James POV
"Ok 'yong ginawa mo ah! Ayos! Proud na ako sa'yo! Sana nga hindi ko na kayo tinulungan doon kanina eh! Hehehe! Nice move! 'Yan ang galawang James." Nakanginting, napa-iling lamang ako sa kanya. Si Kuya Jo talaga oh. Manyak.
"It was just an accident! Walang ibig sabihin 'yon," ani ko. Mahina niyang akong binatukan.
"Accident! Tsk. First move mo na 'yan eh! Umamin ka."
"Eh hindi ko nga siya gusto! 'Bat mo ba pinipilit?"
"Biro lang naman. Ito naman oh."
"Hay nako, ewan ko sa'yo, Kuya Jo. Mabuti pa umak.....yat....na....ako." Bigla na lang bumagal ang aking pananalita nang lumabas si Ella. She's wearing her off-shoulder white dress together with pink lipstick. Kelan siya nagpalit ng damit?
"Bibig mo nalag-lag na," biro ni Vince. Kanina pa siya seguro sa tabi ko. Agad kong isinarado ang aking bibig na kanina pa pala nakanganga.
"She looks gorgeous, right?"
Hindi ako nakapagsalita o lingunin man lang sina Lyn, Vince at Kuya Jo.
"Sir! Sir? Sir?" Nabalik ako sa realidad nang may kung sinong tumapik sa akin.
"Y-yes? I mean, what?" Kunwaring naiinis na tanong ko.
"Bagay ba, sir? Wala na kasi akong nakita pang damit sa kwarto ko kaya eto na lang. Bagay ba naman, di ba?"
"Hindi." Deritsong sambit ko.
"Bakit? Maganda naman ah!" Pilit nito. "You look awful with that dress. Better change it."
"S-sir?" Nanahimik silang lahat sa inasta ko. Gusto ko lang malaman nila na wala akong gusto kay Ella.
"Change," utos ko.
"Ang straight forward mo naman. Kung ayaw mo sa suot ko, 'di wag! Mabilis akong kausap!" Inis itong umalis sa harapan ko.
Napangisi ka agad ako nang makita ang nagpipigil na galit ng lalakeng bagong dating. Minabuti kong puntahan ito.
"Hey there, old friend." Bati ko, pero hindi niya man lang ako binati; sa halip ay akmang aalis ito nang pigilan ko siya.
"Alam mo bang masama ang pumunta ka dito sa bahay na hindi binabati ang birthday boy?" Ngisi ko. Marahas na binawi niya ang kanyang braso na hawak ko.
"Happy birthday, Mr. James Lauren," seryoso nitong sagot habang nakatingin sa akin.
Tumawa naman ako nang kaunti.
"Oh, so you do remember me, huh. It's been so long, Mr. Chance Hajj," ani ko saka sumeryuso. Ilang segundo nitong pinako ang tingin sa akin bago umiwas.
"If you'll excuse me, may pupuntahan pa ako."
"I missed those days," aniko, dahilan upang mapatigil ito.
"Those days na naging talunan ka. Do you still remember nang ilampaso ko ang team mo sa soccer? That's the best memory for me," dugtong ko pa sabay ngisi.
Humarap naman ito sa akin. "Oh, you mean those days na naging masaya ka kahit isang beses mo lang namang natalo ang team ko? Yeah, it's surely one of the best memories," sagot niya na ikinawala ng ngisi ko.
"Oh, why so quiet?" Pang-iinis niya pa sa akin. Inis na napabuntong-hininga ako.
"Then, I have to go. Nice meeting you again, old friend," huli niyang sinabi bago umalis sa harapan ko.
Nakuyom ko ang kamao sa inis.
"Jerk!"
---
Chance POV
Hindi ko aakalaing sa pagpunta ko dito sa probinsya ay makikita ko ulit si Ella. Ang totoo nyan ay matagal ko na siyang gusto mula pa noong mga bata kami.
"Ella? You mean your first love? That Ella?" tanong sa akin ni Daddy sa telepono. Napangiti ako at tumango kahit na alam kong hindi niya naman ito makikita.
"Yes, Dad. That girl," ani ko.
"Then, what are you waiting for? Ligawan mo!" Udyok niya. Nawala ka agad ang ngiti ko.
"Hey, son, are you still there?" tanong ni Daddy ng sandaling manahimik ako.
"Yeah. It's just... ewan ko kung kaya ko ba siyang ligawan. You know naman na pagdating sa kanya torpe ako, 'di ba?" Nag-aalala akong amin. Huminga naman siya nang malalim.
"Listen, boy. You are the son of Marcus Hajj. Alam kong kaya mo 'yan. Go on, ligawan mo siya. Gawin mo lahat. Habang hindi pa huli ang lahat, Chance. Make me proud." Huli niyang sinabi bago pinatay ang tawag.
Kaya ngayon sa wakas ay naipon ko na lahat ng lakas ko para harapin siya.
"Ella?" Mahinahong tanong ko. Humarap siya sa akin na nagtatanong. Huminga ako nang malalim bago sinambit ang mga katagang dati ko pang gustong sabihin. Kaya ko 'to.
"P-pwede b-ba---aham." Kunwaring napa-ubo ako. Ano ba 'yan, nauutal na ako. Ramdam ko na rin na pinagpapawisan na ang mga kamay ko pati rin ako. Kinakabahan talaga ako.
"Ano ba kasi 'yon? May trabaho pa ako," sabi niya. Kainis naman. Bilis na kasi.
"K-kasi... ano... pwede ba kitang--" Pinutol ko muna ang sasabihin ko at agad na tumalikod. Ano ba Chance, ilang practice muna 'to, huwag kang kabahan! Parang baliw na sermon ko sa sarili ko.
"Kitang? Anong kitang?" tanong ulit niya. Humarap ako sa kanya. Kapag naman sa bahay at nagpractice ako nito, hindi ako nauutal, pero kapag kaharap ko na siya, hindi ako makapagsalita.
"Kitang ligawan?" Deritsong saad ko.
Nakita ko ang expression sa kanyang mukha. Gulat.
"Ha?" Hindi makapaniwala ang tanong niya.
"Kaylan man hindi ako nagbiiro," ani ko. Hindi ito nakapagsalita na parang umurong na ang dila.
"Ah... eh... kasi--"
"Ok lang naman kung hindi mo masagot ngayon. I won't pressure you. Maghihintay ako sa sagot mo, Ella, at kahit ano pa 'yon, matatanggap ko." Tumalikod ako at humakbang palayo sa kanya na nakayuko. Bababa na sana ako ng hagdan nang bigla itong magsalita.
"Pwede naman... seguro," sagot niya. Mabilis naman akong lumingon sa kanya. Nakangiti siya sa akin.
"T-talaga?" Hindi makapaniwala ang tanong ko. Humakbang ako ng isang beses palapit sa kanya.
"Sabi ko seguro--"
"That's more than ok. Thank you."
"Luh. OA nito. Ano ba nakain mo--" Hindi ko na ito pinatapos at niyakap na lang siya nang mahigpit.
Sobrang saya ko.