'AYAN na naman. Hayan na naman ang langaw para kontrolin siya. Alam na niya ang mangyayari, papasok na naman ang langaw na iyon sa katawan niya. At ibig bang sabihin nito ay si Garuda ang pangatlo niyang magiging biktima? Bakit naman sa dami ng babae ay bakit ito pa? Sa pag-aakala niya ay puso ng magagandang babae lang ang kakainin niya? Baka ang mukha pa nito ang makuha niya! Ayaw naman niyang maging babae tapos mukhang bakla pa rin. “'Waaag namaaan… Pangit niyan, e…” Nakanganga niyang turan. “Anong pangit?! Sinong pangit?!” sigaw na tanong ni Garuda. Sa pagnganga niyang iyon ay pumasok na ang langaw sa bibig niya. Nararamdaman na naman niya ang pagkontrol nito sa kanya. Pero pilit niyang pinipigilan iyon. Huwag si Garuda. Ayaw niya dahil wala naman siyang gandang makukuha dito. Umiik

