CHAPTER 17 Halos mabulunan ako nang may biglang nagsalita. Na diretso lunok ko talaga lahat ng pagkain na nasa bibig ko. Nagpanic nama si Miss Nicole dahil doon. Mabilis siiyang kumuha ng tubig na nasa pitcher sa ref at mabilis siyang kumuha ng baso at sinalin ito doon. Nagmadali siyang pumunta sa direksiyon ko at binigay sa akin ang isang basong tubig. Panay pa anng ubo ko dahil pakiramdam ko ay my nakabara sa aking lalamunan. Dire- diretso kong ininom ang tubig na binigay niya sa akin. Naubos ko na iyon pero pakiramdam ko ay kulang pa rin ang isnag basong tubig na iyon. "You want more?" tanong niya sa akin. Hawak pa rin niya ang isang pitcher ng tubig. Tumango naman kaagad ako sa kanya at inilahad ang baso upang salinan niya iyon ng tubig. Ininom ko ulit iyon ng tuloy- tuloy, nubos

