BAGO dumating ang New Year’s Eve ay magkatabi kami ni Sir Rolf sa kanyang kama. Sabay naming pinagmamasdan ang laman ng labing-isang regalo na naipon namin noong nakaraang Pasko. Ang dalawang regalo mula kay Aquilino Quintañez ay mga lumang baby shoes at guwantes—mga gamit ng sanggol na si Sir Rolf na itinago ni Sir Amante. Ang dalawa pang regalo ay larawan ng buntis na ina ni Sir Rolf at isa pang larawan ng mag-ina habang dumedede ang sanggol na si Sir Rolf. Ang apat na regalo naman mula kay Amaria Zuison ay mga larawan lang ang laman na magkasama sina Sir Rolf at Sir Amante—mula bata pa si Sir Rolf, naging binatilyo, sa Graduation sa kolehiyo at ang huli ay magkasama ang dalawang naglalaro ng golf. Ang regalo naman mula kay George Liuterion—ang isa ay lumang barya na wa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


