NAGKAMALAY si Hideon sa gitna ng masukal na gubat na may kalayuan sa lupaing sakop ng Levithia. Nanghihina siya. Walang maalala kung ano ang nangyari sa kanya at kung bakit siya naroon sa lugar na iyon. Ang tanging naaalala niya ay ang naulinigan niyang mga tinig at ang dalawang nakaputing engkantado na nakita niyang papalayo bago siya muling mawalan ng malay sa lugar na iyon. Naguguluhan siyang umuwi sa Levithia at dumaan sa isang lihim na lagusan patungo sa silid ng kanyang inang diwata upang hindi siya makita ng kanyang ama. Doon ay nadatnan niya ang kanyang ina na wala pa ring malay. Patuloy pa rin sa pagtibok ang puso. Patuloy na ipinaglalaban ang kanyang buhay, ngunit hindi na magawang imulat ang mga mata at makapagsalita dahil sa malubhang karamdaman na hindi matukoy ng mga nagtang

