NAPAPAGOD na si Theia kakasunod kay Fox. “Kailangan ba talaga ang mga iyan?” naguguluhang wika niya kay Fox. “You will act as my woman. Kaya dapat lang na dito ka matutulog sa room ko,” wika nito sa kanya. “Pero...Master Fox...” “Fox...kapag tayo-tayo lang, you can call us by our name.” “Pwede naman na sa ibang silid ako matulog,” sabi niya. “What’s wrong? Natulog na tayo nang dalawang gabi na magkatabi at magkayakap,” natatawang sabi nito. “Ikaw lang naman ang nakayakap,” mahinang bulong niya na kinatawa lalo nito. “Dapat pala hindi muna namin sinabi sa iyo ang plano namin,” iiling-iling na sabi nito. “Hindi naman sa ganoon, nahihiya lang ako,” saad niya sa binata. Habang lumilipas ang oras na kasama niya ito ay napapalagay ang loob niya. Pero nandoon pa rin ang pagkailang niya

