(Kaylin/Henrietta) Mabilis kong tinahak ang daan mula sa garden at hagdanan dahil sa pagkataranta, nakita ko agad ang mga maids na halos hindi magkanda-ugaga sa labas ng kwarto na tinutuluyan ni Nicah. "M-Ma'am s-si m-ma'am Nicah po!" nanginginig na usal ng maid habang tinuturo ang kwarto ni Nicah. Wala kung ano ano ay pinasok ko ang kwarto ni Nicah, parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko ang walang malay na si Nicah sa kama niya. "Everyone! Call ambulance right now!" sigaw ko at tumakbo papunta kay Nicah. Nanliligo na siya ng dugo at halos masuka na ako dahil sa dugo na nakikita ko, ginilitan niya ang pulupulsuhan. Kahit na sumasama ang pakiramdam ko ay inalog ko pa rin ng malakas si Nicah. "Nicah?! Nicah!" I called her name several time but she is unconscious

