CALAI Bahagyang napabalikwas si Calai nang may lalaking tumayo sa harapan ng inuupuan niyang lamesa. “Hi, is this seat taken?” tanong nito. Ilang segundong nakatulala si Calai sa lalaki bago nakasagot, “No, it’s not, you may take the chair.” Gulong g**o siya sa naging sagot niya sa binata. “Would you mind if I join you?” “No, not at all, please have a seat.” Mataman pa rin ang pagtitig niya sa binatang naglahad ng kamay sa harapan niya, “I’m Chris.” “Carla,” sagot niya naman at saglit na inabot ang kamay ng binata. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harap niya ang kanyang ultimate crush. Mabuti na lang at hindi ganun kaliwanag sa loob ng bistro kaya hindi pansin ng binata ang pamumula ng kanyang pisngi. “Would you like to eat? Saluhan mo na ako. Wala naman akong kasama,” banggit nito kay Chris habang nahihiyang naka ngiti. “Kuya, isa nga pong sisig with rice,” order ng binata sa waiter.
“So, post its…” panimula ni Chris habang pasimpleng sinisipat ang planner ni Calai para makita ang penmanship nito. “Yes, post its. Mahilig kasi ako mag doodle. Makakalimutin kasi ako. Pero minsan ultimo yung post it na pinagsulatan ko ng to do at to buy list ko mismo eh naiiwanan ko pa sa bahay!” bahagyang napatawa silang dalawa sa sinabi ni Calai. “Ginagamit mo rin ba yan para magsulat ng request?” hindi na napigil ni Chris na magtanong. “Oo, nakikita mo ba yun? Kasi kapag inaabot ng waiter sa iyo, madalas hindi ko na nakikita yung post it eh. Kaya feeling ko coincidental na lang na kinakanta niyo yung request ko, o di kaya naman ay may ibang nag request,” malungkot na pahayag ni Calai. Sumilip ang ngiti sa mga labi ni Chris, “Baka hindi mo lang napapansin. Pero bakit may mga emoji?” “Hala! Pati pala yun ay napansin mo pa? Naku nakakahiya!!!” sapo ang noo at pulang pula ang pisngi ni Calai dahil sa nalaman. Hindi niya naman talaga akalain na nakikita pala ni Chris ang mga post it notes niya. Dumating ang waiter dala ang order ni Chris, at may dessert pang kasama. “Ma’am this is on us po, thank you for being a loyal customer,” magiliw na pahayag ng waiter atsaka binigyan ng makahulugang ngiti si Calai. Kita naman sa mukha ni Chris ang pagkairita dahil dama nito ang pagkagusto ng waiter sa dalaga. “Wow, salamat kuya ha. Pakisabi rin sa manager, maraming salamat.” “Walang anuman po Ma’am.” Atsaka naglakad papalayo ang waiter.
“Uy share tayo dito o,” aya ni Calai kay Chris habang tinitingnan kung ano ang flavor ng cake na iniabot sa kanya. Mukhang masarap ito, may layer ng vanilla sponge cake, chocolate mousse, dark chocolate shell, at sliced strawberries sa ibabaw. “Sige lang, salamat. Hindi ako masyadong mahilig sa cake eh. Cookies tsaka brownies pa siguro, hehe.” Mahaba ang naging kwentuhan ng dalawa, mabilis silang nagkapalagayan ng loob. Lumipat pa nga sila sa table ng banda dahil unti unti nang dumarami ang tao, at ayaw naman ni Chris na may ibang lumapit sa kanila. Elevated ang area sa gilid ng stage, na siya ring holding area ng mga banda na tumutugtog sa bistro. Kahit nahihiya ay hindi na rin nakatanggi si Calai nang ayain siya ni Chris, para na rin makapag usap pa sila.
“Guys, this is Carla. Carla, that’s Lee, Martin, Jad, and David,” pakilala ni Chris habang isa isang tinuturo ang mga ka banda. Nakipagkamay naman ang bawat isa kay Calai. Nang makaupo ay muling nagtanong si Chris, “What’s with the emojis?” “Hahaha, wala naman. Very expressive kasi ako. Kapag may reports na kailangan kong pirmahan, madalas may katabing smiley na maliit yung pirma ko. Ayoko kasi ng masyadong pormal. Yung sa requests ko naman, kung ano yung mood ko ng araw na yun, yung ang dino-drawing ko. Nakakahiya naman sayo, baka nadidistract ka dahil sa mga yun.” “Hindi naman, I always look forward to seeing your emojis, to be honest.” Nagpalitan ng matatamis na ngiti ang dalawa. At ilang minuto pa ay tinawag na sila para mag sound check. “Dito ka na muna, wala na rin namang vacant tables na available. I’ll see you on our break. So, may I see your request?” may halong ngisi sa pagtatanong ng binata. Nahihiya namang iniabot ni Calai ang light pink na post it kung saan nakasulat ang request niya, pati na ang drawing ng smiley emoji na may tatlong pusong nakapaligid na siyang nagpa ngiti ng tuluyan kay Chris.