"Magkakaroon kayo ng bakasyon this weekends."
Today was Friday at hapon na. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mapapairap sa narinig na balita. Sa bagay dapat matuwa ako dahil makakapagrelax ako. Pero hindi, e! Kapag nasa bahay ako, wala akong magawa doon. Kung lalabas naman ako, lagi akong napapasabak sa gulo. Sermon ang isasalubong nila sa 'kin.
"You will going to make clean this room, first, before you leave. Make sure na malinis na malinis na talaga bago kayo maghiwa-hiwalay." Banta niya. Binantayan niya kami habang naglilinis.
'Yong iba nagpupunas, nagma mop ng sahig, inaayos ang upuan at may naglilipat ng basura sa malaking basurahan doon sa labas ng hallway.
Nang masiguradong malinis na talaga saka kami pinayagan nang makauwi. Tahimik lang kami naglalakad ng mga kasamahan ko nang basagin ni Yena ang katahimikan.
"So, saan kayo magbabakasyon? Ako sa States, gusto daw kasi nila doon." Pagmamayabang niya.
Sinabi nila kung saan sila magbabakasyon at ako nagkibit balikat na lang, hindi sigurado kung saan. "I don't know."
Palabas na kami at natigil lang sa paglalakad nang makasalubong namin ang apat. Tinignan ko lang sila isa-isa at nang dumapo ang tingin ko sa leader nila, nairolyo ko ang mata ko. Ngumisi lang siya sa akin.
"Hi, sweetie!" Malanding tawag ni Ced. Kumindat pa siya kay Shanny na ikinainis niya.
"Sweetie my ass, ew!" Lumayo siya nang sinubukan siyang lapitan. "Doon ka nga. 'Wag kang lumapit sa 'kin,"
Nakita kong ngumuso siya. "Bakit naman?" Nandidiring tinignan lang siya at hindi sinagot.
"Hindi ka kasi gwapo kaya 'wag ka daw makalapit lapit sa kanya. Mabaho ka rin daw." Sabat ni Karlyn. Sumingit sa usapan at binara siya ni Arcel.
"Ikaw ba tinatanong?"
Mukha namang nainis si Karlyn, ayaw niya kasing may sumisingit sa usapan. "Huwag kang makialam, hindi ikaw ang kausap." Nagsimula na silang magsumbatan.
Napunta ang tingin ko kay Yena nang humihingi siya ng kinakain ni Vins, lumapit siya at sinubukan kumuha.
"Pahingi!" Hindi siya pinansin at inubos ang kinakain. Napasimangot tuloy si Yena. Patay gutom talaga.
Narinig kong nag vibrate ang phone ko, hudyat na may nagtext. Si Uncle, sinabi lang na ipapakilala niya ako sa mapapangasawa ko kuno.
From: Uncle Ezekiel
Be ready young lady. 6:30pm, in Filipino-Italian Restaurant. Ngayon kita ipapakilala sa soon-to-be husband mo. Wear formal dress. Remember, you're a girl, so act like one!
I immediately replied 'okay' kahit labag sa kalooban ko. Tinago ko na ang phone ko at hinarap sila.
"May I excuse? If you don't mind, I have to go. Bye." Nauna na 'kong naglakad paalis, sanay na silang iniiwan ko sila.
"Umuwi na sila mom and dad?"
Una ko silang hinanap pagkarating sa bahay. Pero parang wala na naman sila, siguro maraming inaasikaso sa kompanya. Nakakasama ko nga sila minsan kaya lang parang wala sila sa tabi ko. Paano, kasama ko nga hindi ko naman ramdam na nasa tabi ko.
"Hindi pa po ma'am," sabi ni Manang Fe. Nginitian ko lang siya nang tipid at umakyat na papunta sa kwarto.
Pabagsak akong napahiga sa kama ko, magpapahinga nang kaunti. Napatingin ako sa orasan. Malapit nang mag 6pm. Agad akong pumasok ng banyo. Hinubad ko ang damit ko at binuksan na ang shower.
Nagsuot lang ako ng short sleeve casual blue dress and paired with a peach sandals. Sinuot ko rin ang gold bracelet. Kinulot ko ang dulo ng mahaba kong buhok at naglagay ng pulbo sa mukha. Nagpabango na rin ako, para hindi ako sabihan ng mabaho. Ay, joke. Kahit hindi ako gumamit ng pabango, mabango pa din ako 'no.
"Kainis na traffic, 'to!"
Nagmamadali ako tapos naabutan ako ng traffic. s**t! Male-late na 'ko. Kailangan kong gawan ng paraan para makarating agad doon. Nakakahiya kaya, baka sabihan pa 'kong pa-VIP ako. Nang maging green lights na mabilis akong nagmaneho. Inayos ko ang damit ko nang makarating sa sinasabing restaurant. Sinilip ko kung ano nang oras, napamura ako sa isip.
"Sorry I'm late." Naguusap sila nang maagaw ko ang atensyon nilang dalawa maliban sa taong nakatalikod sa 'kin, hindi man lang naisipan humarap. Bastos! Sabagay, wala akong pakialam.
Fuck, sa wakas! Lumingon na din 'yung lalaki. Buti naisipan niyang lumingon pa, ano? Akala ko forever na siyang walang balak lumingon. Nanlaki mata niya nang makita ako. What's wrong with him? Do I look like a ghost? Isinawalang bahala ko na lang 'yon.
"Nah, it's okay. Kararating lang din namin," They both laugh a little bit. Ang lalaki naman, mukhang baliw. May patango tango na nalalaman. Umupo ako sa tabi niya.
"Oh, I haven't introduced my son yet. He's Jace Reniel Domingo. And son, she is Lizelle Aily Valencia, your soon-to-be wife," Tita said. Ngumiti lamang ang lalaki.
"Uhm, you po? I forgot to ask. What's your name po?" She chuckles at my question.
"Elizabeth Ariel. Tita Ethel will do." Nakangiti pa rin siya. Tumahimik na 'ko noong pagkasagot niya.
Dumating na ang pagkain. Um-order na siguro sila pagkarating. While eating, they're talking about our wedding. Minsan tinatanong ako o ang anak niya. After we ate, they decided na samahan ako ni Jace at gawin ang gustong gawin.
Kinausap ko saglit si Uncle about dito. Baka my parents didn't know. I excused ourselves to Tita Ethel. She nodded naman.
"Alam na ba nila tungkol dito?" Noong una nagtaka pa siya but I explained to him what I was asking.
"Yeah, they know already." Nagpaalam na 'ko sa kanya at binalikan ang magiging asawa ko. Yuck! Kadiri, ayaw ko talaga desisyon nila sa 'kin sa buhay.
Nauna na silang umalis sa 'min, dalawa na lang kami ngayon. Wala yatang balak magsalita 'tong isang 'to. Gaya gaya. Char.
"So..." Sabay kaming napatingin sa isa't isa. Nagkamot siya ng batok niya at bahagyang napayuko.
"Anong plano?" Nangunot 'yung noo niya, halatang naguguluhan siya at walang alam. "You don't want too get married, do you?"
"How did you know?" I just smirked. I wanted to tease him.
"May babae kang mahal. But napilitan ka lang dahil sa Mommy mo." Nabigla siya sa sinabi ko. "Well, ako ayaw ko naman talaga. We're same. Napilitan rin ako gaya mo."
"Teka nga, are you stalker of mine?" Tanong niya at nagtaas baba ng kilay. Kumontra agad ako.
"Hell no!" Nandidiri ko siyang nilayuan, tumawa lamang siya sa naging itsura ko.
"I'm just kidding, haha." Hindi ko 'yon pinansin at nagtanong na lang. Pinagusapan namin ang plano para hindi maituloy ang kasal kahit arrange pa 'yan.
"Hope maging successful plano natin-" I cut him off. Scam 'to.
"Nah. Uh. Ako kaya nagisip ng plano. Ikaw lang nagprisinta na ikaw gagawa." Sabi ko sabay irap sa kanya.
Tinawanan lang ako at tinaas ang dalawang kamay, na waring suko na. Dapat lang, aba. Feeling close 'to, porket nagsama lang kami.
"You want me to drive you home?" Umiling ako.
"No. Besides I have my own car." Aalis na sana ako nang magpaalam siya at magpasalamat. Tumango lang ako at sumakay na sa kotse. Nakarating na 'ko sa bahay pero hindi pa rin ako bumababa. I received a text from Uncle Eze.
ezekielvalencia: How's your date together with your Fiancé?
lilyval: Boring.
ezekielvalencia: Bakit naman? Ano bang nangyari?
lilyval: Seriously? Gabi na. Paano namin mae-enjoy, ha?
ezekielvalencia: Hehe. Peace
Seen.
____________________________________________________________________________
:)