(Kaylin)
"E-Ezekiel, baka makita tayo dito." takot kong sambit. Matapos makita ni Ezekiel ang balita kahapon kung saan gaganapin ang engagement ni Catherine at Lazarus, nasa harap kami ngayon ng isang sikat na garden at nakita ko agad ang mga pamilyar na tao.
"This will be your last chance to see them, pagkatapos nito you will change yourself for the better. Go and see them celebrating, they didn't even mourn for your death."
Alam ko ang ibig sabihin ni Ezekiel, he wants to light my anger towards them and I think it i a good way for me. I am wearing a mask and a hat, sasamahan rin ako ni Ezekiel to ensure my safety since buntis ako. Pumwesto kami sa di kalayuan sa garden kung saan kitang kita namin ang buong venue, nakita ko agad ang mga magulang ko. Nagkakasiyahan sila, they greeted all the guest.
"Look at these people, ni hindi ka man lang ata naalala." napakuyom ako ng kamay at hindi nalang sinagot si Ezekiel. Maya-maya pa ay biglang tumunog ang musikang pangkasal, nagsilingunan ang lahat sa likod kaya napadako rin doon ang aking mga mata.
"Looks like dumating na rin ang main couple," sarcastic na sambit ni Ezekiel habang umiinom ng wine. Saan niya naman kaya kinuha ang wine na yun?
Napadako naman ang mata ko sa dalawang taong pinapalakpakan ng mga tao, Catherine is wearing her most innocent smile and Lazarus laugh as if walang bukas. Hinanap ko ang mga magulang ko pero ni hindi ko man lang nakita ang anino nila, himala at wala sila sa kasal ng pinakamamahal nilang anak.
"Congratulations to our couple!" malakas na saad ng emcee. Nagulat pa nga ako sa lakas ng mga confetti at may isa pa ngang sumabog malapit sa amin, bakas sa mga mukha nang nandito ang kasiyahan at nagcecelebrate talaga sila sa nangyayari ngayon. I used to walk in that aisle but the difference, hindi ngumiti si Lazarus at walang taong nagcecelebrate. In other words, parang naging lamay ang kasal namin ni Lazarus.
"Wow, sobrang saya naman nila. How romantic," nakakalokong saad ni Ezekiel at uminom na nang kape na hindi ko alam kung saan niya nakuha.
"I wonder kung ganyan rin ba ngumiti nung ikinasal ka sa kanya?"
I frowned.
"Stop frowning dahil naiimagine ko na kung ano ang mukha mo nung ikinasal ka hahaha," at nakuha niya pa talagang tumawa.
Hindi ko na siya inintindi at nakinig na lamang sa tatay kong magspe-speech ata, noong kasal ko ni hindi man lang siya bumuka ng bibig niya tapos ngayon sa step-daughter niya magbibigay siya ng speech?
Ramdam ko ang inggit sa aking kalamnan, oo nga pala. Hindi ako naging parte ng buhay nila so bakit nila ako papahalagahan sa araw mismo ng kasal ko?
"May we ask the beloved parents of the bride to please come forward?"
Nandito pala sila nasa unahan ang upuan nila pero noong kasal ko halos hindi na sila magpakita sa mga bisita. Tyey even wore a mask to avoid the guest, naging masquerade tuloy ang kasal namin noon.
"Hindi talaga namin inaasahan na matutuloy pa ang pag-iisahang dibdib ni Cathy at Lazarus..." panimulang saad ni daddy na may hawak pang wine. Cathy pala ang tawag mo sa kanya ha tapos sa akin hoy? Napaka-unfair talaga ng mga taong ito.
"Marami ang nangyari sa kanilang dalawa at naaawa talaga ako sa dalawang ito dahil marami silang pinagdaanang sumubok sa kanilang pagmamahalan." malungkot na wika ni daddy habang malungkot na nakatingin kay Catherine na halos maluha na. Nakakatouch yan?
Sumubok? all this time ako nga naging hadlang sa kanilang dalawa pero si daddy ang rason kung bakit hindi nakuha ni Catherine at Lazarus ang happy ending nilang dalawa. Pinapalabas ng mga taong ito na nakakaawa si Catherine parang siya ang biktima sa mga salita ni daddy.
"But now, all the HINDRANCE is gone. They can now achieve the happy ever after." he even emphasize the word Hindrance so for them hadlang lang talaga ako sa mga plano nila at ngayon ay wala na ako ay magagawa na nila ang mga gusto nilang mangyari.
They all hold their glasses and shared a toast. "Look at them celebrating huh, sharing a toast as if hindi ka pinagplanuhang patayin ah. Sure ka ba na pamilya mo to? Parang hindi eh,"
Nilingon ko naman si Ezekiel at inismiran. "I know what you are trying to do, hindi ako ganun ka bobo Ezekiel para pumatol sa panggagatong mo."
I heard him laugh kaya sinilip ko siya, may gana pa talaga siyang tumawa sa sitwasyong ito?
"Kung hindi ka bobo bakit hindi ka lumaban?"
natahimik ako sa tanong niya, alam ko sa sarili ko na hindi ako bobo pero bakit hindi ako lumaban?
"Kung hindi ka manhid, bakit hindi mo naramdaman na hindi ka tanggap sa pamilyang iyon at pinili mong manatili? Why?"
those are the question I wanted to ask my self, the why's and the what's. Now those people I used to serve for 3 years ay nagcecelebrate as if I never existed, ang pamilyang tinuring kong parang buhay ko ay nakikiparty kasama ang pamilyang nagtangkang patayin ako.
"I don't know how to answer that but someday I hope I can answer them without contemplating." malungkot kong usal habang mahigpit ang pagkakahawak sa damit ko.
"Today marks the most memorable day for my sweetie baby, nakakalungkot lang dahil hindi makikita ng kanyang kapatid ang napakagandang araw na to." dagdag ni daddy.
Is he going to mention me? A small hope sparks in my heart na bigla ring nawala agad.
"My son Joseph is sick kaya kailangan niyang manatili muna sa bahay but I know that he is really happy for his ate that finally he found someone who can treasure her."
Okay lang, sanay naman ako.
"Noong ikinasal ka ba anong mukha ang pinakita mo?" tanong out of nowhere ni Ezekiel habang inaabot ang isang moonbuck milkshake. Saan niya ba to kinuha?
Hindi na ako nagtanong at tinanggap na lamang ito. "Hindi ko alam, wala na rin ako masyadong natatandaan noong ikinasal ako kay Lazarus eh."
"But ano nga ba ang ginawa mo bakit galit na galit sayo ang pamilya mo?" nagtatakang tanong niya pero may bahid ng sarcasm ang bawat salita.
Hindi ko na nagawang sagutin ang mga tanong niya dahil nakita ko ang magaling kong mga magulang na nag-abot ng isang box kay Catherine. That box is familiar, kung hindi ako nagkakamali ay pamana yan ng grandparents ko sa susunod na henerasyon don't tell me?
"This is our family crest iha and base sa tradition ng ating pamilya ay ipapasa namin ito sa susunod henerasyon and now, it's your time to lead the family." nakangiting anunsyo ni daddy.
Napasinghal na lamang ako sa ginawa niya, naglolokohan ba kami dito? That crest was suppose to be mine dahil ako ang panganay na anak ni daddy at unang apo ng mga lolo at lola ko palagi rin siyang iniexplainan ni lolo na kahit anong mangyari ay ako ang susunod na family leader and now he is passing that crest to his step-daughter?
kinuha naman ni Catherine ang box at niyakap ang mga magulang ko, nahihibang ba sila? Hindi ba nila alam na kapag binigay nila yan kay Catherine they are giving Cath a full authority sa mga properties and business sa pamilya namin and pati sila ay walang magagawa sa gagawin ni Catherine.
"They are insane." mahinang usal ko. Baliw na nga sila, they eliminate me to do this? To do everything they want?
"I love you my daughter." nakangiting bati ni mommy sabay yakap kay Catherine.
Kusang tumulo na lamang ang mga luha ko dahil nakamicrophone pa yun kung sabihin ni mommy, I thought I am your daughter? kaya mong mahalin ang anak ng iba pero ang sarili mong anak di mo kayang mahalin?
"Okay, that's fine we have a lot of days to answer those. We just need to take one step at a time, I think this is it. You need to bid farewell to you BELOVED family." biglaang saad ni Ezekiel at kinuha na ang kamay kong nanginginig. Galit ang nararamdaman ko ngayon at ang pag-asa ko kaninang makita man lang sila na nagluluksa dahil namatay ako ay nawala na, ano pa ba ng inexpect mo sa mga taong walang pakielam sayo?
Wala.
tumango ako at tumayo na, sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang humangin ng malakas na siyang pagkatangal ng sumbrero ko.
"Ano ba yan ngayon pa talaga humangin ng malakas." mahinang usal ko. Akmang kukunin ko na sana ang sumbrero ko nang biglag nagkasalubong ang mga mata namin ni Lazarus.
"Nakuha mo na ba ang sumbrero mo?" wala kung ano-ano ay agad kong hinatak palayo si Ezekiel pero tumigil siya sa paglakad at napalingon. I saw a faint smile on his face, nakatingin ito kay Lazarus na ngayon ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa direksyon namin.
Alam kong hindi niya ako mamumukhaan dahil nakamask ako pero bakas sa mukha niya ang gulat. Hinatak ko naman papunta sa akin si Ezekiel kaya nagpatuloy na kami sa paglabas sa lugar na yun, baka makita pa ako dito at hindi ko pa magawa ang mga plano kong paghihiganti.
"S-sa tingin mo ba nakilala ako ni Lazarus?" nauutal kong tanong habang hawak ang door knob ng sasakyan. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko, those eyes yun ang mga matang kinatatakutan ko for the past 3 years bakas pa rin doon ang galit sa akin may halo nga lang na gulat which is explainable naman dahil pinapatay na nga ako tapos nabuhay pa ulit diba?
"I don't know but for sure namukhaan niya ako, tignan mo kung sino ang papunta sa direksyon natin?" napalingon naman ako at doon nakita ko ang humahangos na si Lazarus papunta sa direksyon namin. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagbukas ko ng pintuan at pumasok sa kotse sana naman ay hindi niya ako nakita.
Tinted naman siguro ang sasakyan ni Ezekiel diba? Hindi niya ata ako masisilip dito? To make sure na hindi niya talaga ako makikita ay tinakpan ko ang sarili ko ng isang towel na nakita ko sa dashboard ni Ezekiel, ni hindi ko na nga iyon chineck kung malinis ba o hindi.
"What the fvck are you doing here? Are you trying to ruin my special day?" Malakas na sigaw ni Lazarus kaya napasilip ako sa kung ano ang nangyayari sa labas. Kinuwelyuhan niya si Ezekiel at inambahan ng suntok pero bago niya pa yun magawa ay tinulak siya ni Ezekiel palayo, that short tempered brat.
"Bakit bawal bang pumunta sa cheap na park na ito at mag-relax? Hindi ko naman inaasahan na masamang hangin pala ang sasalubong sa akin dito, sana pala hindi na ako umalis sa bahay namin." sarcastic na sagot ni Ezekiel na siyang ikinainis ni Lazarus. Are you trying to get yourself killed? Mukhag may baril pa atang dala si Lazarus ah, baka magkabarilan pa sila dito. Malalagay pa ata sa peligro ang buhay naming mag-iina dito.
"What did you say? Cheap?!" naku po ayan na nga ang sinasabi ko.
Ayaw na ayaw pa naman ni Lazarus na sinasabihan siyang cheap or poor dahil parang tinatapakan mo ang kanyang ego sa pagiging rich at mukhang natutuwa pa ata si Ezekiel sa pinagagawa niya.
"Opps, hindi ko intensyon na sirain ang araw mo Lazzy. I am just here walking with my wife but unfortunately, nakita namin kung gaano kayo kasaya and I don't want to ruin my wife's mood kaya we decided to leave. We don't mean any harm."
Natigilan ako sa sinabi ni Ezekiel, did he just introduce me as his wife? nababaliw na ba siya? Baka nga nakilala ako ni Lazarus eh kaya sumunod siya dito.
"Wife? Are you kidding me? Infertile ka at alam ng karamihan yun kaya sinong baliw ang papatol sayo?" nakakalokong saad ni Lazarus at tumawa pa talaga ng malakas.
Infertile si Ezekiel? So that explains kung bakit ganun na lamang ang tingin ni Madam De Chiel sa tiyan ko, naghahangad ata siya ng apo pero hindi mabigay ni Ezekiel iyon sa kanya.
Hindi ko narinig ang pagsagot ni Ezekiel pero rinig ko pa rin ang tawa ni Lazarus, nabaliw na ata. Anong nakakatawa sa pagiging impotent? Lahat ng lalaki ayaw na ayaw maging baog dahil naghahangad rin sila ng pamilya.
"I didn't know na pagiging clown na pala ang trabaho mo ngayon ha, you got me there." dagdag ni Lazarus. Pilit kong sinisilip ang mukha ni Ezekiel pero nakatalikod siya sa akin, ang tanging nakita ko lang ay ang nakakuyom niyang mga kamay. Tinamaan ata ang mayor na ugat niya baka magkagulo sila dito naku baka makita pa ako dito at patayin na ako ng tuluyan ng mga demonyong ito.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin but that is the truth, I have now a wife at kung magkaka-anak man kami wala ka na doon. Lahat posible Lazzy, ikaw rin baka bumalik sayo ang lahat ng sinasabi mo kaya mag ingat-ingat ka." malamig na turan Ezekiel. Nice one Ezekiel wag kang gagamit ng karahasa, gamitin mo ang iyong utak laban sa Lazarus na yan.
Tumalikod na si Ezekiel at pumasok sa sasakyan, iniwas ko ang tingin ko kay Lazarus dahil natatakot pa rin ako sa t'wing naaalala ko ang gabing tumakas ako sa kanila.
"Hindi pa rin talaga nagbabago ang taong yun, napakayabang pa rin talaga." banas na usal ni Ezekiel.
I agree silently, during my stay with him ay ang tanging inaalala niya ay ang kanyang pera at si Catherine. For 3 years yun lang ang inisip niya, nakikita niya lang ako bilang isang babaeng parausan kung hindi sila magkasundo ni Catherine and he never treated my like a wife.
"I bet na ganun rin ang ugali ng tatay niya, napakayabang rin."
Sinaman ko ng tingin si Ezekiel as he start the engine. "No, nagkakamali ka,"
He scoffed, hindi niya ata inaasahan na yun ng magiging sagot ko sa kaniya. Alam kong masama ang mga Stewarts but merong isang tao ang nag tanggol sa akin kahit sa maikling panahon, may isang taong nagparamdam sa akin na tao ako at hindi hayop. Yun ay ang nakakatandang Stewarts, ang father-in-law ko.
"So what's with this attitude? Akala ko ba galit ka sa kanila?"
"I-I don't know how to say this but hindi mayabang ang father-in-law ko, h-he is the sweetest father I know," nauutal kong saad.
Yun ang katotohanan, pinagtanggol ako ng father-in-law ko sa pamilya niya kaya in return ay inalagaan ko siya hanggang sa namatay siya sa hindi malamang dahilan. Sinisisi sa akin ang kanyang pagkamatay dahil ako ang kasama niya sa huling pagkakataon pero kahit na ako ang nasa tabi niya ay hindi ko alam ang tunay na nangyari.
"Yeah right, and the most devil among the Stewarts." umalis na kaming dalawa doon kaya sinilip ko sa huling pagkakataon si Lazarus. Nagulat naman ako dahil sa pilit niyang inaaninag ang sasakyan namin, that face.
That devil face ang muntikang pumatay sa knyang mag-iina, I did not find any remorse in that face kaya alam kong wala siyang pakielam sa buhay na sinira niya.
"Babe!" matinis na sigaw ng isang babae. I smirked, that angel looking face. Yan ang mukhang sumira sa buhay ko, ang mukhang nagpakahirap sa akin sa loob ng tatlong taon ang mukhang umagaw ng lahat sa akin.
"How sweet may pahabol pa talaga ang higad na yan dito." I heard Ezekiel's sentiments.
"Sino ba ang kausap mo?" malambing na saad ni Catherine. Napadako ang tingin niya sa sasakyan namin na hindi pa umaalis, ano ba ang guston iparating ni Ezekiel at hindi pa talaga kami umaalis?
Iniwas ko na ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil pakiramdam ko ay nasusuka ako sa t'wing nakikita ko ang mga nakakasukang mukha nila.
"Nothing baby, I think I just saw someone kaya hinabol ko but it turns out that btch Ezekiel De Chiel." puno nang pandidiring saad ni Lazarus. Siya pa talaga ang may ganang mandiri sa sitwasyong ito?
"Oh, so did you shoo him away? Baka sirain niya ang engagement party natin?"
"Tara na Ezekiel." seryoso kong saad. Hindi ko na makayang nandito ako at napakalapit sa akin ang mga taong nagtangkang pumatay sa akin at sa mga anak ko, Pakiramdam ko ay nababawasan ng ilang taon ang buhay ko kapag malapit sila. I look at Catherine's finger and I was stunned to see that ring.
napangiti na lamang ako dahil sa mga nangyayari, talagang pinamana mo pa talaga ang singsing na yan daddy eh alam mo naman ang pamahiin ng pamilya.
"Okay." umatras na ang sasakyan at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasalubong ang mga mata namin ni Catherine. Her face was so shocked, yun ang huling mukhang nakita ko bago kami tuluyang umalis.
"Hindi pala to tinted ang bintana mo?" I asked out of nowhere.
"Semi tinted lang yan why?"
I smirked, good because from today onward maalala ni Catherine na buhay ako at handa akong umatake anytime. For now I need to ensure that my children is safe after I deliver my angels, babalik ako at uumpisahan kong linisin ang pangalan kong sinira n'yo.
(Catherine)
"I-Is t-that K-kaylin?!"
No way, patay na siya. She died last last day kaya bakit siya nandito, Lazarus look at me puzzled.
"Huh? Anong si Kaylin? Bakit naman siya nasama sa usapang ito?"
Hindi niya nakita si Kaylin, namamalik-mata lang ba ako? But that woman in that car seemed different, her eyes were so cold and it is as sharp as dagger. Impossibleng si Kaylin yun dahil ang Kaylin na kilala ko ay timid at t'wing makita lang ako ay nanginginig na siya sa takot.
"N-nothing, namamalik-mata lang siguro ako." pilit kong ngumiti sa harap ng fiancee ko. Tama, I need to enjoy this day because wala nag sagabal sa buhay ko. Daddy took care of everything kaya alam kong wala nang hahadlang sa buhay na tinatamasa ko.
"You're dead Kaylin, I am now the legitimate daughter of Rogers. May you rest in peace sister."