CHAPTER 16 Sa lahat ba naman ng pwedeng utusan dito ay ako pa talaga ang napili, ah? Kanina na andito ang tatlo ay hindi man lang niya inutusan? Ang wrong timing ko naman kung ganoon. "Ano po ang gustong kape nilang dalawa, Manang?" tanong ko sa kanya at lumapit na doon sa coffee maker. Hindi pa naman ako masyadong marunong nito. Marunong ako pero kaunti lang ang mga nalalaman ko. "Ang kay Mayor Mavi ay matapang na kape ang gusto niya at purong- puro. Kay Miss Nicole naman ay lagyan mo ng kaunting gatas. 'Yong katamtaman lang ang tamis ang gusto niya. Dapat marunong ka dahil mapili siya sa lasa ng mga kape niya.” tumango naman ako sa kanyang sinabi. Sundin ko lang ang kanyang mga utos. Baka magalit na naman ito sa akin mamaya. Sinunod ko lahat ng mga sinabi sa akin kanina ni Manang

