Chapter 4

2234 Words
***Mira POV*** "SOBRANG excited na talaga ako sa kasal ni Kuya Bryce next month. Talagang wala ng makakapigil sa kanila ni Ate Stacey." Wika ni Nene. Narito kami sa loob ng jeep at nasa gitna ng byahe papunta sa university ng lalawigan. "Ako rin! Pero mas excited ako sa susuotin natin. Mag bu-beauty rest talaga ako buong araw bago ang araw ng kasal." Turan naman ni Agatha. "At mabuti na lang kamo wala tayong pasok sa araw ng kasal ni Kuya Bryce." Sabi ko pa. Next month na ang kasal ni Kuya Bryce at Ate Stacey. Tuloy na tuloy na nga ang kasalan nila at sa malawak na lupain namin ang reception. Naglilinis na nga doon sila papa at mga tiyuhin ko. Nagdadamo na rin sila. Inaasahan din kasi na marami ang magiging bisita. Bukod sa angkan namin at pamilya ni Ate Stacey ay may iba pang tiyak na mga importanteng bisita na darating. Lalo na sa side nila Ate Stacey na paniguradong mayayaman ang nga bisita. Paniguradong parang fiesta ang kasal nila Kuya Bryce at Ate Stacey. Baka nga ang kasal nila ang magiging pinaka bonggang kasal dito sa buong barangay namin. Makaraan ang ilang minuto ay huminto na ang jeep sa tamang babaan. Naglakad na lang kaming tatlo dahil malapit naman ang university. May kasabayan na nga kaming maraming estudyante na doon din nag aaral. "Mira!" Lumingon ako nang marinig ko ang boses ni Jasmine. Nasa kabilang kalsada sya kasama ang ilan nyang mga kaklase. Ngumiti ako sa kanya at kumaway. Ngumiti din sya sa akin at gumanti ng kaway. May sinabi sa kanya ang isa nyang kaklase na nakangisi. Ngumisi din sya. Kaibigan at kababata ko si Jasmine. Dati rin namin syang kalapit bahay pero lumipat sila sa kabilang kanto lang. Kaklase ko sya mula elementary hanggang high school. Medyo dumistansya lang kami sa isa't isa ng mag senior high na kaming pareho. Magkaiba na kasi kami ng school at nagkaroon na rin ng ibang kaibigan. Ngayon naman ay parehas kami ng university na pinag aaralan pero mag kaiba ng course. Nursing ako at tourism naman sya. Nagkikita at nag uusap naman kami paminsan minsan sa loob ng campus. Hindi lang kami madalas nagkakausap dahil may kanya kanya din kaming mga kaibigan. Kapag nagkita ay ngingiti at tatango lang kami sa isa't isa. Gaya ngayon. "Nag uusap pa pala kayo ng babaeng yan?" Saad ni Nene nang makalayo na sa amin si Jasmine at ang mga kaklase nya. "Oo naman. Friends pa rin naman kami, no." Sabi ko. Umingos sila ni Agatha. Ayaw kasi nila kay Jasmine kahit noong mga bata pa kami. Naging kalaro din nila noon si Jasmine pero nahinto lang ang pakikipaglaro nila dito ng mag away sila ni Nene. Simula noon ay ayaw na nila rito. "Naku, pinaplastik ka lang ng babae na yan." Sabi pa ni Nene. "Hindi naman. Never nya naman akong pinlastik." "Akala mo lang yun. Baka wala kang kaalam alam iba na ang kinukwento nya sa mga kaibigan nya tungkol sayo." Dagdag pa ni Agatha. "Oo nga. Kung ako sayo, lumayo layo ka sa babaeng yan." "Hindi na nga kami masyadong nag uusap eh. Saka mga praning lang kayo." Sabi ko. "Hmp! Huwag na nga natin syang pag usapan. Nasisira ang araw ko eh." Turan ni Nene. "Ako rin!" Segunda pa ni Agatha. Hindi na nga namin pinag usapan pa si Jasmine at naging topic na lang namin muli si Kuya Bryce at Ate Stacey. Pagpasok sa loob ng campus ay humiwalay na sa amin ni Nene si Agatha nang makita ang mga kaibigan at classmate nya. Kami naman ni Nene ay dumiretso na sa building namin. -- "SYA nga pala, Mira anak. Nagkita kami ng Ninang Josie mo kanina sa palengke. Kinakamusta ka. Aba'y sabi ko ay ayos ka lang at dalaga na. Limang taon na rin kasi kayong hindi nagkikita." Saad ni mama sa gitna ng hapunan namin. "Eh kamusta din naman po si ninang, 'ma? Hindi na ba sya natuloy sa ibang bansa?" Tanong ko naman. Nakatira sa kabilang bayan si Ninang Josie. Dati ay sa kabilang barangay lang sya nakatira at madalas na pumupunta dito sa bahay namin para makipag chikahan lang kay mama. Nalipat lang sya at ang pamilya nya sa kabilang bayan ng makabili ng sariling lupa doon. "Aba'y ayos lang ang ninang mo. Natuloy naman sya sa ibang bansa pero umuwi din agad dahil hindi kaya ang homesick." Tumango tango ako. "Mahirap din naman kasi sa ibang bansa 'ma." Sabi ko sa pagitan ng pagsubo ng pagkain. "Sinabi mo pa, 'nak. Kaya nga ako di na tumuloy noon mangibang bansa eh." Nagbalak din noon si mama na mangibang bansa noong maliliit pa kami ng mga kuya ko. Pero hindi lang sya natuloy. "Eh ma, hindi po kayo natuloy noon dahil nahuli nyong nambababae si papa di ba?" Turan ni Kuya Dany. Binatukan naman sya bigla ni papa. "Matagal na yun, huwag mo ng ipaalala." Kumamot sa ulo si Kuya Dany at napangisi naman kami ni Kuya Felix. Umingos si mama at tumalim ang tingin kay papa. "Oo, hindi ako natuloy noon dahil nalaman kong may babae ang papa nyo. Kuh! Mabuti na lang talaga at hindi ako natuloy kundi ay baka may iba na kayong mama ngayon." "Syempre, di po ako papayag na may iba pa akong mama. Kayo lang ang mama ko." Sabi ko kay mama. "Tama yan 'nak." Sabi naman ni mama at nilagyan ako ng paborito kong ulam sa plato. "At kapag nambabae pa ang papa mo, hahanap na rin ako ng bagong papa mo." Dagdag pa ni mama. Umungol naman si papa at tumawa naman sila kuya. "Para namang makakahanap ka pa ng ibang mas pogi sa akin." Wika ni papa. "Aba'y oo naman! Ang dami dyan na mas pogi sayo at mas bata pa." "Ang tanong, patulan ka kaya nila." "At bakit hindi? Maganda pa rin ako no kahit may edad na. At may kurba pa rin ang katawan ko." Biglang nasamid si papa. Ngunit di ko alam kung totoong nasamid sya o eme eme lang nya. "Tubig mga anak! Nabubulunan ako!" Wika ni papa at humawak sa leeg na may paubo ubo pa. Napataas naman ang kilay ko dahil halatang nag jo-joke lang si papa. Bigla syang pinukpok ni papa ng malinis na sandok sa ulo. Natigil naman sa ka-oa-yan nya si papa at napakamot na lang sa ulo sabay simangot. Natawa na lang kaming magkakapatid. Hindi talaga sya uubra kay mama. -- MATULIN na lumipas ang mga araw. Isang linggo na lang ay kasal na ni Kuya Bryce at Ate Stacey. Nag uumpisa ng maging busy ang lahat. May dumating na ngang wedding organizer at tiningnan ang lugar na pagdadausan ng reception. Kinausap sila ni papa at ni Tiyang Matilda. Ang usapan nila ay ang organizer na ang bahala sa mga dekorasyon at set up. Pero pagdating sa mga pagkain ay kami na ang bahala sa lahat. Wala namang naging problema at nagkasundo naman ang lahat. Dumating na rin ang mga damit na susuotin namin sa araw ng kasal. Sa malaking lumang simbahan kasi sa bayan ikakasal si Kuya Bryce at Ate Stacey. Excited na excited na kaming lahat pero mas excited ang mga pinsan kong babae na mga nag pa-rebond na nga. Ako naman ay hindi muna dahil kaka-pa-salon pa lang ng buhok ko wala pang anim na buwan. Baka masira ang buhok ko. At kahit naman hindi ako magpasalon ay maganda ang buhok ko. Tuwid na tuwid at itim na itim. Siguro ay magpapa-mani at pedi na lang ako dalawang araw bago ang kasal ni Kuya Bryce. "Mira anak, pumarine ka nga muna." Tawag sa akin ni mama mula sa kusina. Tumayo ako at pumasok sa kusina. "Bakit po, ma?" Tanong ko. Nakita kong naglalagay sya ng longganisa sa mga plastic labo. Ang isang binalot nya ay nilagay pa nya sa isa pang plastic. Gumagawa kasi si mama ng longganisa at binebenta din nila ni papa. Masarap gumawa si mama ng longganisa at laging nauubos ng mga suki nila. "Pakibigay mo nga ito kay Ka Tureng." Ani mama at inabot sa akin ang plastic bag na may lamang longganisa. Kinuha ko naman yun. "Wala pong bayad to, ma?" "Wala. Nagpahilot ako kahapon sa kanya kaya ibigay mo na lang yan." "Opo." Nagpaalam na ako at lumabas na ng bahay para pumunta sa bahay ni Ka Tureng. Nasa kabilang kalye ang bahay ni Ka Tureng sa bandang itaas ng burol. Hindi naman yun kalayuan sa bahay namin. Si Ka Tureng ay isang matandang manggagamot dito sa lugar namin. Kilala sya ng lahat dahil halos sa kanya dinadala ang mga nagkakasakit bago dalhin sa hospital. Naniniwala pa rin kasi ang ibang mga nakatira dito lalo na ang mga matatanda sa mga, kulam, engkanto, nuno, balis, aswang, o kung ano pang mga elemento. Marami ang nagsasabi na magaling na manggagamot si Ka Tureng dahil marami na syang napagaling. At isa si mama sa bilib na bilib sa husay ni Ka Tureng. Suki na nga nya kami mula ng maliit pa kami ng mga kuya ko. Alagang Ka Tureng kami. Kapag may sakit kami at hindi agad napagaling ng gamot ng doctor ay kay Ka Tureng kami tinatakbo ni mama. At kahit tutol si papa dahil hindi sya naniniwala kay Ka Tureng ay wala naman syang nagagawa. Napapagaling naman kami ni Ka Tureng. Lalo na ako noong pabalik balik ang lagnat ko. Naaalala ko noon na hindi ako gumagaling sa gamot na nireseta ng doctor kahit pinalitan pa yun. Pero nung dinala ako ni mama kay Ka Tureng at tinawas ako ay himalang gumaling ako kinabukasan. Ang sabi ni Ka Tureng ay nakatuwaan daw ako ng duwendeng puti. Nag alay lang si mama noon ng matatamis na pagkain sa kawayanan kung nasaan daw ang duwendeng puti. At hindi lang magaling na manggagamot si Ka Tureng kundi magaling din na manghuhula. Marami na syang nahulaan dito na nagkatotoo at isa na sa nahulaan nya ay si papa na may babae noon. Kaya nga galit si papa kay Ka Tureng dahil nabisto sya ni mama dahil dito. Kaya simula din noon ay lagi na ring nagpapahula si mama kay Ka Tureng kung nambababae pa ba si papa. Sa kabutihang palad ay hindi na naulit ang pambabae ni papa. Siguro ay natakot na rin sya kay mama. Bukod kay papa ay naalala ko hinulaan din ako noon ni Ka Tureng. Ang hula nya sa akin noon ay maaga akong mabubuntis. Pero parang malabong magkatotoo yun. Baka sa akin papalpak ang hula ni Ka Tureng sa unang pagkakataon. Paano naman kasi ako mabubuntis eh wala nga akong boyfriend. At wala rin akong interes sa mga lalaki. Kaya malabo talaga na mabubuntis ako ng maaga. Nakarating na ako sa harap ng bahay ni Ka Tureng. Gawa sa kahoy ang bahay nya na sakto lang ang sukat. Normal na bahay lang naman ang meron sya na hindi rin nalalayo sa hitsura ng mga bahay dito sa lugar namin. Ang bahay nga lang nya ay single type lang. Sya lang naman kasi ang nakatira at ang isang anak nya at apo. Ang iba kasi nyang mga anak ay sa ibaba nakatira. Maraming halaman sa palibot ng bahay ni Ka Tureng na ginagamit din nya sa panggagamot nya. "Tao po. Ka Tureng." Tawag ko sa matandang manggagamot. Bukas ang pinto at lumabas ang apo ni Ka Tureng na babae na si Ate Marlene. "Ikaw pala, Mira." "Si Ka Tureng po, ate. May pinabibigay po si mama." Sabi ko. Bumaling naman si Ate Marlene sa loob ng bahay. "La, nandito po yung anak ni Ate Valen." Tawag nya kay Ka Tureng at muling bumaling sa akin sabay ngiti. "Sandali lang, ha. Andyan na si lola." Kimi naman akong ngumiti. Hindi naman ako naghintay ng matagal at lumabas na rin si Ka Tureng. Ngumiti pa sya nang makita ako. "Ikaw pala yan, Mira." Aniya. Lumapit naman ako at nagmano. Nakakamangha lang dahil kahit matanda na sya ay malinaw pa rin ang paningin nya. Sa tantya ko nga ay nasa edad otsenta na si Ka Tureng. Puro puti na ang kanyang buhok pero malakas pa sya. Siguro ay dahil na rin sa mga kinakain nyang masusustansya kaya maliksi pa rin ang katawan nya. "Pinabibigay po ni mama. Longganisa po. Bagong gawa po yan." Sabi ko at inabot ang plastic. Kinuha naman nya yun. "Naku, salamat. Nag abala pa ang mama mo. Teka, magkano ba ito?" "Wala pong bayad yan. Pasasalamat po ni mama sa paghilot nyo sa kanya kahapon." "Kuh, yan talagang si Valen. Sabi ko ay huwag ng mag abot. Pero sige, salamat dito. Paborito ito ng apo ko sa tuhod. Mamaya ay aakyat yun dito para maghanap ng ulam. Tamang tama ito dahil hindi naman yun mahilig sa gulay." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Ka Tureng. "Sige po, Ka Tureng. Uuwi na po ako." Paalam ko na. "Teka sandali lang, Mira." Natigilan ako at napatingin sa kamay kong biglang hinawakan ni Ka Tureng. Dama ko ang init ng kamay nya at ang kagaspangan din nun. Tumingin ako kay Ka Tureng at sumalubong sa akin ang matiim nyang tingin. Tila ba binabasa nya ako. "Bakit po?" Maang na tanong ko. Pinisil nya ang kamay ko at ngumiti sya. "Malapit mo na syang makilala." Kumunot ang noo ko. "Po?" "Malapit na ng makilala ang lalaking gugulo sa isip at puso mo. Ang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay mo." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD