(Kaylin)
Flashback
"Odette!" isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa sala at kung hindi ako nagkakamali ay si Daddy ang tumatawag kay mommy. Tinigil ko muna ang pagluluto ko dahil mukhang galit si Daddy at tinungo na ang sala, wala kasi si manang kaya ako muna ang magluluto ng lunch ngayon.
Pagdating ko ay isang malakas na sampal ang narinig ko mula sa sala at gulat kong tinignan ang nanay kong nakayuko at dumudugo ang labi.
"Daddy!" I screamed in fear. Tumakbo ako papunta kay mommy para tulungan siyang makatayo pero tinulak niya ako palayo sa kanya kaya natumba rin ako sa sahig.
"Kayong mag-ina ang malas sa buhay ko! Alam nyo, sana hindi ko nalang kayo inako! sana hindi ko nalang kayo tinanggap sa pamamahay ko! Punyeta!" galit niyang sambit. nanginginig ako sa takot dahil hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit siya galit na galit, pinagbabasag niya ang mwebles na nasa sala.
"Daddy, please calm down." pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi naman siya nagsalita at galit na umalis sa harapan namin. I tried to hug my mommy but she pushed me away, nagulat ako dahil kailan man ay hindi ako nasaktan ni mommy. She loved me more than anyone.
"Let go of me!" galit niyang sigaw. Nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin sa akin, natakot ako sa kanya. Shivers went down to my spine, mommy never looked at me like that.
"Ikaw, Ikaw ang rason kung bakit ganun ang trato sa akin ng daddy mo! alam mo kung hindi ka lang sana naging babae? siguro tayo ngayon ang inuuwian ng daddy mo! Tayo ngayon ang importante sa buhay niya!" galit niyang dagdag. Hindi ko na maiwasang hindi mapaiyak sa sinabi niya, I admit na kahit si mommy ang pinakasalan ay hindi kami mahal ng daddy ko. My mom often said na okay lang dahil kahit papaano ay legal at may habol kami kay daddy pero ngayon, I can tell na iniipon lang ni Mommy ang lahat na nararamdaman niya towards sa akin.
"I understand mom, please don't be angry." naiiyak kong turan. I tried approaching her but umalis na siya.
She became hostile towards me at hindi ko na rin siya masisisi dahil mukhang ngayon lang nagpapakatotoo si Mommy, I can't blame her because all this years I know na nasasaktan rin ang mommy ko. I know she loved me.
Daddy often bring his mistress in our house at kasama ang kapatid kong lalaki sa labas, si Joseph. At kahit anak siya sa labas ay binibigyan siya ng importansya at pagmamahal ng lolo at lola ko, They even cast me away para magkaroon sila ng family bonding. Kasama na rin doon ang anak na babae ng mistress ni daddy.
Catherine Whitlock, akala ko nung una ay okay kaming dalawa since tinuturing ko siyang nakakatandang kapatid.
"Hey, Kaylin? can I move to your room?" masayang pakiusap niya sa akin. Nag aalangan pa akong sumagot ng oo pero inunahan na siya ni Tita Frits.
"Catherine, you have your own room in our house. Bakit mo pa kailangan magtransfer sa room ni Kaylin."
I never hold grudges to tita Frits, after all she said sorry to me and to my mom dahil hindi sinasadya ni Tita na mabuntis. Tita explained everything to me and I understand, in fact siya lang ang nakakaintindi sa akin. sa t'wing hindi ako pinapansin ng mommy ay si Tita ang nandiyaan para sa akin.
"But mom, her room is huge at malaki ang kama niya. Maybe Tito George can do something about it, right?" mataray niyang request. Hindi na ako nagsalita dahil ayokong sirain ang magandang mood ni Daddy, afterall, siya naman palaging pinapanigan ni daddy.
"I said no." matigas na sambit ni Tita Frits. Tinignan niya naman ako with an apologetic eyes. "I am so sorry sa inasal ni Catherine, Kaylin."
"You don't have to say sorry, Frits. If Catherine want Kaylin's room, then give it to her." My dad said coldly. Nagulat naman ako dahil pinagbigyan ni Daddy ang request ni Catherine, she smile like an angel sa daddy ko. Napayuko ako para itago ang umaambang pagtulo ng mga luha ko.
"No, Catherine is my daughter at wala kang karapatan na pagbigyan ang kagustuhan niya. Joseph is your son, Kaylin and him are your children kaya sila dapat ang pagbigyan mo." seryosong sambit ni Tita Frits. Hindi na umangal si Daddy dahil sa pagiging firm ni Tita Frits.
"But mom!" pag-alma ni Catherine.
"No buts! shut up and eat your food."
everytime na dinadala ni Daddy sina Tita Frits sa bahay ay ganito ang scenario namin. My mom looks so envious dahil sa pagtrato ni Daddy sa kanila, and every since that day na nasaktan ni Daddy si Mommy ay naging malayo na ang tingin sa akin ni Mommy.
Not until Tita Frits died. Sobrang gloomy ng mga panahon na iyon dahil sa biglaang pagkamatay ni Tita, Daddy brought Catherine and my brother, Joseph in our home. Sobrang saya ni Mommy dahil sa hindi malamang dahilan, siguro dahil ay nawala na sa paningin niya ang babaeng sumira ng pamilya namin.
As days went by, akala ko ay babalik na sa dati ang lahat. Although hindi naman talaga ako binigyan ng pansin noon ni Daddy, I am happy dahil sa amin na siya umuuwi tuwing gabi. But I am wrong.
They treat me like I am nothing, Catherine even introduced herself as a Rogers. Hindi naman ako makapalag dahil I am just a powerless lady of this household. Kahit na siya ang pinababuran ng mga magulang at grandparents ko, Sinusunod pa rin ng pamilya ko ang tradition namin. Dahil ako ang nakakatandang kapatid ni Joseph ay sa akin muna napunta ang heir title na dapat sa kanya, kaya sa murang edad ay hindi ko naranasan ang maging bata.
"Ano to?" hinampas ni daddy ang isang folder sa lamesa ko. I look scared dahil hindi ko alam kung ano ang nilalaman ng folder na iyon.
"You flirted with a hooligan?! are you trying to ruin our family's reputation??!" galit niyang sigaw sa akin. Nagtaka naman ako at nagmamadaling binasa ang nilalaman ng folder, doon ay nagulat ako dahil nandun ang mga litrato ko na nasa iba't ibang lugar na hindi ko naman napuntahan.
"Daddy, hindi po ako ito." natatakot kong sagot. Kahit saang anggulo nila tignan, talagang edited lang ito.
"Oo, at pink ang uwak. Ang bata bata mo pa napakalandi mo na, imbis na pag aaral mo ang tututukan mo ay kalandian ang inaatupag mo!"
Bigla niya naman akong hinatak patayo sa kinauupuan ko. "Dahil dyan! you are grounded at aatupagin mo ang trabaho mo sa opisina ko at ang pag-aaral mo!" galit niyang dagdag.
No, hindi ako pwedeng magrounded. I am one of the representative ng college namin sa debate!
"Daddy, parang awa mo na. Hindi po talaga ako yan!" puno ng pagmamakaawa kong sabi. Pero tila hindi niya ako narinig at patuloy niya akong hinahatak papunta sa kwarto ko.
I hug my knees dahil sa panglulumo ko, my friends blamed me dahil hindi kami nakasali sa debating contest kahit na nagpaliwanag na ako sa kanila. I tried my best to be the best in everything but it is not enough, I lost.
Hanggang sa nakagraduate na ako. Habang nag didinner kami ay biglang binaba ni daddy ang kubyertos niya at seryosong nakatingin sa akin. "Kaylin, since nakagraduate ka na rin naman. Magpakasal kana,"
Halos manlumo ako sa sinabi niya. "Daddy? why?"
Marami pa akong gustong marating sa buhay, gusto ko pang mag establish ng sarili kong kompanya.
"No more why's. You are getting married to Lazarus Damon Stewart, sa ayaw mo sa gusto ako pa rin ang masusunod sa buhay mo."
I don't know how to react. I tried to appeal but umalis na si Daddy.
"Mommy," pagmamakaawa ko kay mommy.
"It's for the best, sundin mo nalang ang daddy mo." seryoso niyang sagot. I look at Catherine at nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin sa akin.
nang matapos ang dinner ay sinalubong ako ni Catherine na nanlilisik ang mga mata.
"Happy? Kung ako sayo, umalis ka na dito. go live your life in a trash, hindi ko alam kung paano mo pa nakukuhang mabuhay nang ganyan."