“MAGPAPATAYAN ba kayo? 'Wag… Huwag kayong magpatayan dahil ako ang dapat pumatay sa inyo!” Huminto ang lalaki at halos tatlong dipa na lang ang layo nito sa kanilang lima. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay nakita na rin nina Jameson ang mukha ng lalaking iyon. Pamilyar ang mukha nito. Hindi nga lang niya maalala kung saan niya ito nakita. Pinipilit niyang alalahanin kung saan at kailan niya ito nakita. Matangkad ang lalaki at maganda ang tindig. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa treinta na ang edad nito. May hitsura rin naman ito ngunit may pagka-brusko ang mukha nito. O dahil dala lang iyon ng balbas-sarado nitong mukha at malalalim na mata na parang hindi na nito kilala ang salitang tulog. Hanggang sa isang alaala ang bumalik sa kanya… Hindi pa man napapaandar ni Rayver ang van ay ma

