James POV
Aakyat na sana ako papauntang balcony nang makita ko sina Chance at Ella. Aalis na sana ako nang marinig ko ang isang salita na naka-agaw ng atensyon ko kaya huminto ako.
"Ktang ligawan?" boses ni Chance. Mabilis akong humarap sa dalawa. Natigilan si Ella sa tanong ni Chance kaya tumalikod na lang si Chance, pero nakayuko kaya hindi niya ako nakita agad.
"Pwede naman... seguro," sagot ni Ella.
"Wow. That's too easy," sarkastiko kong ani sa sarili.
Nakakasuka na ang view dito kaya pasimpleng umubo ako para maagaw ang kanilang atensyon. Hindi naman ako nagkamali. Napatingin silang dalawa sa akin. Tumaas naman ang kilay ko na nakatingin sa kanila.
"S-sir! Nandyan ka pala," ani ni Ella. Obvious ba? Tsk.
"Kanina pa," taray kong sagot. Hindi na sila nahiya; dito pa talaga magyayakapan.
"Ella, pumunta ka dito. May ipag-uutos ako," sabi ko. Kaya wala na itong nagawa kundi sundin ako. Wala naman talaga akong iuutos; gusto ko lang putulin ang kasiyahan nila.
"Ano ba ang ipag-uutos nyo?" tanong niya nang maka-akyat na ito.
"Linisin mo 'yong kwarto ko!" utos ko.
"Ano? Kakalinis ko lang no'n ah. Ngayon lang," sagot niya.
"Wala akong pake-alam! Linisin mo ulit!"
"Pero, sir---"
"Sinabi ng linisi--"
"Oo na. Eto na! Aalis na nga oh. Huwag ka ng high blood, ok? Pesti!" Padabog nitong sinunod ang utos ko. Tsk.
Nang umalis na ito sa harapan ko, mabilis akong bumaba para harapin si Chance.
"You have very low taste. Seriously? That stupid annoying maid? Gusto mo 'yon?" Natatawa kong tanong dito pero wala man lang siyang reaksyon.
"No one's asking for your opinion," ani niya, at alam kong may balak na naman itong umalis kaya mabilis akong humarang sa daanan niya.
"Ano bang kailangan mo sa akin?" inis nitong tanong.
"Actually, wala naman. Gusto lang kitang galitin nang galitin nang galitin hanggang sa ikaw na mismo ang umalis dito at para hindi ko na makita 'yang pagmumukha mo dito. And this time I will sure I will win."
"No one wants to play with your stupid game anymore, James. Hindi ka na bata. Bakit ba isip bata ka pa rin hanggang ngayon? Grow up! And pwede ba kalimutan mo na 'yong nangyari noon--"
"Don't you dare say that!" sigaw ko.
"I hated you for being too perfect sa lahat ng bagay! You always beat me in everything! Sa tingin mo makakalimutan ko 'yon lahat? I can't lose again and again--"
"Then stop trying to compete against me," putol niya sa sinabi ko.
"What?"
"You know you will never win. Kaya please lang, hindi na tayo high school. Stop and move on already," ani niya saka tinapik ang braso ko at nawala sa paningin ko. Nagtiim ang bagang ko at halos mamula sa galit ang mukha ko.
"Jerk, remember this." Humarap ako sa dinaanan niya.
"I will make you feel what I am feeling right now. Matatalo rin kita," tiim-bagang kong bulong sa hangin.
Then someone caught my eyes. Bigla akong napangisi.
Kung hindi kita matatalo sa ibang bagay, what if sa babaeng gusto mong makuha na lang? I'm sorry, Ms. Balona, but you will have a big part for my game.
---
"Ella!" tawag ko sa kanya. Agad itong lumapit, nakapaa lang ito dahil galing sa bukid.
"Bakit, sir?" tanong niya. Sandali akong hindi nakasagot.
"Don't you think na kailangan mong sundin lahat ng utos ko because I am your boss?" ani ko.
"Malamang! Ano na naman ba ang nakain mo?" Walang gana nitong tanong.
"Just answer my question!" inis kong ani dito. Napaikot naman ito ng mata.
"Oo na po, Boss James," tunog sarkastiko nitong sagot.
"Ok na? Aalis na ako--"
Aalis na sana ito nang hawakan ko ang kamay niya, dahilan upang tumigil ito. Dahan-dahan itong tumingala mula sa kamay ko na nakakapit sa kanya hanggang sa aking mga mata.
"S-sir?" tanong niya.
"Stay away from Chance. That's an order," utos ko. Bigla na lang nalaglag ang panga nito. Hindi makapaniwalang tumingin ito sa akin na nakakunot ang kilay habang ako ay walang emosyon.
"Ha? Teka, bakit? May-masama ba do'n? Wala na man akong nakiki---"
"Hindi mo na gugustuhing ulitin ko pa ang sinabi ko. Inuutusan kita, Ella," matapang ko itong hinarap habang siya ang hindi pa rin makapaniwala.
"Alam mo ang labo mo! Wala naman siyang ginagawang masama. Ang unfair mo!"
"I don't care! Just do it! Are we clea--- ahhhh!" Napahawak ako sa aking ulo nang bigla itong sumakit. Agad niya akong inalalayan papasok ng bahay. Hindi pwede; akala ko nawala na ito, bakit ngayon bumalik? Naluluha na ako sa sakit, parang mabibiyak ang ulo ko.
"Anong nangyari?" alalang tanong ni Manang Selma. Agad niya kaming tinulungan at pinasok ako sa aking kwarto.
"Bumalik na naman ito. Sabi ko kasi sa'yo na magpa-opera ka na!" suhestyon ni Manang Selma. Pina-inom niya ako ng gamot upang mabawasan ang sakit ng ulo ko.
"Opera? Bakit ka magpapa-opera?" alalang tanong ni Ella. Napatingin ako sa kanya. Akmang magsasalita si Manang Selma nang umiling ako.
Nagbuntong-hininga na lamang ito at tumayo.
"Sige, Ella, ako na ang bahala sa kanya. Mabuti pa at magluto ka na para makakain na ang sir mo," utos ni Manang. Nag-aalangan man, agad na sinunod nito ang utos.
"Iwan mo muna ako," utos ko kay Manang Selma. Agad naman niyang sinunod ang utos ko. Bumuntong-hininga na lang ako saka humiga sa kama.
Ang totoo nyan, I have a brain tumor kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit palaging sumasakit ang ulo ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balak magpa-opera. Hindi ako takot sa operation, wala naman kasi akong rason para mag-stay pa sa mundong 'to. Kaya mabuti nang mawala na ako. Pero bago 'yon, gusto kong magawa lahat ng gusto ko. Especially my first love. Arts. Pero mukhang mamamatay akong hindi ko magagawa 'yon.
Ayaw na ayaw ni Mommy sa ginagawa ko. She wants me to be an actor like her. Pero ayaw ko. I disobey her kaya she thought I rebelled against her, kaya andito ako ngayon sa probinsya.
'Buti na lang at wala pang taning ang buhay ko kaya maswerte pa rin ako. Kaya ngayon na may pagkakataon pa ako, gusto kong sirain si Chance at all cost.
Just wait, jerk. I will make your girl fall in love with me. I wonder how you will feel.