dahil sa malakas na panginginig nito at pamumutla ng kanyang mukha. Nanatiling seryoso ang

