Mediator

513 Words
CALAI “Good morning, Ms. Vergara,” bati ng mga high school students na nakasalubong ni Calai. Sa isang private school sa Laguna siya nagta trabaho bilang isang guidance counselor. Sa eskuwelahang ito siya grumaduate ng high school kaya naman hindi naging mahirap ang application process noong nangailangan sila ng secretary, at nang mag retire ang punong counselor ay siya ang napusuang ipalit. “Good morning! Napakasarap naman talaga ng umaga kung ganyan katatamis na mga ngiti ang babati sa akin,” sagot ni Calai. Graduate si Calai ng Psychology course sa isang university sa Mendiola. Pagkatapos noon ay kumuha siya ng teaching units, at naipasa ang LET. Gusto niyang magturo, ngunit napurnada ang plano niyang kumuha ng masters degree kaya naman nag trabaho na muna siya. Habang nasa college ay sa isang dormitoryo para sa mga babae siya namalagi. Marami siyang naging kaibigan, kabilang na ang mga ka room mate na mga kaklase niya rin. Marami ring naging manliligaw si Calai ngunit hindi madali para sa kanya ang muling magtiwala. Nang minsang may magustuhan siya at sasagutin na sana niya, ay sakto namang nakita niya sa mall na may ka holding hands nang ibang babae. Kaya talagang napakalaki ng diskumpiyansa niya sa mga lalaki. Tanging sa panunuod ng gig ng Before Sunrise nalilibang si Calai, bukod sa pagbabasa. Nakikipagsiksikan pa siya sa mga mall tours at concerts para lang masilayan ang bokalista ng paborito niyang banda. Sapat na sa kanya ang ganun, dahil nga sa takot na mahulog ang loob sa kahit na sinong lalaki. Parehong OFW ang mga magulang ni Calai. Lumaki siyang independent dahil dito. Sa murang edad ay natuto siyang mag grocery, magluto, maglaba at mag plantsa ng kaniyang mga damit. Kung minsan ay sinasamahan siya ng kanyang Tita sa kanilang bahay, ngunit ayaw naman ni Calai na iasa ang lahat sa tita. Madalas rin siyang mamasyal na mag isa sa mall, manuod ng sine, o kumain sa restaurant na paborito niya. Karamihan sa mga kaibigan niya ay pawang mga lalaki. Ito rin ang naging barkada ng naging boyfriend niya noong highschool. Ngunit nang mag break sila, ay hindi na rin siya palaging sumasama sa mga kabarkada, bukod kay Austin na talagang pinaka malapit sa kanya, at siyang dumaramay sa kanya tuwing malungkot siya o may problema. “Ms. Vergara, the discipline coordinator wants to see you,” saad ng kanyang sekretarya. “Okay, Clarisse, thank you,” magiliw na sagot ni Calai, atsaka niya napansin na malapit na pala ang uwian. “Yes, Ms. Ellen, you called for me?” “Hay Ms. Vergara, can you help me out with this student, her parents called and was asking for a mediator dahil napaka tigas daw ng ulo ng bata at ayaw makinig sa kanila.” “Sure Ms. Ellen, I will talk to them tomorrow. But let me talk to her first so I can understand the situation better.” Madalas na ganito ang ginagawa ni Calai, taga kalma ng mga batang hindi nagkakaintindihan, o di kaya naman ay mediator sa misunderstanding ng estudyante at magulang. Masaya naman siya, dahil sa trabaho niyang ito ay napapaigi niya ang mga relasyon ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD