BUFFET 09

2241 Words

SINIGURO muna ni Rayver na tulog na ang lahat ng mga kasama niya. Nakainom naman ang mga ito kaya mahimbing ang mga tulog ng mga 'yon. Takam na takam siya habang nakatingin sa pugot na ulo na hawak niya. Umupo siya sa tabing-dagat. Ang tanging tanglaw niya sa kadiliman ay ang bilog na bilog na buwan. Inihanda na niya ang ulo na iyon. Nilagyan na niya iyon ng butas sa tuktok bago pa niya iyon dalhin sa isla. Inamoy-amoy pa niya iyon habang nakapikit. Masangsang na ang amoy niyon dahil nabubulok na ng kaunti ang ibang bahagi pero para sa kanya mas lalo lang niyong pinaigting ang kagustuhan niyang kainin iyon. Hinawak-hawakan pa niya ang butas na kasing-laki ng piso sa ulo. Dinala niya sa bibig niya ang butas at sinipsip iyon. Para siyang sumisipsip ng balut. Sarap na sarap siya nang malasa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD