Chapter 3

1624 Words
***Mira POV*** HUMIHIKAB ako habang pababa ng hagdan. Nag inat din ako. Katatapos ko lang sa research ko at inaantok na ako. Iinom lang ako ng tubig at muling babalik ng kwarto para matulog na. Naabutan ko si mama sa sala na may hawak na cellphone. Sobrang liwanag ng cellphone nya, yung tipong parang kukunin na sya ng liwanag ng langit. Nakasuot naman ng salamin si mama dahil medyo malabo na rin kasi ang mga mata nya. Patingin tingin din sya sa bukas na flat screen tv dahil pinapalabas na ang paborito nyang drama sa gabi. Tumingin sa akin si mama ng mapansin ako. "Tapos ka na sa research mo, 'nak?" "Opo, ma. Inom lang po ako ng tubig tapos tulog na po ako. Inaantok na po ako, eh." "Bago ka matulog sunduin mo muna ang papa po doon sa bahay ng Ninong Karleng mo. Kanina pa yun doon. Malamang lasing na lasing na yun. Alam mo naman yang papa mo, kapag ako ang sumundo hindi magpapatinag dahil matapang kapag kaharap ang mga kumpare nya. Kaya ikaw na ang sumundo dahil susunod sayo yun. Magpasama ka na lang sa mga pinsan mo." Kumamot ako sa likod ng tenga. Ayoko na sanang lumabas dahil tinatamad na ako. Pero no choice naman ako. Ako lang kasi ang kayang magpauwi kay papa sa inuman. "Sige po, ma. Inom lang po ako ng tubig." Pumasok ako sa kusina at lumapit sa ref. Binuksan ko yun at kinuha ang tumbler ko at tinungga. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay nagpaalam na ako kay mama na lalabas na. Dumiretso ako sa bahay nila Nene na syang pinakamalapit na bahay sa amin. Bukas ang pinto ng bahay nila kaya dire-diretso akong pumasok. Sumulyap pa sa akin si Tiyang Belya bago muling tinutok ang mga mata sa pinapanood sa tv. Lumapit naman ako kay Nene na tutok ang mga mata sa hawak na cellphone at ngiting ngiti pa na tila kilig na kilig. Kinalabit ko sya. Nagulat naman sya at tumingin sa akin. "Samahan mo nga ako." Nakangusong sabi ko. Tumaas ang kilay nya. "Saan?" "Kanila Ninong Karleng. Pinapasundo sa akin ni mama si papa." "Sige." Aniya at tumayo na. "Ma, samahan ko lang si Mira kanila Mang Karleng." Paalam ni Nene kay Tiyang Belay. "Bakit? Anong gagawin nyo don? Gabi na ah." "Susunduin po si papa, tiyang. Pinapasundo po ni mama." Sabi ko. Tumango si Tiyang Belay. "Huwag na kayong tatambay sa labas at gabi na." Paalala pa nya. "Opo." Sabay naman naming sabi ni Nene at lumabas na ng bahay nila. Alas nuebe na ng gabi at madilim na ang paligid dito sa lugar namin. Tanging mga ilaw lang sa poste ang nagbibigay ng liwanag. Umiihip din ang hanging panggabi na nagmumula sa mga puno sa paligid na sinasabayan pa ng tunog ng mga kuliglig at kulisap. Magkakahiwalay ang mga bahay dito sa lugar namin at hindi magkakadikit. Halos magkakamukha ang yari ng bahay dito sa amin. Gawa sa bato ang unang palapag at kahoy naman sa ikalawang palapag. Halos kalahati nga ng mga nakatira dito ay kamag anak namin. Dito na talaga sa lugar na ito nagmula ang angkan namin kaya kilala ang pamilya namin sa lugar na ito. Nagkukwentuhan kami ni Nene habang naglalakad sa gilid ng daan. Halos sarado na ang lahat ng bahay at mangilan ngilan na lang ang dumadaan sa kalsada na puro mga naka-motorsiklo. Sa kanto pa ang bahay ni Ninong Karleng kung nasaan si papa. Ilang bahay na lang ang dadaanan namin at naroon na kami. Naririnig ko na nga ang tugtog at mga tawanan ng kumpare ni papa. May nadadanan pa kami ni Nene na ilang mga tambay na kababata din namin. Binibiro pa nila kami. Pero yung birong hindi nakakabastos. Takot kasi sila kay papa. Dahil kapag biniro nila kami ng bastos at nakarating kay papa ay lagot talaga sila. Pagdating sa bahay ni Ninong Karleng ay naabutan namin si papa na sumasayaw na ng budots. Naghihiyawan at nagtatawan pa ang mga kumpare nya. Napakamot naman ako sa leeg habang pinapanood si papa na parang bulateng inasinan. Ganito si papa kapag nalalasing. Nagiging dancer. "Hanep talaga si tiyong. Lakas ng amats talaga kapag nakainom." Natatawang turan ni Nene. Napansin ako ni Ninong Karleng. "O, narito pala ang inaanak ko." Lumapit ako kay Ninong Karleng at nagmano pati na rin sa mga kumpare ni papa na mga lasing na rin. "Sinusundo mo na ba ang papa mo?" "Opo, 'nong. Pinapasundo na po ni mama." Sabi ko at tumingin kay papa na mukhang hindi pa ako napapansin. Patuloy pa rin kasi syang sumasayaw habang tumatawa. Kasayaw pa nya ang isa nyang kumpare. "Pa." Tawag ko na. Pero hindi nya ako naririnig. "Pa." Muli kong tawag at kumamot sa leeg. Kinalabit na sya ng isa nyang kumpare saka lang sya tumigil sa pagsayaw at lumingon sa akin. Ngumiti sya ng makita ako at hahapay hapay na lumapit sa akin. "Nak." "Uwi na daw po kayo sabi ni mama." Sabi ko. Kinumpas ni papa ang kamay. "Kuh! Yang mama mo talaga masyadong killjoy sa paghahapi hapi ko." "Eh kanina pa raw po kayo naghahapi hapi. Uwi na daw po kayo. Nagagalit na si mama." "Sos! Wala akong pakialam sa galit nya. Chipain ko pa sya. Di ba mga pre!" Baling pa ni papa sa mga kumpare nya. "Sige na pre, uwi ka na at baka ikaw pa ang machipa ni Valen." Wika ni Ninong Karleng. "Oo nga! Uwi ka na at baka pati kami ay machipa din ni Valen." Dugtong pa ng isa pang kumpare ni papa. Nagtawanan naman ang iba nilang kumpare. "Kuh! Natatakot kayo dun kay Valen. Ako nga di takot dun eh. Mamaya pag uwi ko chichipain ko yun." Sabi ni papa at lumapit sa mesang maliit sabay dampot sa basong may lamang alak at tungga. Alam ko namang hanggang sabi lang si papa ng sisipain nya si mama. Pero hindi nya yun kayang gawin dahil takot sya kay mama. Baka nga sya pa ang masipa ni mama. At tama din si mama, tapang tapangan si papa sa harap ng mga kumpare nya. Pero alam din ng mga kumpare nya na takot sya kay mama. Sa huli ay sumama na rin sa akin si papa pauwi. Ganun naman palagi kapag ako ang sumusundo sa kanya sa inuman. Hindi ko na sya kailangan piliting umuwi. Kusa na syang sasama sa akin. Sabi nga ng mga kamag anak namin ay ako ang kahinaan ni papa. Habang naglalakad kami pauwi ay maingay si papa. Nakakahiya nga sa mga kapitbahay namin lalo pa at nagkakahulan ang mga aso pero sanay na sila kay papa. Ng huminto si papa sa paglalakad ay inalalayan na namin sya ni Nene. Napapangiwi na lang kami ng pinsan ko dahil sa amoy ng alak sa hininga ni papa isama pa ang pulutan na kinain nya. Ay talaga nga namang nakakagising ng diwa ang amoy. Parang nawala na nga ang antok ko. Mayamaya ay nakasalubong namin ang pinsan naming lalaki at sya na ang umalalay kay papa pauwi sa bahay. Nakahinga namin kami ng maluwag ni Nene dahil ang bigat ni papa lalo na at lasing. Pagdating sa bahay ay sermon ang inabot ni papa kay mama. Nakaupo lang si papa sa sofa habang nakayuko at tumatango sa lahat ng sinasabi ni mama. Mayamaya ay humiga na sya sa sofa at naghihilik na. "Kuh! Ito talagang papa mo. Hindi talaga titigil yan sa kakalaklak hangga't hindi nagkakasakit." Patuloy pang sermon ni mama kahit tulog na si papa. Pero kahit naiinis kay papa ay aasikasuhin pa rin nya ito. Tinungo ko ang pinto at nilock na. Hindi makakauwi ngayong gabi ang dalawa kong kuya dahil nasa Manila sila, sa lolo at lola ko sa side ni mama. Dumalaw kasi sila doon at sa susunod na araw pa uuwi. Dapat nga ay kasama akong dadalaw doon pero may pasok pa ako bukas at sa susunod na araw. Kaya sa bakasyon na lang ako dadalaw sa kanila sa Manila. Nilock ko na rin pati ang mga bintana at pinto sa likod ng bahay. Pagbalik ko sa sala ay naabutan ko na si mama na pinupunasan si papa ng basang bimpo. Napangiti na lang ako. Hindi talaga kayang tiisin ni mama si papa. "Ma, akyat na po ako sa taas." Paalam ko kay mama. "Sige 'nak, matulog ka na. Ako na ang bahala dito sa papa mo." Umakyat na ako sa taas at pumasok na sa kwarto ko. Tatlo ang kwarto dito sa taas. Tig iisa kaming tatlong magkakapatid. Hindi naman malaki ang kwarto namin. Tamang tama lang para tulugan namin. May tig iisang single bed at mga drawer na lagayan ng mga damit at gamit namin. Pero syempre mas marami akong gamit dahil babae ako. Si mama at si papa ay nasa ibaba naman ang kwarto. Lumapit ako sa bintanang jalousie at sinarado na yun sabay takip ng kurtina. Umupo na ako sa kama ko at dinampot ang cellphone. Dahil nawala ang antok ko ay mag ce-cellphone muna ako. Alas nuebe pa naman bukas ang unang klase namin kaya ayos lang na medyo ma-late matulog. Napangiti ako nang makita ang mga post ni Ate Stacey sa ayji. Mga sweet photos nila ni Kuya Bryce. Nakatag pa nga si Kuya Bryce. Si Kuya Bryce na walang hilig sa social media. Epbi nga lang ang meron sya pero hindi naman sya active. Ang profile nga nya doon ay magsasampung taon na yata nyang gamit. Ang huling post nya ay limang taon na ang nakakaraan. Pero ngayon ay may ayji na sya dahil kay Ate Stacey. Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig. Excited na ako sa kasal ni Kuya Bryce at Ate Stacey. Siguradong parang pyesta na naman dito sa lugar namin sa araw na yun. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD