PAGOD man ay masaya ako. Hindi ko naisip na magiging masaya ang lakad na iyon. Pagkatapos akong ipamili ni Sir Rolf ng kung ano-ano, isinama niya rin ako sa Supermarket. Pagkain sa para sa buong linggo ang mga pinamili namin. Pagkalabas sa Supermarket ay naghapunan kami sa isang restaurant na hindi ko maintindihan ang pangalan ng mga pagkain pero masarap. Unang beses akong nakapasok sa ganoong restaurant. Si Sir Rolf ay mukhang kilala ng mga tao roon. Tumawag si Sir Amante habang nasa biyahe kami. Napakuwento agad ako. Tahimik naman si Sir Rolf sa manibela. Maya-maya ay sa kanya naman may tumawag—babae, napatutop ako sa bibig nang umungol nang umungol ang babae sa kabilang linya na parang kinakapos ng paghinga! Napasulyap ako kay Sir Rolf, hinawakan lang niya an

