SA ISANG maliit na isla sa probinsiya ng Quezon ang destinasyon nina Jameson at ang mga kaibigan niya. Isla Diablo-- iyon ang pangalan ng isla. Ayon kay Rayver ay nakita nito sa isang travel blog online ang naturang isla. Ipinakita pa nito sa kanila ang picture ng isla at maganda nga ito kahit maliit. Ayon pa sa blog ay walang entrance fee doon dahil walang mag-ari ng naturang isla. Hugis bungo daw ang isla kaya tinawag itong Isla Diablo. Sinabi rin sa blog na haunted island daw iyon kaya walang pumupuntang tao. Talagang naglakas-loob lang ang blogger na puntahan ang isla dahil sa adventure. Dahil naintriga silang magkakaibigan ay nagkasundo silang iyon ang puntahan. Totoo ang sinabi ni Rayver na ito ang bahala sa kakainin nila. Nakalagay sa dalawang malalaking ice box ang mga pagkain par

