Ella's POV "Make sure na maayos lahat. Naiintindihan niyo ba?" utos ni Madam Veronica sa amin. "Yes, Madam," sabay-sabay naming sagot. "Good morning, Mom." Napatingin ako kay James nang magsalita siya habang pababa ng hagdan. Nagtama ang aming mga paningin at ngumiti siya sa akin. "Oh, well, it's good that you're here. Dadating ang bisita mo mamaya kaya gusto ko lang na maayos ang lahat," ani naman ni Madam Veronica. Ikina-kunot noo ni James. "Bisita? I don't remember na may bisita ako ngayon," takang tanong ni James. "Oh, silly! Don't you remember? Your fiancée, Sapphire. Uuwi siya ngayon," sabi nito, at umagaw ang atensyon ko. Naramdaman ko ang tingin ni Madam Veronica kaya napayuko na lang ako. Kaagad ko ring naramdaman ang tingin ni James sa akin. "Mom—" "Oh, well, it's time to

