Anak Ng Callboy
Chapter 4
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Akala ko pa naman bibigyan mo ako ng ilang araw para makapagdesisyon? Iyon pala agad-agad ang sagot na kailangan mo," ngiting sabi ni Direk Frank.
Napakamot na lang sa ulo si Direk Frank sa sinabi ni Miss Peachy sa kanya. Kailangan na pala niya magdesisyon ngayon din. Napapatanong talaga siya sa kanyang sarili kung kaya ba niya ang gay movie?
"Hindi naman kami nag-aapura. Gusto lang talaga namin lalo na ako na malaman agad ang desisyon mo. Ayoko kasi iyong pinapaasa. Hahaha!" birong sabi ni Peachy.
Sa limang taon na pagtratrabaho ni Peachy sa V Studio ay natuto na siya kung paano makipag-usap sa mga iba't-ibang klase ng tao. Marami na siyang nakausap na mga artista. May mga primadonna, mayabang, maarte, mababait at iba pa. Pati mga direktor ay marami na siyang nakausap. Isa na rito si Direk Frank Torales.
Alam na ni Peachy kung paanong makumbinsi ang isang artista o direktor sa isang movie project. Kapag gusto niya ang isang artist o direktor na makasama sa movie project ng V Studio. Gagawa siya ng paraan para makumbinsi niya ang mga ito.
"Kapag ba tumanggi ako may second choice kayo? Tsaka bakit nga pala ako? Bakit ako ang napili ninyo. Alam niyo naman na forte ko horror. Ang layo sa alok mo na gay movie," kunot noo tanong ni Direk Frank.
"Dahil gusto ka namin dahil pulido ang gawa mo. Bawat eksena na kukuhanin mo ay gusto mo ay perpekto. Gusto kasi namin na ang direktor ng susunod na gay movie ng V Studio ay isang straight na lalaki. Malinis at magaling magtrabaho. Wala kaming second choice kaya wala kang choice kundi tanggapin ang project na ito," ngising sabi ni Peachy.
Titig na titig si Peachy sa makisig na direktor na nasa harapan niya. Nakasuotblang ito ng isang puting t-shirt na kitang-kita ang kakisigan ng katawan nito. Maong na kupas ang suot nito at isang pares ng itim na sneakers shoes. Simple pero lakae ng dating. Para nga itong modelo na nasa go see.
Kitang-kita ni Peachy na napre-pressure si Direk Frank ngayon. Alam niyang gusto nito tanggapin ang movie project para na rin sa career nito bilang direktor. Ngunit nagtatalo ito kung kaya ba nito gumawa ng gay movie na alam naman niya na horror ang forte nito.
Alam ni Peachy na sobrang layo ng horror sa gay movie. Pero naniniwala siya kay Direk Frank na magagawa nito ang pangalawang gay movie ng V Studio. Nakita niyang napabuntong hiningang malalim si Direk Frank at seryoso itong tumingin sa kanya.
"Sige! Game ako!" seryosong sabi ni Direk Frank.
Pumayag na si Direk Frank sa offee ni Miss Peachy para na rin sa ikakaunlad ng career niya.
"Thank you Direk Frank!" masayang sabi ni Peachy.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Thank you sa pagsagot Miss Peachy. And my last question is ready na ba kayo sa mga haharapin ninyong mga kontrobersyal sa gagawin ninyong movie project?" ngiting tanong ni Jake Bamba.
Nilakasan ni Jake ang loob niya para tignan si Kiel Santos na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ito sa kanya. Sobra siyang natutunaw sa mga titig nito sa kanya.
Napapatanong tuloy si Jake sa kanyang sarili kung bakit siya nakakaramdam ng panghihina at kakaibang init sa kanyang buong katawan?
Gusto na ni Jake na matapos na ang kanyang tanong para makaupo na siya dahil ilang sandali na lang ay bibigay na ang kanyang mga tuhod.
"Handang-handa na! Let the battle begin! Hahaha!" birong sabi ni Miss Chin.
Buong tapang na haharapin ni Miss Chin ang mga possibleng bumatikos sa movie project nila. Hindi na siya magiging duwag tulad ng dati. Lalaban na siya. Alam niya sa pagkakataon na ito ay magiging maayos na ang lahat
"Game on!" ngising sabi ni Peachy.
Alam ni Peachy sa panahon na ito ay maraming susuporta sa kanila. Hindi lang mga l***q+ community pati mga mga straight people na mahilig sa BL. Kakayanin nila itong laban na ito.
"Game na game na kami. Kayo handa na ba kayo?!" ngising sabi ni Kiel.
Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin si Kiel sa guwapong lalaking nasa harapan nila na si Jake Bamba. Mamaya na lang siya didiskarte sa guwapong lalaki. Pagkatapos ng press con ay magkakaroon ng lunch at doon niya kakausapin si Jake Bamba.
Sa tingin ni Kiel ay hindi siya mahihirapan na makuha itong nakapaguwapo at inosenteng lalaking nasa harapan nila. Kitang-kita na rin niya na hindi makatingin ng diretso sa kanya si Jake.
Isang matamis na ngiti ang ipinakita ni Kiel kay Jake. Nagpasalamat ang guwapong lalaki sa kanilang tatlo. Sinundan pa niya kung saan ito umupo. Napangisi siya ng makita pinunasan nito ang pawis nito sa guwapong mukha nito.
Naagaw ang pansin niya ng merong isang matabang matandang babae na nasa 50's ang tumayo at pumunta sa gitna kung saan nandoon nakatayo ang microphone. Nakasuot ito ng pulang floral dress at naka bob cut ang buhok nito.
Sa unang tingin pa lang ni Kiel ay alam niya mataray at masungit ito kung titignan. Napangiti na lang siya ng mapatingin ito sa kanya. Alam niya ang ibig sabihin ng tingin nito. Siya si Rosanna Valdez o Tita Rose isang sikat na batikang tv host actress. Nakilala si Tita Rosw bilang isang prangkang host ng isang high rating talk show sa GTV.
Napatingin si Kiel sa mga kasama niyang dalawang magagandang dilag na kasama niya ngayon. Alam nila Peachy at Miss Chin ang tinginan nila. Sigurado silang magigisa sila ni Tita Rose.
"Hello! Mga anak! Kamusta na kayo! Jusko long time long press con! Ready na ba kayo sa mga maiinit na tanong ko sa inyo?" ngiting sabi ni Tita Rose.
Matagal na sa showbiz si Tita Rose lahat yata ng mga kontrobersyal na artista ay na-interview na niya. Wala yatang artistang hindi dumaan sa kanyang talk show show na "Chika mo na!".
Ang talk show ni Tita Rose na "chika mo na!" ay isa sa mga high rating show sa Pilipinas. Tuwing linggo ay inaabangan ng mga tao ang show niya. At marami na rin nauwing awards ang talk show niyang "chika mo na".
Naghihinayang nga lang si Tita Rose dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na ma-interview noon ang cast ng "The Jail Love Story". Sobrang init pa naman ng mga pangalan ng cast ng nasabi pelikula.
Pero ngayon ay sisiguraduhin na ni Tita Rose na mai-interview niya ang magiging cast ng movie project na ito. Sisiguraduhin niyang aabangan ng mga taong bayan ang kanyang show tuwing linggo. Dahil sa movie project ng V Studio.
"Salamat Tita Rose, dahil nakadalo kayo ngayon at salamat sa supporta. Handa na kaming tatlo sa mga maiinit na tanong mo Tita Rose!" ngiting sabi ni Miss Chin.
Sino ba naman hindi makakakilala sa isang Tita Rose, sa mundo ng showbiz. Isa itong beterano sa paghohost sa isang long running talk show sa buong Pilipinas. Lahat ng mga bago at lumang mga artista ay dumaan sa talk show ni Tita Rose. Naghihinayang nga lang si Peachy noon dahil hindi nito na interview sila Celix Lee at Herald Dela Rosa.
"Dapat lang handa kayo. Kilala niyo naman ako," mataray na sabi ni Tita Rose.
Titig na titig si Tita Rose sa tatlong taong nasa harapan niya. Bawat isa sa mga ito ay kilala na niya personal man o sa trabaho ng mga ito.
Napangiti si Tita Rose dahil napansin niyang tumahimik ang mga tao sa venue. Alam niyang naghihintay na ang mga ito sa kanyang itatanong.
"Unang tanong meron kayang mag-aaudition para maging cast sa movie project na ito? Alam naman natin noon na sobrang daming naglabasan na mga issue tungkol kina Celix at Herald. Balita ko noon kaya umalis ng bansa si Herald, ay dahil inaya siya ni Jace Lewis, para mapalayo ito kay Celix Lee. Nagkaraoon 'di umano ng relasyon sila Herald at Celix, noong ginagawa nila ang pelikulang the jail love story." ngiting sabi ni Tita Rose.
Kahit na hindi na interview ni Tita Rose ang mga cast ng "the jail love story" ay alam naman niya ang mga kontrobersiya na kinasangkutan ng mga ito. Wala siyang hindi nalalaman tungkol sa mga artistang sikat o pasibol pa lang.
Muntikan na masamid si Peachy sa kanyang iniinom na bote ng tubig dahil sa kanyang narinig mula kay Tita Rose. Agad niyang ibinaba ang kanyang iniinom na bote ng mineral water. At kumuha siya ng tissue na nasa ibabaw ng lamesa. Pinunasan niya ang kanyang bibig dahil parang may tumulong tubig sa muntikan niyang pagkasamid.
Inaasahan naman ni Peachy na magiging mainit ang magiging tanong ni Tita Rose. Pero hindi naman sukat na akalain na magiging ganun ang tanong nito.
Napahawak tuloy si Peachy sa kanyang dibdib dahil sa pagkagulat. At isang pilit na ngiti ang lumitaw sa kanyang magandang mukha habang nakatingin siya kay Tita Rose na mataray na nakatingin sa kanya.
Kinuha ni Peachy ang mic para makapagsalita siya. Alam niya ang tingin ni Tita Rose sa kanya. Ilang beses na niya ito nakausap at matagal na siya nitong kinukulit na mag-guest sa talk show nito. Ngunit ilang beses din niyang tinanggihan ang alok nito.
Alam ni Peachy na magigisa siya sa talk show ni Tita Rose. Lagi na lang niyang rason ay hindi naman siya artista. Hindi niya alam kung mamaya ay hindi siya nito kukulitin ulit?
"Tita Rose, ano yan? Muntikan na tuloy ako masamid sa iniinom ko. Ako na sasagot sa katanungan mo Tita Rose, tungkol sa audition. Sa totoo lang ay natakot kami noong iniisip namin nila Miss Chin at mga taga V Studio na ituloy ang movie project na ito." ngiting sabi ni Miss Peachy.
Tumingin si Peachy kay Miss Chin na nakangiting nakatingin ito sa kanya. Nakita niyang tumango ang Ceo ng V Studio na si Miss Chin sa kanya. Nakuha na niya ang ibig sabihin nito sa kanya.
"Nasabi ko nga kay Miss Chin, iyon baka walang gustong mag-audition dahil nga sa nangyari noon. Pero sinabi ni Miss Chin, na meron at meron mag-aaudition para movie project na ito. Alam namin at kayo na sobrang tagal natin hinintay itong movie project na ito. Magigimbal na naman ang mundo ng showbiz sa mga magiging cast ng movie project na "ang init sa magdamag". pagpapatuloy na sabi ni Peachy.
Ayaw na sagutin ni Peachy ang huling sinabi ni Tita Rose, tungkol kina Celix at Herald. Nananahimik na ang dalawa sa kanya-kanyang sariling buhay. Inaasahan na niya na mauungkat ang mga issue noon kaya ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya na umiwas na sagutin ang mga issue noon.
Inilagay na ni Peachy ang hawak niyang mircrophone sa ibabaw ng lamesa. Isang hingang malalim ang ginawa niya. Masyadong nakaka-tense ang unang tanong ni Tita Rose.
"Tita Rose, hindi mo ba naramdaman na uminit ang buong venue dahil sa mga sinabi mo. My god! Tita Rose, wala ka pa rin kakupas-kupas. Anyway tungkol sa tanong mo. Bukas na bukas din ay magkakaroon na kami ng audition dito sa 3rd floor ng V Studio. Hanapin niyo lang si Miss Peachy. 'Yung karakter ni Amadeus Del Rosario, ay meron na kami napipisil na gumanap." ngiting sabi ni Miss Chin.
Naloloka si Miss Chin sa mga sinabi ni Tita Rose sa unang tanong nito. Sigurado siya sa susunod na tanong nito ay lalong mainit at kontrobersyal.
"Kilala niyo naman ako Miss Chin. Teka lang bat hindi kayo nag-comment sa huling sinabi ko tungkol kina Celix at Herald?" mataray na sabi ni Tita Rose.
Natural na kay Tita Rose ang magtaray lalo na sa talk show niya. Ayaw na ayaw pa naman niya hindi kumpleto ang sagot ng mga artistang tinatanong niya. Alam niya kung nagsisinunggaling ang mga ito. Alam din niya kung sino ang mga totoo at mga plastic na artista sa mundo ng showbiz.
Tumingin si Tita Rose kay Peachy na matagal na niya kilala. At matagal na rin niya inaalok na mag-guest ito sa talk show niya. Ngunit lagi itong tumatanggi sa kanyang alok.
Alam naman ni Tita Rose na ang dahilan kung bakit ayaw ni Peachy na mag-guess sa kanyang show. Dahil natatakot itong maungkat ang mga nakaraang issue na kinasangkutan ng alaga nitong si Celix Lee.
"Tita Rose, nakakaloka ka. Hayaan na natin sila Celix at Herald, nananahimik na silang dalawa. Tsaka masaya na sila sa mga guwapo at makisig na asawa ng mga ito," pakiusap na sabi ni Peachy. Grace under pressure siya ngayon dahil kay Tita Rose.
"Sige pagbibigyan kita sa pakiusap mo ngayon. Ikalawang mainit na tanong ko para sa inyong tatlo. Hindi ba kayo natatakot na baka maulit ang nakaraan? Ang ibig kong sabihin baka maulit ang mga kontrobersyal noon sa movie project na ito. Baka magkaroon ng mga lihim na relasyon ang mga magiging cast ninyo sa isa't-isa. Remember history repeat itself?" ngising sabi ni Tita Rose.
Kahit na hindi na-interview ni Tita Rose sila Celix Lee at Herald Dela Rosa ay alam nga niya na nagkaroon ang dalawa ng lihim na relasyon. Nakarating sa kanya na galit na galit daw si Jace Lewis noon.
Noon pa man ay alam na ni Tita Rose na may relasyon sila Herald Dela Rosa at Jace Lewis kaya hindi na siya nagulat pa ng malaman niyang kasal na dalawa sa ibang bansa.
"Tita Rose, alam mo parang naging talk show mo ito. Nakakakaba at nakakatakot ang mga lumalabas sa bibig mo Tita Rose," ngiting sabi ni Peachy.
Kahit na nakangiti si Peachy ay sobrang kinakabahan at natatakot siya sa mga lumalabas sa bibig ni Tita Rose.
Heto na ang kinatatakutan ni Peachy na maungkat ang nakaraan. Kahit na nakausap niya ang kanyang kaibigan at kinakapatid na si Celix Lee at asawa nitong si Jix Yap tungkol sa possibleng maungkat ang mga issue nang nakaraan.
Hindi pa rin maiwasan ni Peachy na kabahan at matakot tuwing haharap siya sa press lalo na kay Tita Rose. Mukhang nagsisisi na yata siyang inimbita niya ito. Kapag hindi naman niya ito inimbita ay sigurado siyang titirahin sila nito sa sarili niyong show.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Siguradi na ba kayo ni Miss Chin na gagawa kayo ng gay movie project?" kunot noo tanong ni Celix.
Natutuwa si Celix dahil nakarating ang kanyang kaibigan na kinakapatid niyang si Peachy Sy sa kanyang bahay sa bayan ng Prado.
Sa pagsusumikap ni Celix ay nakapagpatayo siya ng sariling bahay na pangarap lang niya noon. Nagsumikap siya na magtrabaho bilang artista na kahiy araw-araw ay may nakakabit na intriga sa kanyang pangalan.
Pagkatapos gawin ni Celix ang "the jail love story" ay sunod-sunod na dumating ang mga projects sa kanya. Sunod-sunod din ang mga kontrobersyal sa kanyang pangalan.
Bawat kilos ni Celix ay nakatutok ang mga tao sa kanya. Maling kilos niya ay ginagawang ng kontrobersiya. Sa pagtratrabaho niya bilang artista ay masasabi niyang masaya pero kalakip ng kasikatan ay sobra-sobra siyang nasasaktan sa mga sinasabi ng mga tao sa kanya.
Hindi magagawa ni Celix na bumangon araw-araw para magtrabaho kung wala ang kanyang Ate Peachy. Sobrang-sobra siyang nagpapasalamat sa kanyang Ate Peachy dahil tinutulungan siya nito araw-araw. Araw-araw na sinasabihan siya nito na kaya niya, kaya niya lahat ng mga ingrita binabato sa kanyang pangalan.
Napaiglad na lang si Celix ng maramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat. At isang nakakakiliting halik ang naramdaman niya sa kanyang leeg.
Amoy na amoy ni Celix Lee ang familiar na mabangong amoy ng dolce and gabbana light blue. Napalingon siya sa kanyang likuran at nakita niya ang isang makisig at guwapong lalaking nakangisi nakatingin sa kanya.
"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyo? Hindi mo man lang ako napansin na lumapit sa'yo," ngiting sabi ni Direk Jix Yap. Ang asawang direktor ni Celix Lee.
Kakauwi lang ni Direk Jix sa trabaho niya. May dinidirek siyang teleserye ngayon sa GTV station. Kahit na pagod na pagod siya ay gumagawa pa rin siya ng paraan para maka-bonding niya ang kanyang asawa.
Kapareho ni Direk Jix ay busy din ang kanyang asawang si Celix sa trabaho nito bilang international model. Natuwa siya ng magdesisyon ang kanyang asawa na magfo-focus ito sa pagiging model.
Nakita ni Direk Jix kung gaano nasasaktan ang kanyang asawa noon sa mga binabatong intriga sa pangalan nito. Hindi rin niya maiwasan na masaktan dahil mahal na mahal niya ito.
Hindi rin nakaligtas si Direk Jix sa mga kontrobersyal kinasasangkutan ni Celix. Nadadamay siya sa mga issue ng kanyang asawa. Ang isa sa masakit na issue na binato sa kanyang pangalan ay manggagamit daw siya. Ginamit daw niya si Celix para sumikat at magkaroon ng maraming movie project.
Sa una ay natatawa na lang si Direk Jix sa napanuod niyang balita sa telebisyon tungkol sa kanya. Pero habang lumilipas ang mga araw ay lumalala ang intriga tungkol sa kanya.
Hindi maiwasan ni Direk Jix na ma-stress at masaktan. Pero tinulungan siya ng kanyang asawa na si Celix.
"Hindi naman seryosos. Pinag-uusapan namin ang ikalawang gay movie project ng V Studio," ngiting sabi ni Peachy.
Umupo na muna si Peachy sa sofa sa may sala. Sumunod naman sila Celix at Direk Jix sa kanya. Natawa na lang siya sa kanyang sarili dahil para siya ang may-ari nitong bahay.
Sobrang masaya at proud na proud si Peachy sa kanyang kinakapatid na si Celix Lee. Dahil sa tinatamasa nitong tagumpay sa karera nito.
Nagpapasalamat din si Peachy na nag-focus si Celix sa pagmomodelo nito. Noong nagkaroon ng offer si Celix ng pagmomodel sa ibang bansa ay sinabihan na niya itong mag-focus sa modelling. Dahil ayaw na niya makita itong nasasaktan sa mga kontrobersiya na binabato sa pangalan nito.
"Wow! Really? Itutuloy niyo talaga ang balak ninyo ni Miss Chin?" ngiting tanong ni Direk Jix.
"100% sure na sure. Anyway kaya nandito ako para makausap si Celix at mabuti na rin na nandito ka Direk Jix," seryosong sabi ni Peachy.
"Anong kadramahan 'yan Ate Peachy? May pa seryosos ka pang reaksyon?" ngising sabi ni Celix.
Katabi ni Celix na nakaupo ang kanyang guwapo at makisig na asawang si Direk Jix. Hawak-hawak nito ang kanyang kanang kamay na lagi nitong ginagawa kapag magkasama silang dalawa.
"Seryoso ako Celix, kaya wag kang basag trip. Anywa highway so itutuloy nga namin ang plano nila Miss Chin. Siguradong mauungkat ang mga kontrobersiya ng nakaraan. Nandito ako para itanong na okey lang ba sa inyo na makaladkad ang mga pangalan ninyo?" seryosong tanong ni Peachy.
Nakita ni Peachy na nagkatinginan sila Celix at Direk Jix. Hindi niya maiwasan na mag-alala habang nakatingin siya sa dalawang guwapo at makikisig na lalaking kasama niya ngayon.
Kita ni Peachy ang pag-aalala sa mga guwapong mukha nila Celix at Direk Jix. Isang pilit na ngiti ang naipakita niya sa kanyang kapatid at sa asawa nito.