CHRIS “So after ni highschool ex, wala nang sumunod, hanggang ngayon?” “Yup!” iyong katagang yun ang hinihintay ni Chris para malaman kung single ba si Calai. Nahihiya siyang diretsong tanungin, ngunit sa palagay niya naman ay hindi papayag ang dalaga na sumama sa kanya kung may kasintahan na ito. Nabuhayan ng loob si Chris. Halos ilang linggo na ring sa table nila dumadalo ang dalaga, at madalas namang nakaka text rin niya ito. Nung minsang bumiyahe siya pa Laguna ay nakita niya pa nga ang eskuwelahang pinagta trabahuhan nito, kaya nagbaka sakali siya at sinaluhan si Calai mag lunch sa canteen. Mabuti na lang at off set ang lunch break niya sa mga estudyante kaya walang masyadong tao.
CALAI Hi Carla, are you free Saturday night? Nakangiti si Calai habang binabasa ang text message galing kay Chris.
Hi Chris! Sorry but my parents are coming home tomorrow and we’ll be out of town this weekend. Calai
I see. I’ll see you sa gig na lang? Chris
Will try. Sama ko parents ko. Calai
That would be nice. See you then! Chris
Tuwing December ay umuuwi ang parents ni Calai para magkakasama sila tuwing pasko at bagong taon. Ngunit mas mahaba ang bakasyon nga mga ito ngayon kaya naman last week pa lang ng November ay narito na sila sa Pilipinas. At naka plano nga ang pagpunta nila sa Potipot Island sa Zambales sa darating na weekend.
Hindi rin nakapunta si Calai sa gig nila Chris dahil na rin sa dami ng trabahong iniatas sa kanya dahil malapit na rin ang Christmas break. Kaya minabuti niyang imbitahin ang binata sa kanilang beach trip, na may pahintulot naman ng kaniyang mga magulang.
CHRIS I’m sorry I wasn’t able to watch your gig. Got many things that needed to be done. Anyway, would you like to join us this weekend? My family’s going to Potipot, sabi ni mom I can bring a friend with me. Sandaling natigilan si Chris at tila ba na estatwa sa kinatatayuan. Pinagpawisan ng malamig at pansamantalang natulala. “Pre, are you okay? Bat namumutla ka? Masama ba pakiramdam mo?” Tanong ni Martin na kasama niya sa opisina ng oras na yun. “Inaaya ako ni Carla sa out of town trip nila ng parents niya,” sagot ni Chris. “Pambihira pre, yun lang, namutla ka na agad diyan?! Hahaha! Kinakabahan ka ba to meet the parents? Teka anong level na ba ang relationship niyo ni Carla?” usisa ni Martin. “Pre sa Potipot eh…” malungkot na sagot ni Chris, “and to answer your question, hindi pa ko formally nanliligaw. Siguro I’ll take the chance habang nandito ang dad niya para makapagpaalam.” Tumungo siya sa pantry at nagtimpla ng kape pare sa kanila ng kaibigan.
Sorry Carla, I’ll have to pass muna. Nagpapasama kasi sister ko sa mall sa weekend. Alam mo na, naglalambing. Chris
Aaahhh okay lang. But I hope I can introduce you to my parents bago sila bumalik ng Dubai. January pa naman ang alis nila, but I know you’re busy around the holidays, hehe. Calai
Sure, let’s set a date when you get back from your trip. Saturday lunch next weekend, maybe? Chris
Saturday lunch it is then! Calai
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Chris na sabay sabay na nagpalingon sa kanyang mga kaibigan. Nasa opisina sila at may tinatapos na mga trabaho bago ang last gig nila for the year, at makakapag bakasyon rin sila ng ilang linggo. “Lalim nun pre ah. Malalim na rin ba hulog mo?” kantiyaw ni Lee, “kaya ba wala na rin ang interes mo kay mystery fan dahil may Carla ka na?”