(Kaylin/Henrietta) "Kumain ka pa Nicah," nag-aalala kong saad kasi konti lang ang kinain niya. Umiling naman si Nicah sa akin. "Busog na ako Henrietta, sa totoo lang nakakahiya sa inyo na dito muna ako tumuloy." yumuko siya at nahihiya pa rin sa amin. Magtatatlong araw na siya dito sa bahay, noong dumating dito ang mga magulang niya ay nagmakaawa siya sa kanila na dito muna siya. "Pero baka mabatukan ako ng kuya mo pag nalaman niya na hindi ka kumakain ng maayos." natatawa kong saad habang binaba ang isang mangkok ng ceasar salad. Sa totoo lang pinakiusapan ako ng Kuya niya na dito muna siya, kailangan ko si Nicah to trace kung saan nila nakuha ang tsaa na yun pero hindi ko naman inaakala na ayaw muna ni Nicah na umuwi. "Wag mo nang pansinin si Kuya Dylan, Henrietta." Ngumiti

