(Kaylin/Henrietta) Wala na akong balita kung ano ang nangyari kay Nicah kaya naisipan kong tawagan ang Kuya niya,magdadalawang araw na rin kasi mula noong nangyari ang suicidal thoughts niya at hanggang ngayon ay hindi ko malaman ang mararamdaman ko dahil sa binabalak nila. Bukas na ang press conference ko at hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa nangyari. "Sino ang tinatawagan mo?" Nagulat ako dahil sa biglaang pagsulpot ni Ezekiel sa likuran ko. Pinakita ko sa kanya ang pangalan ni Dylan sa phone ko but he snatches my phone away at pinatay ang phone. "Hey!" pinilit ko inaagaw ang phone ko pero pilit niyang inaangat ang phone ko para hindi ko ito maagaw sa kanya. "Hindi mo na kailangan na tawagan ang mga Celeste, bakit ka pa tatawag sa kanya?" inis niya usal at may pinindot sa

