Underneath the Sheets

860 Words
CHRIS Magaan ang loob ni Chris kay Calai. Masaya siya at sa wakas ay hindi na mystery ang identity ng fan na matagal niya nang pilit inaalam, ngunit hindi niya pa rin sinasabi sa mga ka banda dahil tiyak na aasarin siya ng mga ito, kahit sa harap pa ng dalaga. “Thank you very much, guys! We’ll see you again next week. Good night and get home safe!” Pawisan na lumapit si Chris sa kanilang mesa nang matapos na ang set. Ilang linggo na rin na dito na sa lamesa ng banda umuupo si Calai na may pahintulot naman ni David. Si Martin ang katabi niya buong gabi, kaya naman may kaunting inis na nararamdaman si Chris. “Uwi ka na?” tanong niya sa dalaga. “Yup, medyo late na rin eh. Buti long weekend kaya di ko kailangan gumising ng maaga bukas. Nice set ah! Dami niyong bagong cover.” “Salamat! I was wondering if you have time for coffee?” “Hmmm, sige. Wala naman akong lakad bukas.” “Tomas Morato tayo, ayos lang ba? Marami pang coffee shops at resto na bukas dun. Kung ayos lang sa'yo.” “Sige, dun na lang rin ako sa condo ng pinsan ko malapit dun mag crash for tonight. Teka itetext ko lang siya.” Masayang nagmaneho papuntang Tomas Morato si Chris, habang kausap sa telepono na naka loud speaker si Calai. May sarili kasi itong kotse kaya wala silang choice kundi pumunta ng magkahiwalay. Mabuti na lang at may pinsan ang dalaga sa QC, dahil ang totoo ay nag aalala rin siya na uuwi pa ito ng Laguna, pero ang plano niya naman ay ihatid ang dalaga pauwi. Sa isang maliit at tahimik na coffee shop nila napiling magpalipas ng oras. Bukod sa may libreng parking space sa tapat, ay bilang lamang ang mga tao sa loob. “One caramel macchiato, one iced latte, and two chocolate chip cookies,” masiglang bati ng waitress na naghatid ng kanilang order. “Sir Chris, pwede po bang magpa picture?” “Sure.” Si Calai ang kumuha ng phone ng waitress at kinuhanan ang dalawa. “One, two, three, cheese!” abot tenga ang ngiti ng waitress nang magpasalamat sa dalawa, atsaka umalis. “Mmmm, masarap tong cookie nila ah, hindi masyadong matamis,” sambit ni Chris. “Oo nga. Tsaka masarap yung chocolate chip na ginamit nila dito, palagay ko dark choco chips kaya talagang bawas ang tamis.” “How did you know? Do you bake?” “I do, kapag hindi busy, o pag sobrang stressed. Baking is my therapy. There was one time na overwhelmed ako with work dahil bago ako as a counselor, buong weekend ata akong nag bake. Cookies, cupcakes, brownies, madeleines, pati meringue! Ayun, dinala ko lahat sa school at binigay sa faculty room. Madalas kasi di ko rin naman makain kasi nabubusog na ako sa amoy pa lang.” “Hahaha ako naman bibihirang kumain ng matamis. Okay na ko sa cookies, minsan brownies. Nasaan pala ang parents mo? May mga kapatid ka ba?” Sumimsim muna ng kape si Calai saka sumagot, “OFW ang parents ko sa Dubai. Ako lang mag isa sa bahay namin mula nung mga grade 6 ako. Kaya maaga ako natuto ng household chores, mamalengke, basically maging independent. Ayoko rin kasi masyadong abalahin ang Tita ko. Although yung pinsan ko, yung tutuluyan ko ngayong gabi, yun kasama ko siyang lumaki. Parati kaming magkasama, kaya hindi ko naman na feel na alone ako. Minsan lang kapag umuuwi na ako sa bahay tapos wala akong kasabay kumain, ganun.” “Nakakalungkot nga yun ah, ako nga may younger sister ako na palaging naka dikit sa akin, pero kung minsan nalulungkot ako kapag nasa school siya.” “Napaka sweet mo naman palang kuya.” May ningning sa matang pahayag ni Calai. CALAI “Ex?” tanong ni Chris sa kanya. “Yes, ex. 3 years din kami. Mula highschool hanggang 1st year college. Sa Taft kasi ang university niya, ako naman sa Mendiola. Okay naman kami, or so I thought. Magkakasama sila ng mga tropa namin sa isang apartment, dahil mga kaibigan ko naman sila eh kampante ako. Isang umaga may natanggap akong text from an unknown number. Pumunta daw ako sa apartment, urgent. And that I don’t deserve to be treated that way. May susi rin ako dun kaya nagtuloy tuloy lang ako. At ayun na nga, nakita ko yung ex ko, may katabing ibang babae sa kama.” “Baka naman kaibigan niya lang at nakitulog?” “That would’ve been believable kung sana hindi sila nakahubad underneath the sheets. And when I confronted them, even our friends, sabi nila ay ilang buwan na rin na nangyayari yun. So I left. And I never talked to him since. Nag sorry naman mga friends namin, kaso wala eh, wala rin naman silang ginawa para pigilan yung ex ko, like what true friends would’ve done. That is the reason why I never fell for someone again. I can’t trust anymore.” May pait sa mga kataga niya kahit pilit siyang ngumingiti habang nagkukwento kay Chris. Tanging si Austin lamang sa kanilang tropa ang dumamay sa kanya, wala itong alam sa mga nangyayari dahil sa ibang dorm siya tumuloy noon. Maging ito ay nagalit sa kanyang ex at sa mga kaibigan nila dahil sa pagta-traydor na ginawa nila kay Calai.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD