Twelve

1438 Words

NARAMDAMAN ko ang magaang hawak ni Sir Rolf sa ibabaw ng ulo ko, ginulo nang bahagya ang buhok ko—iyon ang pumukaw sa akin. Mula sa pagkatulala ay napaatras ako ng isang hakbang palayo…at napangiti. Pagtatawanan ko na lang ang sarili ko maya-maya sa pinagagagawa kong nakakahiya.             “Sir Rolf,” ang nasambit ko. Wala nang naidugtong. Napagtanto kong wala akong handang sasabihin. Ni hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang akong sumugod doon.             Mas hinila ni Sir Rolf ang pinto pabukas. “Pasok ka,” maikling sabi niya at tumalikod na. Nagdalawang isip ako. Wala naman kasi akong sasabihin. Gusto kong umalis na pero gusto ko rin namang pumasok. Ang gulo ko lang. Napakamot ako sa sentido—na kitang-kita ni Sir Rolf nang bumalik para tingnan kung bakit hindi ako sumunod. “Hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD