Kabanata 17 – Ang Krisis sa Kumpanya
Hindi naging tahimik ang natitirang araw sa mansyon ni Adrian.
Matapos ang interview nila sa media, agad na umalis si Adrian papunta sa kumpanya niya. May emergency meeting daw kasama ang board of directors.
Ngayon, mag-isa na naman si Luna sa loob ng napakalaking mansyon.
Nakaupo siya sa sala habang hawak ang tablet na iniwan ni Adrian sa mesa.
Paulit-ulit niyang binabasa ang mga balita.
“Montenegro Corporation Faces Major Leak.”
“Is Billionaire Adrian Montenegro Losing Control?”
Napabuntong-hininga siya.
Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat ng nangyayari.
Kung hindi siya pumasok sa buhay ni Adrian…
Siguro tahimik pa rin ang lahat.
“Miss Luna?”
Napalingon siya.
Nakatayo si Maria sa pintuan.
“May kailangan po ba?” tanong ni Luna.
Nag-aalalang ngumiti si Maria.
“Sir Adrian called.”
Nanlaki ang mata niya.
“Talaga po?”
“Opo. Nagtanong po siya kung kumusta kayo.”
Hindi niya napigilang mapangiti nang kaunti.
“Okay naman po ako.”
“Sinabi rin niya na baka gabihin siya.”
Tumango si Luna.
“Okay po.”
Tahimik muli ang sala matapos umalis si Maria.
Napatingin siya sa phone niya.
Gusto niyang tawagan si Adrian.
Pero alam niyang busy ito.
Kaya nagpasya siyang lumabas sandali sa garden ng mansyon.
Malamig ang hangin ng hapon habang naglalakad siya sa damuhan.
Tahimik ang paligid.
Sa unang pagkakataon buong araw—
Parang nakahinga siya nang maayos.
Hanggang sa may narinig siyang boses.
“Miss Luna?”
Napalingon siya.
May lalaking papalapit sa kanya.
Matangkad ito at nakasuot ng formal suit.
Hindi niya ito kilala.
“Opo?”
Ngumiti ang lalaki.
“Ako si Daniel Park.”
Napakunot ang noo ni Luna.
“Daniel?”
“I’m Adrian’s business partner.”
Nanlaki ang mata niya.
“Ah… hello po.”
Nakipagkamay ang lalaki.
“Nice to finally meet you.”
“Finally?”
“Oo.”
Ngumiti ito.
“Marami na akong narinig tungkol sa’yo.”
Napahiya siya nang bahagya.
“Sana po hindi puro masama.”
Napatawa si Daniel.
“Actually kabaligtaran.”
Napakunot ang noo ni Luna.
“Talaga po?”
“Oo.”
Tumayo ito sa tabi niya habang nakatingin sa garden.
“Adrian rarely defends anyone.”
Napatingin siya sa lalaki.
“Pero sa’yo… ibang-iba siya.”
Hindi siya makasagot.
Dahil kahit siya ay napansin iyon.
“Matagal ko nang kilala si Adrian,” dugtong ni Daniel.
“Pero ngayon ko lang siya nakita na ganoon.”
Napayuko si Luna.
“Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko.”
“Maybe nothing.”
Napatingin siya ulit kay Daniel.
“Maybe he just likes you.”
Biglang uminit ang pisngi niya.
“Hindi po siguro.”
Napangiti ang lalaki.
“Sure ka?”
Hindi na siya sumagot.
Tahimik silang naglakad sa garden.
Hindi niya napansin—
Na may isang kotse na kakapasok pa lang sa gate ng mansyon.
At sa loob nito—
Si Adrian.
Kakagaling lang niya sa napakahabang meeting sa kumpanya.
Pagbaba niya ng kotse, nakita niya ang dalawang taong naglalakad sa garden.
Si Luna.
At isang lalaki.
Napakunot ang noo niya.
“Sir Adrian,” sabi ng driver.
“Okay lang po ba kayo?”
Tahimik lang siya.
Habang pinapanood sina Luna at Daniel.
Napansin niya na tumatawa si Luna.
At parang komportable ito sa kausap.
May kakaibang pakiramdam na sumiksik sa dibdib ni Adrian.
Isang pakiramdam na hindi niya inaasahan.
Selos.
Hindi niya gusto ang nararamdaman niya.
Pero hindi rin niya ito mapigilan.
Lumakad siya papunta sa garden.
Hindi napansin nina Luna at Daniel ang paglapit niya.
Hanggang sa magsalita siya.
“Daniel.”
Nagulat ang dalawa.
Napalingon sila.
“Adrian!” sabi ni Daniel.
“Hindi ko alam na nakauwi ka na.”
Malamig ang ekspresyon ni Adrian.
“I see you’ve met Luna.”
Tumango si Daniel.
“Oo. She’s nice.”
Napatingin si Luna kay Adrian.
“Adrian… kakauwi mo lang?”
“Yes.”
Hindi niya mabasa ang tono ng boses nito.
“Ah… si Daniel po pala ang business partner ninyo.”
“I know.”
Tahimik ang hangin sa pagitan nila.
Napansin iyon ni Daniel.
Kaya ngumiti ito nang bahagya.
“Well, I should leave you two.”
Tumango si Adrian.
“Good idea.”
Napatingin si Luna kay Daniel.
“Nice meeting you.”
“Same here.”
Pagkatapos ay umalis na si Daniel.
Naiwan sina Adrian at Luna sa garden.
Tahimik sila sandali.
Hanggang sa nagsalita si Luna.
“Kamusta po ang meeting ninyo?”
“Stressful.”
“May problema pa rin po ba sa company?”
Tumango si Adrian.
“Someone inside the company leaked the files.”
Nanlaki ang mata ni Luna.
“Ibig sabihin… may traydor?”
“Yes.”
Tahimik sandali si Luna.
“Makikita ninyo rin po kung sino iyon.”
“Eventually.”
Napansin ni Luna ang kakaibang tensyon sa boses ng lalaki.
“Adrian…”
“Yes?”
“Galit po ba kayo?”
“Why would I be?”
Napaisip siya sandali.
“Parang… hindi kayo masaya na kausap ko si Daniel.”
Tahimik ang garden.
Napatingin si Adrian sa kanya.
Diretso sa mga mata niya.
Pagkatapos ay sinabi nito ang isang bagay na hindi niya inaasahan.
“I don’t like other men getting close to you.”
Nanlaki ang mata ni Luna.
“Bakit po?”
Huminto sandali si Adrian.
Parang iniisip kung ano ang isasagot.
Pero sa pagkakataong ito
Hindi siya umatras.
“Because you’re mine.”
Parang tumigil ang t***k ng puso ni Luna.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.
Dahil malinaw sa boses ng lalaki
Hindi iyon bahagi ng kontrata.