2014. January. Realidad. Dear Sir Rolf, Hindi na tayo nagkikita. Hindi ka na rin nagre-reply sa text ko. Walang message sa ref. Kumusta ka na? Dito na lang ako magtatanong kasi alam kong hindi ka okay. Hindi ka magiging ‘okay’ na kagaya ng dati. Nami-miss ko rin si Sir Amante…at nami-miss kita. Kailan kaya ako uuwi na nagalaw naman ang almusal na iniwan ko? Iniisip kita lagi. Sana okay ka. Sana hindi ka nagpapagutom. Gustong gusto kitang alagaan pero hindi ko alam kung paano kita aabutin. Ako na lang lagi ang mag-isang umuuwi ng Corazon. Kailan mauulit ang dati? Love,

