Twenty Four

1183 Words

Mag-isa na lang ako sa kama at may ingay akong naririnig sa labas. Nagtataka at hindi pa gaanong malinaw ang isip, lumabas ako ng silid—upang magulantang lang nang sugurin ko ng nagwawalang babae na nakaalpas sa hawak ni Sir Rolf. Sa pagkagulat ay hindi ako nakahuma. Hinila ng babae ang buhok ko at malakas na akong nasampal bago siya nahila uli ni Sir Rolf palayo.             Tuluyang nagising ang diwa ko. Gulat na gulat pati ang kaluluwa ko. Pakiramdam ko ay kabit akong sinugod ng tunay na asawa.             Mura nang mura ang babae. Masasamang salita na ang narinig ko. Minumura at nilalait ako. Ang hitsura ko, ang kulay ko—lahat ng kapintasan ko. Hindi na iyon bago. Narinig ko na lahat iyon. English lang ang sa kanya.             Nagmura rin si Sir Rolf, dahilan para mapatingin ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD