HALOS mabingi si Rome sa sinabi ni Theia. Hindi niya namalayan na naglakad na ang asawa palabas ng arena. “Rome,” tinig ni Albert. Hinawakan nito ang kanyang balikat. Nilingon niya si Rafa na nanatiling nakatayo malapit sa kanya. “Rome, binabati kita. Napakahusay ng nakuha mong kalahok. Malaki ang magiging pakinabang natin sa kanya,” wika ng kanyang Uncle Zandro nang lumapit ito sa kanya. Nanatiling tahimik ang kanyang Lolo Benedict. “Hindi ko alam na may tinatagong alas ang Henarez Clan, Don Benedict,” wika ni Don Melchor. “Anong hiningi niyang premyo?” interesadong saad naman ni Caleb. Anak ito ni Don Melchor. Mataman nitong hinihintay ang kanyang isasagot. Tumingin siya sa kanyang Lolo Benedict. “Ang kalayaan ng mga Giovanni ang kapalit ng panalo niya,” walang emosyong saad n

