The Wildest Dream
Chapter 5
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Alam mo Ate Peachy, bago ka pa dumating dito at sabihin sa amin iyan ay pinag-usapan na namin ni Celix, ang tungkol dyan," ngiting sabi ni Direk Jix.
Niyakap ni Direk Jix nula sa likuran ang kanyang guwapong asawa na si Celix Lee. Ipinatong niya ang kanyang baba sa kanang balikat nito at nakangiti siyang nakatingin sa magandang dilag na nasa harapan nila.
Noon pa man ay pinag-uusapan na ni Direk Jix at ni Celix ang possibleng maungkat ang mga issue noon. Dahil na rin may plano ang V Studio na gumawa ng pangalawang gay movie pagkatapos ng limang taon.
Sa una ay nag-aalala si Direk Jix hindi sa kanyang sarili kundi sa kanyang guwapong asawa na si Celix. Baka maapektuhan na naman ito sa mga lumang issue. Pero sinigurado ng kanyang asawa na hindi ito papaapekto sa mga issue noon na possibleng maungkat.
"Tama si Jix, Ate Peachy. Matagal na namin pinag-uusapan iyan. Wag kang mag-alala okey lang sa akin at sa aking asawa na mangyari iyon. Alam naman natin ang mundo showbiz 'di ba?" ngising sabi ni Celix.
"Kung ganun pala ay sobrang salamat dahil napag-usapan niyo na pala ang tungkol doon. Jusko! Akala ko magiging madrama ang usapan natin ito?" natatawang sabi ni Peachy.
"Akala mo mag-iiyakan na naman tulad ng dati? No more cry na," ngising sabi ni Celix.
Noon ay sobrang iyak ang ginagawa ni Celix sa araw-araw dahil sa maraming issue na binabato sa kanya. Tulad na lang na siya ang naginh third party sa relasyon nila Herald Dela Rosa at Jace Lewis. Sa totoo lang ay totoo naman.
Ang pinagtataka lang ni Celix ay paano nalaman ng mga press people ang nangyayari sa kanilang tatlo nila Jace at Herald? Masyado talagang matinik ang mga showviz insider. Kahit na pinakatago-tago na ang nangyayari ay nalalaman pa rin ng mga ito.
"Sige na alis na ako. Balik ako ulit para makipagchika minute ako sa inyo. Kailangan ko na rin umalis dahil hinihintay na ako ng asawa konh si Daniel. Babus!" masayang sabi ni Peachy.
Tumayo si Peachy sa pagkakaupo at nilapitan niya ang dalawang sweet na sweet na guwapong lalaki. Nakipagbeso-beso siya sa mga ito at tuluyan na siyang lumabas ng bahay ng kanyang kapatid.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Kilala niyo naman ako mga anak. Hindi ako plastik na tao hindi tulad ng ibang mga artista. Paano sagutin niyo na ang tanong ko," mataray na sabi ni Tita Rose.
Hindi papalagpasin ni Tita Rose ang pagkakataon nito para malaman kahit papaano ang mga kontrobersyal ng mga cast ng "the jail love story"
"Tita Rose, nakaka-pressure ang tanong mo. Anyway, professional naman ang mga artistang kinukuha namin. Kung magkaroon man ng mga ganun bagay ay labas na kami dahil personal na buhay na ang pinag-uusapan natin," ngiting sabi ni Peachy.
Ipinatong agad ni Peachy ang micropohone sa ibabaw ng lamesa at kumuha siya ng issue para punasan ang namumuong pawis sa kanyang noo. Wala na siyang pakialam kung maalis ang make up niya dahil sobrang tense na tense na siya. Masyadong mainit ang mga tanong ni Tita Rose. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya pumapayag na mag-guest sa talk show nito.
"Kung nabasa ninyo ang storya na "ang init sa magdamag" sobrang mainit talaga ang mga eksena sa kuwento. Kung mayroon mang manyaring ganun bagay ay wala na kami pakialam doon. Buhay na nila iyon. Ang importante lang sa amin ay maging professional ang mga ito," ngising pagsagot ni Kiel.
Totoo ang sinabi ni Kiel. Wala siyang pakialam kung magkaroon man lang lihim na relasyon ang mga cast ng movie project na ito. Ang mahalaga sa kanila ay matapos ng maayos ang project na walang magiging aberya.
Alam ni Kiel na sa panahon na ito ay masasabi niyang maraming mga professional na artist kahit na mga baguhan pa ang mga ito. Kasi kung hindi professional artista ang mga kukuhanin nila ay sila rin naman ang mahihirapan.
Napatingin si Kiel sa likuran ni Tita Rose kung saan nakaupo si Jake Bamba. Nakangiting nakatingin sa kanya ito. Isang ngisi at kindat ang tinugon niya sa guwapong at inosenteng lalaki.
"Kiel, ano bang tinitignan mo sa likuran ko?" inis na sabi ni Tita Rose.
Alam ni Tita Rose kung sino ang tinitignan ni Kiel Santos. Kilala niya si Jake Bamba ang guwapong editor ng EQ Magazine. Hindi naman niya masisisi si Kiel kung maagaw ang pansin nito sa guwapong binata.
"Tita Rose, wala akong tinitignan. Tsaka hindi ako ang guest mo ngayon. Kaya tuloy natin ang naudlot na sagutan," pilit na ngiti ang lumitaw sa guwapong mukha ni Kiel.
Lagot na naman si Kiel sa kanyang asawa. Kapag nakarating ito kay Jerome siguradong pagsasabihan na naman siya nito. Open naman silang dalawa kung may kalandian silang ibang lalaki.
Hindi alam ni Kiel kung ano ba ang mas okey na tawag sa relasyon nilang mag-asawa na okey lang makipag-s*x silang dalawa sa ibang lalaki. Basta ang mangyayari ay thressome bawal magsolo o maglihim sa isa't-isa. Alam niyang magulo o hindi maintindihan ng ibang tao ang relasyon nilang mag-asawa. Pero isa lang ang masasabi niya sa relasyon nila ni Jerome ay enjoy lang.
"Lagot ka kay Tita Rose, kalandian kasi," ngising tukso ni Peachy.
Mahina lang ang pagkakasabi ni Peachy baka kasi marinig ng mga press people. Malaking issue na naman ito. Alam niya na alam ni Tita Rose kung sino ang tinitignan ni Kiel. Alam din niya na inaasar nito ang kanyang kaibigan na si Kiel Santos.
"Tita Rose, tungkol sa tanong mo ay tama ang mga sinabi ng mga kasama ko. All we need is professionalism sa trabaho. Wala kaming pakialam kung magkaroon ng lihim na relasyon ang mga cast ng "ang init sa magdamag". Alam niyo naman ang mundo ng showbiz. Maliit lang ito kaya hindi na nakakapagtaka kung mayroon man ganun bagay na mangyari," ngiting sabi ni Miss Chin.
Nagsalita na agad si Miss Chin para makuha niya ang atensyon ng mga press people lalo na si Tita Rose. Dahil na rin sa pakikipaglandian ni Kiel ay baka mauton ang atensyon ng mga ito kay Kiel.
Napangiti si Miss Chin dahil ngimiting tumingin si Kiel sa kanyang at nagpasalamat ito. Nagpigil na lang siya na matawa baka akalain ng mga tao ay kung ano ang nangyayari sa kanya.
Isang mahinang hampas ang ibinigay ni Miss Chin kay Kiel sa braso nito at sinabihan niya ito na mamaya na ang kalandian nito. Napatawa na lang silang tatlo sa sinabi niya.
"Good answer sa inyong tatlo. And very-very safe answer. Nasabi ninyo na meron na kayong napipisil na gumanap sa karakter ni Amadeus Del Rosario na lead role sa movie projectna ito. Puwede ba kayo magbigay ng isang hint kung sino iyon?" ngiting sabi ni Tita Rose.
May mga idea si Tita Rose kung sino ang gaganap sa karakter ni Amadeus Del Rosario. Sa totoo lang ay maraming puwedeng gumanap sa karekater nito. Hindi na siya makapaghintay malaman kung sino ang gaganap sa karakter na iyon.
"Hmm… Tall, dark and handsome. Dahil iyon naman ang karakter talaga ni Amadeus Del Rosario," ngising pagsagot ni Kiel.
"Kilala ko ba siya?" ngiting tanong agad ni Tita Rose.
"Tama na iyon Tita Rose," ngiting sabi ni Peachy.
Kapag nagsabi pa ng hint sila Peachy ay siguradong malalaman na ni Tita Rose kung sino anh tinutukoy nila.
Habang binabasa ni Peachy ang kuwentong "ang init sa magdamag" isa lang agad ang pumasok na pangalan sa kanyang isip na gaganap sa karakter ni Amadeus Del Rosario.
Sa ngayon ay hindi pa nakakausap ni Peachy ang taong iyon at hindi pa nito alam na ito ang gaganap sa karakter ni Amadeus Del Rosario.
"Ang karakter kasi ni Amadeus Del Rosario, ay isa siyang makisig, guwapo at umaapaw ang s*x appeal nito. Kung nabasa o babasahin ninyo ang kuwentong "ang init sa magdamag" si Amadeus Del Rosario ay mapagmahal na asawa at ama. Ngunit nagbago ang lahat ng mamatay ang asawa at anak nito sa isang aksidente roon na magbabago ang takbo ng buhay nito," ngiting sabi ni Kiel.
Habang sinusulat ni Kiel ang kuwento ng "ang init sa magdamag" ay sobra siyang nag-enjoy sa pagsusulat. Talagang kinakailangan pa talaga niyang makipag-threesome sa isang pamilyadong tao.
"Magugulat na lang kayong lahat kung sino ang gaganap na Amadeus Del Rosario," siguradong sabi ni Miss Chin.
"Meron na pumapasok sa isip ko kung sino ang gaganap bilang Amadeus Del Rosario. Pero syempre bawal pa sabihin 'di ba?" ngiting sabi ni Tita Rose.
Tatawag na sana ng iba pang report ang coordinator ng press con na ito ng biglang pinigilan ito ni Tita Rose. Sinabi nito na hindi pa siya tapos na magtanong at wala siyang pakialam kung tatlong tanong lang ang puwedeng itanong.
Walang nagawa ang mga coordinator ng press con pati na rin sila Miss Peachy, Kiel at Miss Chin. Natawa na lang ang mga tao sa loob ng venue. Hindi na rin sila nagtaka kung ganun ang inasta ni Tita Rose dahil ugali talaga nitong unlimited ang mga tanong nito sa mga artist. Lalo na sa talk show nito na laging over time at nakukuha ang time slot ng kasunod na programa.
"Magkakaroon ba ng cameo role ang mga dating gumanap sa "jail love story" sa movie project na ito?" ngiting tanong ni Tita Rose.
"Hindi pa namin napag-uusapan ang ganyan bagay Tita Rose. Ngayon natanong mo iyan para sa akin ay ayaw ko magkaroon ng cameo role sila Celix, Herald o si Jace sa movie project na ito. Gusto namin kasi na mag-focus ang mga tao sa mga artist na gaganap sa mga karakter sa kuwentong "ang init sa magdamag". sagot ni Peachy.
Hindi pa talaga napag-uusapan ni Peachy at V Studio ang ganung bagay. Tsaka wala silang planong gawin iyon. Hindi dahil natatakot o nag-aalala sila na baka masapawan ang mga main karakter ng project. Kundi baka tuluyan maungkat ang mga past issue.
"Ako personally wala akong planong ganun Tita Rose. Kung magkakaroon man ay hindi ko papayagan. Hahaha!" natatawang sabi ni Kiel.
Ayaw ni Kiel na masira ang kuwento na isinulat niya. Gusto niyang maging malinis at pulido ang bawat eksena sa movie project na ito. Kaya nga kinuba nilang direktor ay si Direk Frank.
"Bakit wala pala rito si Direk Frank Torales?" mataray na tanong ni Tita Rose.
"Tita Rose, sinadya talaga namin na wala siya dahil para mabaliw kayo sa haginapin ang taon iyon. Joke lang! As of now tinatapos nito ang movie project nito. Para makapag-focus ito sa "ang init sa magdamag" gay movie project," ngiting pagsagot ni Miss Peachy.
Isasama sana ni Peachy si Direk Frank ngayon ngunit hindi ito available. Sa susunod na press con na lang nila ito isasama kasama ang na ang kumpletomg cast ng "ang init sa magdamag".
"Bakit si Direk Frank, ang napili ninyong direktor? Alam natin lahat na horror movies ang forte nito. Ang layo sa gagawi nito ngayon na gay movie," kunot noo sabi ni Tita Rose.
"Pulido at malinis kumuha ng eksena si Direk Frank. Kitang-kita naman natin iyon sa mga pelikula nito. Iyon ang kailangan namin at lalo na ako para maging maganda ang kalalabasan ng mga eksena. Lalo na kapag mga maiinit na eksena na," ngiting pagsagot ni Kiel.
Nagkaroon ng pagkakataon si Kiel na makausap si Direk Frank Torales. Nagpapasalamat siya sa kanyang kaibigan na si Peachy dahil ito ang gumawa ng paraan para makapag-usap sila ni Direk Frank.
Napangisi na lang si Kiel nang maalala niya ang mga pinag-usapan at mga ginawa nila ni Direk Frank kasama ang kanyang asawa na si Jerome Garcia.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Salamat sa pagpunta Direk Frank, bahay namin ni Jerome," ngiting sabi ni Kiel.
Nilapitan at nakipagkamay si Kiel sa makisig at guwapong direktor na si Direk Frank. Tama nga ang sinasabi ng kanyang kaibigan na si Peachy. Hindi niya akalain na sobrang guwapo at kisig nito sa personal. Nandito sila ngayon sa labas ng bahay dahil sinalubong niya ito.
"Ang layo pala ng bahay ninyo. Akala ko nga naliligaw na ako. Tinawagan ko nga si Miss Peachy, tinanong ko siya kung tama ba direksyon na sinabi nito papunta sa bahay ninyo," ngiting sabi ni Direk Frank.
Ito ang unang beses na nakita ni Direk Frank ng personal ang sikat na writer na si Kiel Santos. Kasama nito ang asawa nitong si Jerome Garcia na ang pagkakaalam niya ay isa itong modelo.
Habang tinitignan at nasa harapan ni Direk Frank ang guwapo at makikisig na mag-asawang sila Celix at Jerome ay nakakaramdam siya ng familiar na init na naglalakbay sa buong katawan niya. Pero agad niyang binalewala ito. Baka nadala lang siya sa kanyang binasang kuwento na sinulat ni Kiel na susunod na movie project niya.
"Ito kasi ang trip ng asawa ko. Gusto nito na malayo sa maraming tao at para na rin makapag-concentrate siya sa pagsusulat. Welcome sa munting bahay namin," ngiting sabi ni Jerome.
Nakipagkamay si Jerome sa makisig na direktor na si Direk Frank. Sa pakikipagkamay niya sa makisig na direktor ay agad niyang naramdaman ang kakaibang init na dumaloy sa kanyang kamay hanggang sa buong katawan niya.
Kitang-kita ni Jerome na naramdaman ni Direk Frank ang naramdaman niyang kakaibang init na dumaloy sa kanyang katawan. Inaya na nila na pumasok ang makisig na direktor.
"Salamat sa pag-imbita sa akin. Sobrang ganda ng bahay ninyo. Ang daming mga puno at halaman. Pati mga bulaklak ay sobrang gaganda. Napaka-homey ng feeling," ngiting sabi ni Direk Frank.
Habang papasok si Direk Frank sa napakagandang bahay nila Kiel at Jerome ay kinukuwento ng mag-asawa kung bakit ganito ang design ng bahay ng mga ito.
Sa labas pa lang ng bahay ay kitang-kita ni Direk Frank na maraming mga punong nakapaligid sa bahay nila Kiel At Jerome. Parang nasa gitna ito ng gubat. Ang mismong bahay naman ay maraming mga nakalibot na mga iba't-ibang uri ng mga bulaklak na lalo nagpaganda sa bahay. Simple pero napaka-homey ang dating para sa kanya ang bahay nila Kiel at Jerome.
Naghihinayang lang si Direk Frank dahil hindi niya sinama ang kanyang asawang si Sandra Gil Torales. Dahil sinabihan siya ni Miss Peachy Sy na siya lang dapat ang pumunta sa bahay nila Kiel at Jerome. Gustong-gusto pa naman makita at makilala ng kanyang asawa si Kiel Santos.
Lalong nagandahan si Direk Frank sa loob ng bahat. Para gusto nga niya tumira rito. Pumunta sila sa garden area kung saan napakapresko at medyo malamig ang simoy ng hangin dahil na rin makulimlim ang kalangitan.
"Grabe ang ganda ng bahay ninyo. Hindi siya iyong tipikal na bahay ng mga sikat at mayayaman na tao. Tama ba na old house design itong bahay ninyo? Wala kasi akong alam sa mga ganun bagay," ngiting sabi ni Direk Frank.
Napakamot na lang si Direk Frank sa kanyang sinabi. Ayaw naman kasi niya magmarunong sa mga ganun bagay dahil wala naman siya masyadong alam sa mga ganun bagay.
"Tama ka Direk Frank, modern wooden house design ang bahay namin," ngiting pagsagot ni Kiel.
Nagpaalam na muna ang kanyang asawa na si Jerome na kukunin lang ang inihanda nilang pagkain para kay Direk Frank.
Inaya ni Kiel na umupo ang makisig na direktor na si Direk Frank. Kinamusta na muna niya ito bago siya pumunta sa talaga pag-uusap nilang dalawa tungkol sa movie project na gagawin nito.
"Balita ko ay bagong kasal ka. Congrats sa'yo pati na rin sa asawa mong si Sandra Gil," ngiting sabi ni Kiel.
"Thank you sa wakas ay naikasal ako sa babaeng mahal ko at mahal ako. Hahaha!" masayang sabi ni Direk Frank.
"Alam kong nagtataka ka kung bakit kita pinapunta sa bahay ko. Gusto kong makausap ka tungkol sa gagawin nating project sa V Studio. Una sa lahat ay congrats ulit dahil ikaw ang napili namin na magdirek sa movie project na ito," ngiting sabi ni Kiel.
Dumating na rin si Jerome na dala-dala nito ang pagkain na inihanda nila para kay Direk Frank. Classic tuna carbonara at classic dark chocolate cake na inorder nila sa Rald's Box Café. Nagluto rin sila ng ulam para mamayang lunch and dinner. Dahil siguradong mahaba-habang usapan ang mangyayari ngayon kasama ang makisig na direktor.
"Thank you again. Salamat dahil ako ang napili ninyo na magdirek sa movie project na ito. Sa totoo lang napaka-challenging para sa akin ang movie project na ito. Sobrang layo sa genre ko na horror," ngiting sabi ni Direk Frank.
Sobrang saya lang talaga ni Direk Frank na malaman na siya ang napili ng V Studio na magdidirek sa gay movie project na ito. Next big step ang gagawin niya.
Pagkatapos nga makausap ni Direk Frank si Miss Peachy noong nakaraang linggo masaya siyang umuwi sa bahay nila ni Sandra na asawa niya. Ibinalita agad niya ang magandang balita at sobrang tuwang-tuwa ang kanyang asawa sa binalita niya.
"Salamat din na tinanggap mo ang offer na ito. Sa totoo lang ay medyo kinabahan at nag-alala kami na baka tanggihan mo ang offer," masayang sabi ni Kiel.
Nag-alala si Kiel na baka tanggihan ni Direk Frank ang offer dahil na rin straight ito at horror movies ang ginagawa nito. Nagpapasalamat talaga siya na nakumbinsi ni Peachy itong makisig na direktor na nasa harapan nila ngayon ni Jerome na asawa niya.
Katabi ni Kiel sa upuan ang guwapo nitong asawa na si Jerome. Tinanong niya kung okey lang ba na nandito sa kanyang tabi ang kanyang asawa na si Jerome.
"Okey lang sa akin," agad na sagot ni Direk Frank.
Nagsimula na silang kumain. Habang nag-uusap sila tungkol sa movie project. Nalaman niya na personal choice pala siya ni Kiel at sobrang nakakataba ng puso iyon para sa kanya.
"Tanong ko lang Direk Frank. Bakit mo tinanggap ang offee na ito?" usisa ni Jerome.
"Gusto ko mag-grow bilang direktor. Sa pag-uusap namin ni Miss Peachy na na-realize ko na nasa loob ng ako ng shell. Gusto ko umalis sa comfort zone ko at dumating na nga ang pinakahinihintay ko," ngiting sagot ni Direk Frank.
"Nabasa mo na ba ang kuwento? Ano masasabi mo sa kuwentong "ang init sa magdamag"?" tanong ni Kiel.