Prologue
"Please, Alex. Huwag mong ituloy kung ano man 'yang binabalak mo."
Mahinahon kong paki-usap sa kaniya habang magkaka-harap kaming tatlo. Ako, si Alex at isang babae. Hawak niya sa bewang 'yong babaeng kasama niya at parang hahalikan niya.
"Please naman, Alex. Huwag mong ituloy 'yan. Please."
Pero imbes na pansinin niya ako, binigyan niya ako ng isang mapaglarong ngiti bago niya tuluyang halikan 'yong babae.
Napabangon ako sa kama dahil sa panaginip. Ang bilis ng t***k ng puso ko at pati ng paghinga ko. Pakiramdam ko, gusto kong umiyak. Matagal na 'yong pangyayaring 'yon pero hanggang ngayon, napapanaginipan ko pa rin.
"Nananaginip ka nanaman ba?" Lumapit sa akin si Vina. Hindi ko napansin na nasa loob na pala siya ng kwarto ko.
"Hindi panaginip. Bangungot. Bangungot na paulit-ulit akong sinasaktan at pinapatay."
"Hayaan mo lang na masaktan ka. Balang araw, masasanay ka rin at mawawala rin 'yang sakit na 'yan." Nginitian ko lang siya bago tumayo at lumabas sa kwarto ko at dumiretso sa kusina. Ramdam ko naman si Vina na nakasunod lang sa akin.
"Vina, okay ka na ba? Gusto mo, ako na lang ang magbigay ng application form mo?" Tanong ko habang gumagawa ng sandwhich. Si Vina naman, naka-salong baba lang habang pinapanood ako sa ginagawa ko.
"Sure ka ba, Cala?" Tanong niya sa akin na parang nanghahamon.
"Siyempre naman. Pero alam mo na ang kapalit, diba?" Binigyan ko siya ng pilyong ngiti bago kumagat sa sandwhich na ginawa ko. Inagaw niya naman 'yon saka kinain.
"Hay nako. Hindi ka pa rin nagbago. Sige, ilan ba gusto mo?" Tanong niya habang naglalakad papunta sa sala.
"Isang box." Sabi ko sabay ngiti ng malawak. Nagpaikot lang naman ng mata si Vina bago inihagis sa akin 'yong susi ng kotse niya.
Pumasok naman ako sa kwarto ko at inilapga sa table 'yong susi at naligo. Pareho kaming graduate ni Vina ng Civil Engineer at siya ang unang nakahanap ng kumpanyang papasukan. Pero dahil sa may sakit siya, ako na muna ang magpa-pass ng application form niya. Pagkatapos kong nagbihis, lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa harap ni Vina.
"Okay na ba itong suot ko?" Tanong ko sa kaniya saka umikot. Narinig ko namang tumawa si Vina dahil sa ginawa ko.
Nakatira kami sa iisang bahay dahil pareho naman kaming malayo sa family naming. Saka magsisimula na rin naman kaming pareho ng sarili naming buhay.
"Okay na 'yan. Ayusin mo ha? Dapat makuha ako para sa interview. Naku, kung hindi lang ako makuha,Cala, wala kang isang box ng chupa chops na XXXL" Sabi niya sabay tawa ng malakas.
"Oo na. Pero bakit ko magiging kasalanan kapag hindi ka makapasa eh hindi naman ako ang gumawa ng application form mo?" Sabi ko sakaniya sabay pamewang. Tawa lang din ang sinagot niya sa akin. Pinaikutan ko siya ng mata bago umalis sa harap niya at nagpunta sa parking lot. Narinig ko pa siyang sumigaw ng 'Ingat' bago ko maisara 'yong pintuan.
Nagdi-drive ako ngayon papaunta sa M's tower. Balita ko, sila ang may pinakamalaking firm around asia. Kaya kung maganda man ang kalalabasan ng application ni Vina, baka dito na rin ako mag-apply.
"Good morning, Ms. Collin." Bati sa akin ng isang babaeng naka-pencil cut na skirt. Magsasalita pa lang sana ako pero agad ng tinawag 'yong pangalan ni Vina kaya hindi ko na nasabing hindi ako si Vina. Di bale na nga, sa loob na lang.
Naglalakad ako ngayon papunta sa loob ng office ng may-ari ng kumpanyang ito. Ewan ko, pero sobra akong kinakabahan. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan 'yong pinto.
"Good morning, Ms. Collin." Bati sa akin ng lalaking naka-upo habang naka-harap sa glass na bintana. Ang lalim ng boses nito, parang nang-aakit. Pero para akong nanigas n'ong humarap na siya.
"A-Alex?" Wala sa loob kong napalunok ako. Ang tagal na rin bago ko siya nakita. Pagkatapos ng nangyari noon, wala na akong naging balita sa kaniya.
"Cala?" Hindi rin niya makapaniwalang sabi. Ang laki ng pinagbago niya. Aaminin ko, mas lalo siyang gumwapo, mas lalo siyang naging lalaki.
"Akala ko, si Mr. Montenayor ang may-ari neto? Nasaan siya?" Medyo natataranta kong tanong. Mas lalo pa akong nataranta n'ong narinig ko siyang tumawa. Bakit ganon? Bakit pati pagtawa niya, parang nang-aakit?
"Montemayor ako, Cala diba? Nakalimutan mo na ba? Amiel Loui Exikiel Xenon Montemayor." Napakagat lang naman ako sa lips ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman niya kaylangan banggitin 'yong buong pangalan niya.
"Ikaw, bakit ka nandito? Akla ko si" Sabi niya bago tiningnan 'yong folder na nasa table niya saka ibinalik sa akin 'yong tingin niya. "Ms. Vina Collin ang mag-a-apply, e bakit isang Camille Althea Louise Agape Saavedra ang nandito?" Tanong niya saka ngumiti ng nakaka-gago. Huminga muna ako ng malalim na malalim bago ako sumagot.
"Wala po kasi siya. May sakit. Kaya ako po muna ang magpa-pass ng application form niya, total magpa-pass lang naman po, diba?
"Good morning." Putol niya sa sinasabi ko.
"Good morning. So ayun nga. Hindi naman po sigurong masama na ako ang nagpunta rito." Dire-diretso kong tanong sa kaniya. Narinig ko naman siyang tumawa bago tumayo. Lumapit siya sa kung nasaan ako.
"You may have a sit, Ms. Saavedra." Sabi niya sa akin at nauna ng umupo.
"So, anong connection ang meron kayo ni Ms. Collin at ikaw ang nandito?" Tanong niya habang nakatingin sa mata ko.
Gusto kong umiwas sa tingin niya pero hindi ko magawa. Para bang gustong-gusto ng mata ko na nakatitig sa mata niya. Parang na-miss ng mga mata ko 'yong mga mata niya.
"Ms. Collin? Nakikinig ka ba sa akin?" Agad naman akong napatingin sa papel na hawak ko dahil sa kahihiyan. Bakit ba kasi ako nakikipagtitigan.
"Ah. Magkasama po kami sa isang bahay kaya ako na lang po nag-pass ng application form niya."
"So, alam mo bang pinag-ready ko sila ng questions para sa article na gagawin nila?"
'Oo. Ewan ko nga sa company mo kung bakit kelangan pang interviewhin ka, e hindi naman sila mascom graduate para magsusulat ng article tunkol sayo,' Gusto kong isagot sa kaniya pero parang ayaw lumabas sa bibig ko.
"Opo." Sagot ko habang hinahanap 'yong questionnaire na binigay sa akin ni Vina.
"So, pwede na ba tayong mag-start? Kasi may meeting pa ako mamaya." Malamig niyang sabi. Huminga naman ako ng malalim bago ko inumpisahang magtanong. Maraming tanong na naisulat si Vina kaya medyo naging mahaba rin ang pag-interview ko sa kaniya. Twenty five minutes ang itinagal ng interview ko sakaniya. Inayos ko na 'yong mga paper na hawak ko at tatayo na sana ako ng bigla siyang magsalita.
"Ikaw ba, Ms. Saavedra. Wala kang gustong itanong sa akin?" Sabi niya habang nakatingin nanaman sa mga mata ko. Ganon rin ang ginawa ko, tumingin din ako sa mga mata niya.
'Marami akong tanong sayo, Alex. Pero kapag ba itinanong ko lahat iyon sayo, masasagot mo ba ako? Makukuha ko ba 'yong sahgot na gusto kong marinig?' Gusto ko ulit sabihin sa kaniya pero, ayaw ng katawan ko.
"Wala po. Inutusan lang po ako, hindi po ako mag-a-apply dito kaya wala po akong tanong." Nakita ko naman siyang ngumisi bago bumalik sa upuan niya. Sumandal siya rito at saka tumingin sa akin.
"Yeah. Good to see you again, Cala." Para namang uminit 'yong mukha ng sinabi niya 'yon. Pakiramdam ko, ang pula-pula nang mukha ko. Buti na lang at dumating na 'yong secretary niya para sabihing times up na kami. Muntik ko na ngang sabihin sa secretary niya na matagal na kaming times up, na hindi nga lang times up, game over na.
Ewan ko ba kung bakit pero paglabas ko ng building niya, parang doon lang ako nakahinga ng maayos. Kanina kasi, parang nagpipigil ako ng hininga. Umiling na lang ako para mawala 'yong mga iniisip ko at saka nag-drive pabalik sa bahay. Pagpasok ko, biglang may hinagis sa akin si Vina. Buti na lang at nasalo ko 'yon.
"Ouch, Vina! Ano bay an! Tinulungan na nga kita, babatuhin mo pa ako." Pagrereklamo ko. Pero imbes na mag-sorry, binigyan niya ako ng pilyong ngiti at titig.
"O, ano namang meron diyan sa ngiti at tingin mong 'yan?" Sabi ko saka tiningnan 'yong inihagis niya kanina at nanlaki 'yong mata ko ng makita ko ang isang box ng lollipop. Agad naman akong napatingin kay Vina.
"Talaga?!" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. Tangin tango lang sinagot niya pero hindi pa rin nawawala 'yong pilyo niyang ngiti at titig.
"Grabe, Cala. Ikaw lang pala sagot sa mga prayers ko e. At guess what. Hindi ako pinapatawag sa company dahil sa interview." Sabi niya sabay tayo at ki-niss ako sa pisngi ko.
"Huh? E para ano pala?" Sabi ko naman sabay punta sa kusina. Magluluto ako ng pagkain naming ni Vina ngayon.
"Para magsimula sa bago kong trabaho." Cool niyang sabi. Nanlaki naman 'yong mata ko dahil sa narinig ko.
"Talaga!? Grabe. Seryos ka?!" Hindi ko makapaniwalang tanong kay Vina.
"Yeah. At dahil sa'yo ito. Kaya ililibre kita."
"Krispy Kreme at Starbucks ha."
Sabay lang kaming nagtawanan ni Vina. Bakit? Bakit agad tinanggap ni Alex 'yong application ni Vina? Well, hindi naman siguro dahil sa ako ang nagpunta 'ron. Magaling din naman talaga kasi si Vina. Kaya siguro. Tama. 'yon ang rason. Huwag kang assuming, Cala. Masyado kang nagfi-feeling.