Ella’s POV Nakatulala ako sa labas ng bintana habang iniisip ang paliwanag ni James kagabi sa akin. Sinabi niya kay Seniora lahat ng tungkol sa amin. Noong nakita ko silang naghahalikan, kaagad niya akong sinundan. Pinaliwanag niya sa akin lahat at ako naman, si marupok na ako, naniwala kaagad sa lahat ng sinabi niya. Almost isang week na kami dito at pakiramdam ko, habang tumatagal, ay nagiging masikip para sa akin ang bahay na ’to. “Ella…” Bumalik ako sa realidad nang may tumawag sa akin. Lumingon ako sa likuran at si Manang Selma iyon. “Bakit po?” tanong ko. “Masama kasi ang pakiramdam ng kasamahan ko na magluto sa kusina… pwede bang ikaw muna ang pumalit sa kanya?” tanong nito. Walang pagdadalawang-isip na tumango ako. Hindi ko kasi talaga trabaho ang magluto, pero kung minsan, tu

