2013. October. Realidad. Dear Sir Rolf, High ka ba sa horror? O ako ang high kay Cinderella? Prinsipe ka na hindi ko maaabot. Palaka lang ako na laging nakatambay sa lupa. Hindi kailanman makakalipad ang palaka para abutin ka. Bakit mo ako k-in-iss? Love, (Daday (na hindi makaka-move on sa kiss mo) P.S. Paano na? Ano’ng dapat kong gawin ngayon? Matatahimik pa ba ang buhay ko kung sa tuwing titingnan kita, halik mo ang maiisip ko? Iisipin ko pa kung mapapatawad kita sa panggugulo mo sa magulo nang mundo ko, Sir. ‘Wag mo na rin akong ngitian ‘pag nagtama ang mga mata natin. Hindi na kaya ng puso ko. Napapitlag ako sa katok sa pinto. Bigla kong itinikl

