IKINABIGLA ng mga anak ng bathala ang naging hakbang ni Zahanah laban kina Aurea at Hideon na dala ng bugso ng kanyang galit. Samantala, pagkadismaya naman ang naramdaman ni Charria sa panganay na kapatid. Hindi nila inaasahan na kaya niyang saktan ang bunsong kapatid sapagkat mula sa pagkabata ay batid nilang lubos ang pagmamahal nito kina Charria at Aurea. Ang kaligayahan at kalungkutan nila’y iisa. Walang araw na hindi siya nag-alala para sa kalagayan ni Aurea, kung kaya’t nang dahil sa kanyang nagawa’y pinagdudahan ang kanyang tunay na hangarin. Sa isang natatanging silid sa kahariang kumupkop sa kanila ni Charria ay matatagpuan ang isang mahiwagang aklat. Ang ilang pahina nito ay nagpapakita ng mga nagaganap sa bawat sulok ng Vecca, maging sa mundo ng mga tao kung nasaan ang hiyas. D

