(Kaylin)
"So what is the reason kung bakit ka pinakasal kay Lazarus? Knowing na nobya pala siya ng step-sister mo?" naguguluhang tanong ni Ezekiel.
money? fame? power? yun ang unang pumasok sa utak ko nang tanungin ako ni Ezekiel.
"Hindi ko na naitanong dahil itinakwil na ako ng mga magulang ko noon, I tried asking the old Stewart pero huli na ang lahat dahil namatay na ito. They all blame me and I still don't know kung ano ang ikinamatay niya."
Tumango naman si Ezekiel at napasandal sa upuan niya.
"It's kind of suspicious kung bakit ka ipinakasal dati, there some loopholes sa nangyari sayo until now. Pero wala na akong pakielam, Alam ko namang nagsasabi ka ng totoo dahil halos itaya mo na ang lahat sa buhay mo para lang makatakas sa kanila,"
Napayuko na lamang ako at nanginginig ang mga kamay ko. "Probably that old Stewart is right,"
Napa-angat naman ang ulo ko sa sinabi ni Ezekiel, napatayo siya at nakapamulsang nakatingin sa akin. "You should build confidence and courage to face your enemies, ngayon tatanungin kita, do you want to become stronger?"
Natigilan ako sa sinabi ni Ezekiel, stronger? "Ngayong pinaghahanap kana ng mga Stewarts, alam kong once na mahanap ka nila, siguro hinding hindi ka na lalabas ng buhay sa estate nila."
namutla naman ako at mas kinakabahan, hindi pwede, ayokong bumalik sa kanila. All my life I live in vain, ngayong nakatakas na ako sa kanila gusto kong mamuhay ng tahimik. Kahit maghirap ako sa pera, ayos lang, atleast alam kong buhay ako.
"Pag-isipan mo ng mabuti, this is your only chance, isipin mo ang mga anak mo."
"Mga anak?"
"You're having a twins." he only said at tumalikod na.
I have twins. Napangiti ako at hinimas ang tiyan ko, I am having twins. Hindi pa lumalabas si Ezekiel kaya tinawag ko siya.
"Ezekiel."
Lumingon naman siya sa akin at napa-angat ng kilay. "I want to become stronger, I want to gain confidence and courage, I don't want to be a soreloser anymore."
napangiti naman siya na siyang ikinagulat ko. "Great, but before that, kailangan mo munang lumayo dito. I will prepare something for you but in return, I want you to do something for me."
"What is it?"
"My family also holds grudge towards the Stewarts, your case and our case is the same. I think this is a perfect time for our retribution." Saad niya.
Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero sobrang seryoso ng kanyang mga mata, katulad ng sa akin ay parang may inaasam siyang isang bagay na hindi niya makuha-kuha.
"Do you think you can help me?" napa-angat ang ulo ko sa sinabi niya. Ano naman kaya ang maitutulong ko sa taong katulad niya?
Nanginginig ang mga labi ko sa pagsagot sa tanong niya. "H-hindi ko a-alam kung m-magiging---"
"Then I will help you first." natigilan ako sa sinaad niya. Tutulungan niya ako?
"Pero paano?" Wala akong kalaban laban sa mga Stewarts, they hold the most powerful household in this country and also dumagdag pa ata ang mga kaalyansa nila kaya mas lalong mahirap para sa akin ang maging kasangkapan ni Ezekiel.
"Alam kong tinatago mo ang tunay mong ugali Kaylin, alam kong hindi ka ganyan ka-duwag. Sabihin mo sa akin ano ang mga kinatatakutan mo?" seryosong saad ni Ezekiel. Napa-isip rin ako sa naging pahayag niya, takot ako sa mga taong katulad ni Lazarus at daddy pero mula nung tumira ako sa bahay ng mga Stewarts ay kahit papaano ay tinuruan ako ng matandang Stewart kung paano lumaban.
Yun nga lang ay takot ako, takot akong baka masaktan ang mga anak ko. Sila nalang ang tanging dahilan ko para mabuhay sa mundong ito, kahit hindi man sila tanggapin ng mga magulang ko at kahit ng kanilang ama ay tinalikuran na sila ay gagawin ko ang lahat para protektahan ang mga supling ko.
"Ano sa tingin mo ang magandang gawin mo para makaganti ka sa mga taong umapi sayo?"
Napakuyom na lamang ako ng kamao dahil sa galit na nararamdaman ko, gusto kong gumanti pero hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa.
"Gusto mo bang gumanti?" tanong ni Ezekiel. Napakurap ang mga mata ko dahil sa katanungan niya, syempre gusto kong maganti pero hindi ko lang alam kung saan magsisimula.
Gustuhin ko man ay wala akong pera at lakas ng loob para humarap sa mga taong nanakit sa amin. I heard Ezekiel laugh kaya napadako sa kanya ang mga titig ko, sa bawat pagtawa niya ay mararamdaman ko ang kanyang kagustuhan na tulungan ako.
"I can help you change, but hindi ko pwedeng gawin yun without your cooperation. You want revenge? I can help you with that but you need to change yourself first." I agree to what he said. If I want to protect my children I need to change myself first but how?
"Tomorrow may gaganapin na isang engagement party sa bahay ng mga Stewarts---"
natigilan ako sa kanyang pahayag. "A-anong engagement p-party?" nauutal kong tanong. Biglang kumirot ang dibdib ko sa hindi malamang dahlan, Sinong ikakasal?
Ang mga sumunod niyang sinabi ang gumulantang sa mundo ko.
He take a deep breath at seryosong hinawakan ang kamay ko. "Lazarus and your sister is getting married."
No. Bakit ang bilis? Napahawak ako sa dibdib ko at hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko, bakit parang okay lang sa kanila na nawala ako?
Oo nga pala, from the start ay hindi ako naging parte ng pamilyang yun. Kahit na sariling pamilya ko ay tinuring akong parang basura, hindi dapat ako nasasaktan ng ganito. Marahas kong pinunasan ang aking mga luha at determinadong tinitigan si Ezekiel.
"Nakapagdesisyon ka na ba kung ano ang gagawin mo?" he asked.
I nod. "Pagbabayarin ko sila sa ginawa nila sa akin, I will make sure na doble pa ang ganting ipapataw ko sa mga halang nilangg bituka." Puno ng galit kong usal. Ngumiti na lamang si Ezekiel sa akinat umalis na, iniwan akong mag-isa sa kwarto.
Tama, hindi pwedeng hayaan ko na lang silang maging masaya ngayong patay na ako sa mga buhay nila. Niyapos ko naman ang aking tyan at pinakiramdaman ko ang batang unti-unting nabubuo doon.
"Baby, hindi ko hahayaan na ganituhin tao ng mga demonyong yun. Sisiguraduhin kong magbabayad sila."
For now I need to rest, kailangan ko ng sapat ng lakas para harapin ang mga taong yun. Habang nagmumuni ay naisipan ko namang manood ng tv, tutal wala naman akong magawa ay manonood na lamang ako ng Tv. Pagkabukas ko ay agad akong natameme dahil sa laman ng balita.
"Lazarus Stewart at nag-iisang anak na babae nang sikat na tycoon na si George Rogers, ikakasal na. Abangan ang susunod na balita." tila gumuho ang mundo ko dahil sa balitang iyon, nag-iisang anak?
Ngumiti ako ng sobrang lapad at parang baliw na tumatawa, nag-iisang anak? So this is how you play the game daddy? Tinago ako ng mga Stewarts bilang asawa ni Lazarus and now malalaman ko na tinago mo rin pala ang katotohanan na anak mo ako George Rogers?
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, maiiyak ba ako o matatawa? All my life ay naging puppet lang pala nila ako, all my life inakala ko na tinuring mo akong anak despite na talagang anak mo ako. Hindi ako makapaniwala na ganito mo ako kung tratuhin daddy, ikaw pa naman ang naging centro ng buhay ko tapos ipapagpalit mo ako sa Catherine na yun ng basta-basta lang?
Nagusot ang kumot na nakatakip sa katawan ko, doon lang mabubuton ang galit at pagdismaya ko. Ngayon ay determinado na akong magbago, pero bago ang lahat ay kailangan kong puntahan muna ang mga demonyong yun. Kailangan ko silang masilayan sa huling pagkakataon dahil sa susunod naming pagkikita ay itutuma ko sila isa-isa.
nagulat naman ako nang biglang may pumasok sa kwarto ko, nahiya naman ako bigla dahil bumungad sa akin ang mukha ng nanay ni Ezekiel. May dala itong pagkain na siyang ikinalunok ko, tamang tama dahil nagugutom ako ngayon.
"Nagulat ka ba? pasensya ka na at hindi na ako kumatok." mahinang usal niya sabay sarado ng pintuan. Umupo siya malapit sa akin at nilapag sa tabi ko ang pagkaing dala niya, sinundan ko iyon ng tingin kaya binigay niya nalang sa akin.
Pinatay ko na lamang ang aking hiya at agad na nilantakan ang pagkain.
"Kumusta ka na?" nag-aalalang tanong niya. Pinunasan ko ang bibig ko bago ako sumagot sa kanya.
"Maayos na po." mahina kong tanong.
Tumango siya at dumako ang mga tingin sa tiyan ko, her eyes are filled of something which I can't explain. I think she is longing for a grandson? Bakit hindi ba siya mabigyan ni Ezekiel?
"I'm sorry, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na asawa ka ni Lazarus." panimula niya. Ngumiti ako at napakamot sa batok, hindi rin ako makapaniwala na ang mortal na kaaway ng mga Stewarts ang nagligtas sa akin.
"Ako nga po dapat ang humingi ng patawad kasi mukhang nakakaabala na ako sa inyo."
Umiiling siya at hinawakan ang kamay ko, her hands are so warm which makes me comfortable. "Wag kang mag-alala iha, safe ka dito at hindi kita pababayaan." ngumiti siya sa akin at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay ko. Pakiramdam ko ay sobrang safe ako sa puder niya, ngayon ko lang to naramdaman. Noong nasa puder pa ako ni mommy at daddy ay tingin nila sa akin ay parang blacksheep at nagkadamalas-malas na ang buhay nila dahil sa akin, noong dumating naman ako sa buhay ng mga Stewarts ay parang mas pinaramdam nila na wala akong halaga sa mundo.
Gusto ko siyang yakapin pero nahihiya akong yakapin siya dahil unang-una hindi kami close at pasanin lang ako dito. She gently stroke my hair which makes me tear a little bit.
"Wag ka munang magpakastress ngayon dahil may baby ka na, nanay ka na. Gustuhin ko man na tanungin ka about sa nangyari sayo but you can do the talking on the process na ha."
This kind of care exist? tumango nalang ako at pinigilan ang pagpatak ng luha ko. "Opo pero I think sobra na po tong pagkupkop ninyo sa akin, malaking tulong na po ito para sa aming mag-ina."
"Nah, I want to help you now that I know na asawa ka pala ng isang Stewart." bitter niyang sambit. I can see in her gestures that she really hates the Stewarts, nacurious naman ako kung ano ang nangyari sa dakawang pamilya kung bakit ba sila naging magkalaban.
Narinig ko noong bata palang ako ay matalik na magkaibigan ang Stewarts at De Chiel pero dahil sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang silang naging magka-away, I think nangyari ang lahat ng iyon 9 years ago? Ilang taon na ba ako ngayon? 25? so that happened when I was 16?
Bakit hindi ko kaya alam kung bakit sila nag-away?
"Noong nakita kita noon, I was really mesmerized by your beauty." Madam De Chiel uttered.
napakunot ang noo ko at nahiya bigla. "Paano mo po ako nakita?"
Noong mga panahong iyon ay halos itago ako ni Daddy sa buong mundo, ni hindi niya man lang ako pinakilala sa mga kaibigan niya at ayos lang iyon kay mommy. Actually, sinuportahan pa nga nila ang ideya na si Catherine ang ipakilala bilang eldest daughter at hindi ako.
"During a family get together, nasa kabilang table ka nun at halos hindi matanggal ang mga titig ko sayo iha. You are the most beautiful girl during that night."
halos mamula ang pisngi ko sa pinagsasabi ni Madam De Chiel, hindi ko inaasahan na may makakapansin sa akin.
"But I think they went too far this time."
sobrang lungkot ng kanyang mata habang nakatitig sa akin. "I know what happened to you but I think they really went too far this time, ang swerte pa nga nila dahil magkakaroon sila nang dalawang apo."
Ngumiti ako at hinipo ang tiya ko. "Oo nga po,"
"Sinabi na pala sayo ni Ezekiel? Congrats iha."
Ngumiti siya sa akin, excited na hinawakan ang kamay ko. "You are having a twins, Congratulations!"
tila tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang mga salitang iyon, Hindi lang ako magkakaroon ng isang anak. Kambal pa ang binigay sa akin, nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko mapigilan ang hindi mapa-iyak. Sa mga oras na ito ay saya lang ang nararamdaman ko, sobrang saya ko dahil binigyan akong diyos ng dalawang anghel.
Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin kaya napamulat ako, doon naramdaman ko ang mainit na yakap ni madam De Chiel.
"I know what you are feeling right now iha but despite of everything may blessing pa rin talagang darating sa buhay mo, all you need to do right now is magpakatatag ka and continue fighting for life. For your sake and for your children."
Hindi ko na napigilan umiyak at yumakap na rin sa kanya, hinagod niya ang likod ko at mas hinigpitan ang yakap sa akin.
"Shh, it's okay. You are now safe, walang makakasakit sayo ngayon I will protect you from those devils."
Humiwalay muna ako sa kanya para punasan ang sipon ko, nakakahiya na nilagyan ko ng sipon ang damit ng nakakatandang De Chiel baka malaman to ni Ezekiel at ibalik ako sa mga Stewarts.
"What's happening here?"
napadako ang mga mapupulang mata ko sa nagsalita, pinunasan ko agad ang luha ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Ang bilis naman niya atang bumalik?
"Where have you been? Hindi mo ba alam na napaka-improper ang pag-iwan mo sa babae?" medyo pagalit na usal ni madam De Chiel.
Nanlaki agad ang mata ko at agad kong pinigilan si Madam De Chiel. "Okay lang po---"
Lumapit sa amin si Ezekiel at dumako ang kanyang mata sa tv kaya sumunod naman doon ang tingin namin, tila naging bato ako dahil sa laman ng balita.
"Fiesty."
(Kaylin 3 years ago)
Habang nag-aayos ako ng lamesa ay isang malamig na buhos ng tubig ang bumungad sa akin.
"Ahhhh!" malakas kong sigaw. Sobrang lamig, gulat akong napatitig sa taong nagbuhos sa akin ng tubig.
"Kanina ko pa hinahanap kung ano yung mabaho ikaw lang pala yun, ayan nakaligo ka na ha." natatawang usal ni Jessica habang hawak ang isang balde. Nanginginig ako sa lamig dahil sobrang lakas pa naman ng aircon dito, maghahapunan pa naman at ito lang ang maayos kong damit.
"What happenin-- Oh anong nangyari sayo? Saang kanal ka naman bumulusok? Hahahahaha," napuno ng tawanan ang dining area dahil sa pagsulpot ni mrs. Stewart at ininsulto ako. Napayuko na lamang ako sa kahihiyan.
"Kakain ka ng ganyan? Asan ang delikadesa mo? Wala ka bang respeto sa mga in-laws mo at haharap ka sa kanina na basang sisiw? Kung wala kang gagawing matino, doon ka na sa basurang bodega mo at wag kang kakain." malamig na usal ni Lazarus na kakaupo lang. Nakaramdam na ako g lamig kaya wala na akong choice kundi ang umalis doon, hindi na naman ako kakain. Hindi pa ako kumakain mula kahapon, gustuhin ko man na kumuha ng pagkain sa kusina ay hindi ko magawa dahil kinakandado nang head maid ang mga ref.
Nanginginig ang katawan ko dahil sa gutom at tanging tubig lang ang iniinom ko mula kahapon para maibsan ang gutom ko.
"Kaylin," isang mahinang pagtawag ang narinig ko malapit sa akin kaya hinanap ko naman kung sino yun.
"Kaylin dito, bilis!"
nagmumula ang tinig mula sa isang malaking kahoy katabi ng bodegang tinitirahan ko at doon bumungad sa akin si manang Gwendolyn.
"Manang, bakit nandito ka po? baka mahuli ka ng mga Stewarts, bawal ka po dito." nag-aalalang saad ko at natatarantang napalingon-lingon sa paligid. Hindi siya pwedeng nandito dahil pinagbawalan siya ng mga magulang na pumunta dito lalong lalo na ang makipagkita sa akin.
"Alam ko at alam ko rin na hindi ka pa kumakain, ito kunin mo muna ito bilis. Pasensya ka na at ito lang ang nakuha ko mula sa inyo, itago mo sa kwarto mo iha para may pagkain ka. Kailangan mong magpalakas, hindi na ako magtatagal at baka ikaw pa ang mapagbuntunan ng galit. Oh siya aalis na ako." mabilis niyang saad at naglaho sa gubat na nasa likod ng bodegang tinitirahan ko.
Mabilis rin akong pumasok ng bodega at binuksan ang isang supot ng tinapay, hindi matigil ang luha ko habang ninamnam ang tamis ng tinapay. Nagpapasalamat pa rin ako na kahit na anong lupit ng mundong ito sa akin ay may taong handang tumulong sa akin sa gitna ng kagipitan.
Sana walang masamang mangyari kay Manang Gwendolyn--- napatigil ako sa pagkain ng tinapay nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok.
Mabilis akong nagtago sa likod ng aparador at sinilip ang nangyayari sa labas.
"Heh, nakapasok pa talaga ang daga na yan dito ha." malamig na saad ni Lazarus habang may hawak ng baril. Napatakip ako ng bibig nang makita ko ang katawan na nakahandusay sa harap niya.
"Nakakalungkot na ang taong nag-iisang magmamalasakit sayo ay wala na, mabuhay ka nang mag-isa." nakangising saad ni lazarus at umalis na.
No.
"Manang Gwendolyn."