“What did you say?” tiim ang bagang na sabi ni Rome kay Albert. Hininto niya ang sasakyan nang marinig ang ibinalita ng kaibigan sa kanya. “May nanloob sa mansyon. Sa mismong kwarto ninyo ni Theia,” ulit nito. “Bakit hindi ako tinawagan ni Valentin?” humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. “They know where we are, Rome. Kabilin-bilinan mo sa kanila na hindi ka nila pwedeng istorbohin kapag kasama mo si Lexie,” sagot ni Albert sa kanya. “F*ck!” nahampas niya ang kamay niya sa manibela. Napailing siya at muling pinaandar ang sasakyan. Pagkapasok nila sa loob ng mansyon ay kapwa sila napatingin ni Albert sa isa’t isa. May kakaiba sa mansyon. Nakasalubong nila si Ella. Napahinto ito nang makita sila. “Ah, dumating na pala kayo, Master Rome,” bungad nito. “Where is she?” patungkol

