Light Pink

597 Words
CHRIS Abot tenga ang ngiti ni Chris nang iabot ng waiter ang unang batch ng requests. Nasipat niya agad ang kulay light pink na post it note. Tama nga ang kanyang kutob dahil nakasulat ang title ng kantang With or Without You, na may kasunod na drawing na emoji na may dalawang puso imbes na mga mata. Hindi niya alam kung bakit napakalakas ng dating sa kanya ng handwriting nitong taong ito. At kahit malungkot ang melody ng kanta, ay buong puso niya itong inaawit. I can’t live With or without you… “See you on our next set, thanks guys!” “Ano Chris, ganado ka na naman ah, ano bang emoji ngayong gabi?” Si Lee ang palaging nang aasar sa kanya dahil bukod sa naiintriga rin ito ay kita niya sa mukha ng kaibigan ang matinding interes sa kanilang mystery fan. Agad namang pinakita ni Chris ang kapirasong papel. Tanging ngiti at tapik sa balikat ang isinagot ni Lee sa kanya, bago lumakad papunta sa bar at humingi ng isang baso ng tubig. CALAI “Uwi ka na Ma’am?” tanong ng binatilyong si Kim kay Calai. Si Kim ang palaging nagbabantay sa kanyang kotse tuwing Huwebes. Masaya naman ang binatilyo dahil palagi siyang inaabutan ng isang daan ni Calai. Malaking tulong aniya para sa pang baon niya at pambili ng gamit sa eskuwelahan. “Oo Kim, medyo masama kasi ang pakiramdam ko eh. Kailangan ko lang talaga silang makita ngayon, alam mo na.” sabay kindat sa binatilyo. Alam ni Kim na crush na crush niya si Chris, kaya naman kinikilig rin ito para sa dalaga. Dalawang daang piso ang iniabot ni Calai sa binatilyo. “Naku Ma’am, malaki masyado ito.” “Sige na tanggapin mo na, di ba may project kang kailangang ipasa sabi mo? Basta ha, mag aral ka ng mabuti. Pag nakatapos ka ng highschool, tutulungan kitang makakuha ng scholarship para sa college.” “Ma’am Calai alam mo, di ka lang maganda, ubod ng bait pa.” “Hahaha ikaw talaga Kim, sige na alis na ako ha. Ingat ka pag uwi mamaya.” “Ingat ka rin Ma’am. Salamat po!” CHRIS “Good afternoon po, welcome to Subic Grand Hotel. Here are your key cards. Breakfast is from 5am to 10am. Amenities are free for all guests that are checked in. If you have any requests or concerns, you may call the front desk any time.” Mabilis silang nakarating sa Subic, mabuti na lang para magkaroon ng ilang oras na pahinga bago ang unang gig nila mamaya. “Guys pipikit lang ako ha. Please don’t disturb, I’m serious. Medyo masakit ang ulo ko,” pakiusap ni Chris sa mga kaibigan. Nagpatulong siya sa bell boy na bitbitin ang mga gamit papasok sa kanyang kwarto. Nagtanggal siya ng sapatos, nagpalit ng malinis na damit, saka humiga sa malinis na kama. Amoy lavender ang kwarto, at nang patayin niya ang ilaw ay bahagyang dumilim, kaya naman mas na relax siya at mabilis na nakatulog. “Chris, pre, kain na muna tayo. Gig starts in 2 hours,” katok ni Martin sa pinto ng kwarto ni Chris. Higit isang oras na rin siyang natutulog. “Pre, tara na muna, kain na tayo.” Bahagyang minulat ni Chris ang mga mata niya. Ngunit ramdam niya na ang sakit ng kasu kasuan at bahagyang mainit ang kanyang hininga. Bumangon siya, naghilamos, at tinungo ang pinto para pagbuksan ang kaibigan. “Pre nilalagnat ata ako,” ani Chris habang kinakapa ang leeg. Kinuha niya muna ang itim na sweatshirt sa luggage bago tuluyang lumabas ng kwarto. “David, may paracetamol ka ba diyan? Nilalagnat itong si Chris. Pre, kaya mo bang tumugtog mamaya?” may pag aalala ang boses ni Martin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD