DAHIL may labada ng umagang iyon ang nanay ni Daniel ay siya muna ang nagpunta sa palengke para bumili ng saging, asukal at mantika para sa ititinda niyang banana cue mamayang hapon. May mga barbecue sticks pa naman sa bahay nila kaya hindi pa niya kailangang bumili. Gumaling na agad ang paa niya dahil sa pinahilot niya iyon sa kilalang albularyo sa kanila. Pagdating niya sa palengke ay binili na niya agad ang mga kailangan niyang bilhin para makauwi na rin siya. Baka kasi nahihirapan doon ang nanay niya. Naglalaba na ito tapos nag-aalaga pa ng kapatid niya. Dalawang plastic ang bitbit niya habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Papunta na siya sa terminal ng tricycle. Isang kotse ang sumabay sa kanyang paglalakad at nang bumaba ang bintana sa may driver’s seat ay nagulat siya nang malam

