Ella’s POV Buong gabi akong hindi nakatulog ng maayos. Iniisip ko pa rin ang mga pwedeng mangyari pagbalik namin. Gusto ko si James at alam kong gano’n din siya sa akin, pero ano na lang kaya ang sasabihin ng mommy niya? Kinaumagahan noon, lutang ang isipan ko hanggang sa makasakay na kami ng eroplano pauwi. Ngayon, papasok na ang sasakyan namin sa gate ng mansion nila. Masyado akong kinabahan nang makita ko ang iba pang mga maid na nakalinya para salubungin kami. Napatingin ako kay James nang hawakan niya ang kamay ko saka ngumiti na parang sinasabing magiging okay lang ang lahat. Bumaba kami at alam kong nanginginig na ang kamay ko. "Maligayang pagbabalik, Senyorito," sabay-sabay nilang pagsasalita. Tumango lang si James saka pumasok sa pintuan at sumunod naman ako. "My son, welcome

