“ILANG buwan na ang lumipas, Sir Amante. Busy ako sa University. Marami nang nangyari pero sa condo? Wala. Kung paano kami dumating noong unang araw na umuwi kami ni Sir Rolf pagkatapos mo kaming iwan? Ganoon pa rin hanggang ngayon. Sobrang tahimik na ni Sir Rolf. Hindi na rin siya gaya ng dati na nakakausap ko kahit sa text lang. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari. Nagbago siya. Lumayo…” nakatutok ang mga mata ko sa kandila na malakas ang sindi. “Bantayan mo na lang siya, Sir Amante. Ayaw niya akong bigyan ng pagkakataon na alagaan siya, eh. ‘Yong note mo sa regalo? Kay Rolfie ko lang nagagawa. Walang chance kay Sir Rolf, Sir. Masyado na siyang malayo…” at ngumiti ako na parang nasa tabi ko lang siya at tahimik na nakikinig. Ang note na sinasabi ko ay nakadikit sa bear na regalo ni Sir Am

