Episode 4

1487 Words
(Kaylin) Wedding day Ang sabi ng lahat ay ikaw ang pinakamasayang babae sa buong mundo pero kabaliktaran ang sa akin, ako ang pinaka miserableng babae sa buong mundo. hindi gaanong engrande ang kasal pero pwede na Hindi ko magawang magreklamo dahil pag hindi ko sinunod ang kagustuhan ni daddy ay itatakwil nila ako sa pamilya at yun ang ayokong mangyari. Habang naghihintay ako sa waiting room ay biglang bumukas ang pintuan at bumungad doon si Catherine na nakasuot ng itim na dress, kumunot naman ang noo ko dahil sobrang sama ng kanyang tingin sa akin. "So masaya ka na niya?" galit niyang tanong. Hindi ko maintindihan ang kanyang tinuran. "Ano ang ibig mong sabihin?" "Hindi ko hahayaan na magiging masaya ka, I should be the one marrying Lazarus and not you!" gigil niyang sambit. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa narinig ko, Si Catherine at Lazarus? "Hindi kita naiintindihan Catherine, ano ang ibig mong sabihin?" She smirked, may kinuha naman siya mula sa kanyang bulsa at pinakita iyon sa akin. Laking gulat ko naman dahil mga litrato iyon ni Lazarus at Catherine na magkayakap, tinapon niya naman iyon sa harapan ko at doon nagkalat ang iba't ibang litrato nilang dalawa. "Ako ang girlfriend and supposedly ako ang fiancee, ang kapal naman talaga ng mukha mo na agawin sa akin ang lahat?!" I was too stunned speak, kung sila ang magkarelasyon bakit sa akin pinipilit ni Daddy si Lazarus? Nilapitan naman ako ni Catherine at malakas na sinampal. Napangiwi ako dahil sa sobrang lakas ng impact ng pagkakasampal niya sa akin ay parang nagmarka na ang kamay niya sa pisngi ko. "Serves you right, maglakad ka sa aisle na may marka ang pisngi mo. Nababagay lang yan sa mga walang kwenta katulad mo, kaya ka siguro tinatakwil ni daddy." Hindi ko na siya tinignan at yumuko na lamang, hindi ko maintindihan kung bakit nararanasan ko ang lahat ng to. Did I do something wrong in the past para parusahan ako ng ganito? Habang naglalakad ako sa aisle ay pinagtitinginan ako ng mga guest at walang emosyon ang mga magulang ko. "Smile, hindi ko gustong makarinig ng kahit na anong kwento na hindi ka masaya sa kasal na to." galit na bulong sa akin ni Daddy. Gusto kong mapaiyak dahil hindi ko naman talaga ginustong magpakasal, kagat labi kong pinipigilan ang mga luha ko habang hinahatid nila ako sa altar. Walang emosyong nakatingin sa akin si Lazarus at nasa tabi niya ang kanyang ama na ngayon ay sobrang lapad ng ngiti. Nang makarating ako sa harapan ay nahagip ng mata ko si Catherine, ang kanyang mata ay parang mga patalim na handang pumatay ng tao. Iniwas ko nalang ang mga mata ko at humarap na sa pari, I wanted to run away but how? may baril na nakatutok sa ulo ko at kutsilyong handang tumarak sa puso ko. After we exchanged our fake vows ay dumaretso na agad kami sa reception kung saan hindi ko na nakita si Lazarus, Hindi ko na rin nakita si Catherine at sa nalaman ko kanina ay hindi na ako magdadalawang isip na magkasama sila ngayon. Afterall si Catherine naman talaga ang nararapat na pakasalan ni Lazarus. Mag-isa kong hinarap ang mga guest, kahit na ngayon lang nila ako nakita ay ginawa ko ang lahat para ma entertain sila isa isa. Konti lang sila kaya kaya naman. Hanggang sa matapos na ang reception at nagsialisan na rin ang mga guest. Tinignan ko naman ang mga magulang ko na ngayon ay papunta sa pwesto ko. "From now on, doon kana titira sa mga Stewarts. Wala na kaming pakielam kung ano pa ang mangyari sayo, wag na wag ka na ring tatawag sa amin." malamig na usal ni Daddy. Nagulat naman ako at natakot, akmang aalis na sila daddy nang hawakan ko ang kanyang kamay. "D-daddy," tanging sambit ko. Hindi ko na nagawag magsalita pa dahil pakiramdam ko ay napako at umurong ang dila ko, pinigilan ko rin ang pagpatak ng luha ko. "Kung wala ka nang sasabihin, aalis na kami." malamig na turan ni mommy. Marahas na kinuha ni Daddy ang kamay ko sa kamay niya at tinalikuran ako, tinignan ko na lamang sila ng tumutulo ang luha. Hanggang sa napansin ko na lang na mag-isa na lamang ako sa sa reception area, hindi ko na rin makita ang pamilya ni Lazarus. Hindi ko alam kung tanggap ba ako sa pamilya nila, buong araw ng kasal ay walang kumausap sa akin na pamilya niya. Lumabas na ako ng hall na yun at nakita ko na malakas ang pagbuhos ng ulan, nilibot ko naman ang paningin ko ay doon napansin ko na madilim na at mas lalong lumalakas ang pagbuhos ng ulan. "Nandito ka pa ma'am? Umalis na po kayo, magsasara na po kami." galit na pagtataboy sa akin ng caretaker ng Hall. Wala na akong nagawa at sinuong ko nalang ang ulan, kailangan ko munang maghanap ng masisilungan. Hindi na ako nasuot ng pangkasal na damit at nagbihis nalang ako ng ordinaryong white dress. Nang makahanap ako ng masisilungan ay mabilis akong tumakbo doon, unti unti na rin akong nakakaramdam ng lamig kaya niyakap ko nalang ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon, wala akong pera o matutulugan. Iniwan na rin ako ng mga magulang ko at hindi ko alam kung nasaan si Lazarus, hindi ko naman siya pwedeng gambalain ngayon dahil alam kong si Catherine pala ang nilalaman ng puso niya. Umupo na lamang ako at tahimik na tinitignan ang tumutulong patak ng ulan mula sa bubungan ng sinisilungan ko nang biglang may tumigil na isang mercedes sa harapan ko, napatayo naman ako at inobserbahan iyon. Bigla namang bumukas ang harapang salamin ng sasakyan at halos lumuwa ang mata ko dahil sa taong nasa loob ng sasakyan, si Lazarus iyon at mukhang aburido siya. "Pumasok kana," malamig niyang turan. Napayuko naman ako at pumasok na sasakyan niya, agad naman niyang pinaharurot ang sasakyan at hindi man lang binabaan ang level ng aircon. Pakiramdam ko ay magkakasakit na ako, makalipas ang ilang minuto ay dumating na kami sa mansyon ng mga Stewarts. Bumaba na ako at ganun rin si Lazarus. "Bigyan n'yo ng damit ang babaeng ito. Aalis na ako." Napayuko na lamang ako at sumunod sa mga maid, mukha akong basahan dahil sobrang basa ko pa. "Oh, nagpapasok kayo ng pulubi dito?" napa-angat naman ang ulo ko sa babaeng nagsalita. Jessica Lovely Stewart, ang only sister ni Lazarus at sobrang spoiled na princess ng mga Stewart. Mula nang malaman niya na ako ang fiancee ng kapatid niya ay halos magrally siya dahil sobrang tutol siya sa akin, she loves Catherine more than me. Parehos sila ng ugali at nagkakasundo siya, natatakot ako na baka ano ang gawin niya sa akin ngayong dito na ako nakatira sa kanila. "Ang kapal naman talaga ng mukha mo para dito tumira? For your information, we only accept ate Catherine. She is the only girlfriend of kuya Lazarus, mag-asawa lang kayo sa papel. If I know, Doon uuwi si Kuya kay Ate Cath, how shameful." mapangkutya niyang sambit. Napayuko naman ako at pinipigilan ang pag-iyak, damn, I am such a crybaby. I don't even know how to defend my self. "Iiyak ka?! Go ahead! Umiyak ka! Dahil sayo nasira ang buhay ni Kuya Lazarus, kaya magmula ngayon, hinding hindi kita titigilan hanggang mamatay ka!" tinulak niya naman ako kaya napatumba ako sa sahig. "Diyan ka nababagay, hampas lupa...." "What do you think you're doing?!" napa-angat naman ang mata ko sa second floor ng mansyon. Doon seryosong nakatingin sa amin ang matandang Stewart. "Daddy! Bakit dito mo pa yan pinatuloy?! She is the mistress of Kuya Lazarus!" Bumaba na siya at galit akong tinignan, napayuko na lamang ako dahil alam kong wala akong laban sa kanila. "Mistress?" "Yes, Daddy! Si Ate Cath naman talaga ang nararapat na pakasalan ni Kuya Lazarus, so basically, she is the homewrecke..." "Kung hindi mo pa itikom ang bibig mo Jessica, I will take all of your credit cards and you will be grounded for a year." seryosong sambit ng matandang Stewart. "But Daddy!" "No buts, go to your room." Sinamaan naman ako ng tingin ni Jessica at padabog na umakyat sa taas, I felt uncomfortable dahil sa mga tingin ng matandang Stewart. "Alam kong duwag ka, but I didn't expect na ganito ka pala ka duwag," nagtaka naman ako at napa-angat ng tingin sa kanya. "Po?" "Nevermind, Now that you are here in my house, I want you to build some confidence, strength and dignity. Dinadala mo ngayon ang pangalan ng mga stewart and I don't want you to taint the name na matagal kong inalagaan." I am shocked at natakot bigla, I don't have that courage to face all of this dahil nasanay akong nasa kwarto lamang at nagbabasa ng libro. I don't attend banquets and parties, how can I build confidence and dignity in this unjust household?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD