NAKABITIN si Theia sa isang malaking sanga ng punongkahoy. Nakatali ng lubid ang kanyang mga paa at mga kamay. Dinuduyan niya ang kanyang katawan upang iwasan ang bawat patalim na binabato ni Lion sa kanya. Halos isang oras na nilang ginagawa ang pagsasanay na iyon. Hindi niya makalas-kalas ang pagkakatali ng lubid sa kanyang mga kamay. Nangangawit na rin siya sa paggalaw ng kanyang katawan. Kaya lang kung di niya iduduyan ang katawan ay tatama sa kanya ang patalim ni Lion. “Come on, Theia! Is that all you can do?” nakangising sabi ni Lion. “Paano na lang kung bilisan pa ni Lion ang paghagis ng patalim, eh di patay ka na ngayon,” natatawang sabi ni Bull. Inis na inis na siya. Mas mahirap ang training na pinapagawa sa kanya ng mga ito. Halos hindi pa siya nakakabawi ng lakas sa pagsasan

